Pagkatapos ng almusal ay pinasama ako ni Yasmin papunta sa kanila. Siguradong magugulat ang Mama at Papa nya kapag nakita si Yohan.
"I'm home!" Kahimikan ang sumalubong sa amin sa kanilang malaking bahay. Naisip ko tuloy kung nalulungkot ba si Yasmin dahil wala siyang ibang makausap bukod sa mga magulang nya na parating abala sa trabaho.
"Wala pa yata ang parents mo," usal ni Hyde na prenteng umupo na sinundan naman ni Yohan. Samantalang ako ay naupo sa single sofa.
"Parating na sila. Sabi kasi ni Mama kahapon ay ganitong oras ang dating nila mula sa out-of-town conference," tugon ni Yasmin matapos tingnan ang suot na wristwatch.
Mayamaya ay nakarinig kami ng busina ng sasakyan. Agad namang tumalima ang mga kasambahay nila. Sabay-sabay pa kaming napatayo nang bumukas ang front door at iniluwa ang mga magulang nina Yasmin at Yohan.
"Y-yohan anak? Ikaw na ba iyan?" Agad na napaluha ang Mama nila at mabilis na niyakap si Yohan. Tinapik naman ni Mr. Arcena ang balikat ng panganay nyang anak.
"Akala namin ay hindi ka na namin makakasama. Salamat sa Diyos at nakabalik ka na," iniiwas ko ang paningin sa kanila dahil baka maiyak pa ako sa makabagbag-damdaming tagpo ngayon.
Nagsimula na ring magkwento ang Mama at Papa nila. Hindi pala lingid sa kaalaman nila ang kakayahang taglay ng panganay nilang anak. Kaya naman nang mawala ito sa piling nila ay gayon na lang ang paghihigpit nila kay Yasmin kahit wala naman silang nararamdaman na may kapangyarihan din ito gaya kay Yohan. Humingi rin sila ng tawad dahil sa paghihigpit nila, at agad namang naunawaan ni Yasmin ang lahat.
Matapos ang mahigit kalahating oras ay nagpaalam na ako sa kanila. "Mauna na po ako sa inyo, baka naghihintay na sina Mama sa akin."
"Mag-iingat ka hijo. Salamat sa paghatid mo sa kanila," kinamayan naman ako ni Mr. Arcena.
"Pakikumusta na lang kami kay Elrie," segunda naman ni Mrs. Arcena.
Tumango ako sa kanila. "Makakaasa po kayo. Sige po."
*****
"Ibig mong sabihin, may umatake sa inyong halimaw kaninang umaga habang nagjojogging kayo ni Yasmin?"
Tumango ako kay Katelyn. Nandito na naman kami sa balcony at pinagmamasdan ang kalangitan.
"Oo. Pero bago pa man dumating sina Hyde at Yohan ay may dalawang babae na nagligtas sa amin. Balewala nga lang sa kanila iyong halimaw."
"Dalawang babae?"
"Alex at Lesli ang pakilala nila. Malalakas sila at mukhang hindi sila ordinaryong tao."
"Mabuti na lang at may nagligtas sa inyo. Hindi pa kasi gaanong bumabalik ang kapangyarihan ko." Napatingin si Katelyn sa mga palad nya at bumuntong-hininga.
"Hindi pa rin tayo sigurado kung kalaban ba sila o kakampi," sabay inom ko sa mainit na tsokolate. Masarap ang pagkakatimpla. Hindi gaanong matamis. Tamang-tama lang sa panlasa ko.
"Malalaman natin iyan kapag dumating na ang takdang oras," ngumiti siya sa akin saka tumingin sa langit. "May bulalakaw!"
"Wow!"
Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga bulalakaw sa kalangitan. Wala namang naibalita sa TV na magkakaroon ng meteor shower ngayon.
"Ano kayang ibig sabihin nyan? Wala naman kasing naibalita na magkakaroon ng meteor shower ngayon," kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Sa tingin ko, isa itong pangitain."
"Pangitain? Ng alin?"
"Na malapit na ang oras. Kaya maghanda ka na."
"Kung may kapangyarihan lang sana ako kagaya mo. Hindi ako magdadalawang-isip na makipaglaban para sa kapayapaan."
"Determinado ka talaga, ha?" biro nya.
"Siyempre!"
"Hintay ka lang, Karll. Ang hindi mo inaasahan ay pwedeng mangyari."
"Sana nga. Sana magandang pangyayari iyan."
"Sinisigurado ko sa iyo na kahit ano pa ang mangyari, handa akong ibigay ang buhay ko kung kinakailangan."
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Kinakabahan ako sa iyo. Hindi ka mamamatay. Walang mamamatay!" asik ko sa kanya at saka inubos ang natitira kong inumin.
"Basta. Matulog na nga tayo. Nangangalumata ka na. Huwag ka kasing masyadong nag-iisip."
"Oo na, Ate," biro ko kaya sabay pa kaming napatawa.
*****
Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Alas singko pa lang ng umaga pero binubulabog na agad ako. Babangon na sana ako para buksan ang pinto pero agad itong bumukas at sumungaw ang ulo ni Katelyn.
"K-karll . . . May ipapakita ako sa iyo," niluwagan nya ang bukas ng pinto pero agad nya ring isinara.
Napabalikwas ako ng bangon dahil nagsimula siyang mag-alis ng damit pero nakatalikod. "B-bakit ka nag-aalis ng damit?"
"Tingnan mo."
Napanganga ako sa nakalagay sa likod nya. Para itong tattoo ng pakpak ng isang anghel pero kulay itim ito.
"Ano ang ibig sabihin nyan?"
Inayos nya muna ang damit nya bago humarap sa akin. "Unti-unti na kasing bumabalik ang kapangyarihan ko. Isa lang ang ibig sabihin nito."
Kunot-noong napatingin ako sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita. "Parating na sila. Magsisimula na ang digmaan."
"Digmaan?"
"Oo, Karll. Labanan sa pagitan ng mabuti at masama."
___________
Nakapag-update din! Pero mahal na mahal ako ng Wattpad kasi hindi nawawala sa ranking ang S.I.U.K.! Abangan ang nalalapit na pagtatapos. May mamamatay kaya? XD
- mangkunifroggy
BINABASA MO ANG
Sketch It Up, KEN!
FantasiaHe is the artist. She is the masterpiece. He's KEN and she's also...KEN?! 12172015