Nang makabalik ako mula sa pagkagulat dahil sa pagsulpot ng misteryosong lalaki sa may balcony ay naglakas-loob na akong magtanong.
"Sino ka?"
"Yohan." Tipid nyang tugon.
Yohan? Ibig sabihin... "Ikaw ang kuya ni Yasmin?" Tumango naman siya at tumingin muli sa langit.
"Nagsisimula na sila. Gusto nilang mapasakamay ang aking kapatid."
"Kaya ba may nangyaring kakaiba sa baseball match?"
"Umpisa pa lang iyon. Kagagaling ko lang sa bahay dahil masama ang kutob ko na may balak na naman silang saktan si Yasmin." Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
"Kumusta na siya? Kung may maitutulong lang sana ako." Kumabog ang aking dibdib dahil sa labis na pag-aalala. Buti sana kung may kapangyarihan din ako kagaya nila.
"Maayos na siya. Nailigtas ko siya sa isang masamang panaginip. Pinalibutan ko ng aking kapangyarihan ang kanyang silid upang walang makalapit na mga masasamang nilalang sa kanya."
Napanatag ako dahil sa kanyang mabuting balita. "Mabuti na lang at nandyan ka para sa kanya."
"Ngunit hindi sapat ang aking kapangyarihan. Kailangang makarating ang aking mga kasamahan bago pa man maghasik muli ng kasamaan ang kampon ng kadiliman. Traydor pa naman sila kung umatake."
Napatingin ako sa langit. Kasabay ng isang piping hiling na sana ay may taglay din akong kapangyarihan para malabanan ang masasama. Para maipagtanggol si Yasmin. Para sa kapayapaan sa mundong aking ginagalawan.
"Matulog ka na. Huwag kang masyadong mabagabag. Alam kong darating sila sa takdang oras. Sa katunayan, mas maagang nakarating ang ilan sa kanila.Paalam." Tumuntong siya sa barandilya at akmang tatalon.
Napaawang na lang ang aking mga labi nang maglaho siya matapos tumalon. Kakaiba talaga silang nilalang.
Sa huling pagkakataon, sumulyap ako sa payapang langit bago isinara ang glass door. Itutulog ko na muna ang aking alalahanin.
*****
"Nagustuhan mo ba ang mga iginuhit ko? Pinaghirapan ko kaya sila." Heto at agang-aga ay nangungulit na si Katelyn sa akin. Kahit Christmas vacation ay maaga pa rin akong nagigising. Ang kapatid ko naman ay nasa Dreamland pa.
"Magaganda lahat. Sigurado ka bang hindi mo ginamitan ng hocus-pocus ang mga doodle?" Biro ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Hindi ako gumamit ng mahika, pandaraya naman kapag ganoon. Basta sinunod ko lang ng dikta ng isip at kamay ko. Isa pa, mahahalaga at mabubuting tao ang ginawa kong doodle monsters kaya maganda ang kinalabasan."
"Magaganda at gwapo?" Biro ko pa habang naglalakad palabas ng gate. Makapag-jogging muna rito sa subdivision.
"Sige. Magaganda at gwapo." Taas-baba pa ang kilay nya. "May pupuntahan ka? Tutulong muna ako sa eatery."
"Jogging lang muna ako. Balik din ako kaagad." Ikinabit ko ang earphone at kumaway sa kanya. Nagsisimula n ring dumating ang mga tao para kumain. Pihadong matutuwa sila dahil present na si Katelyn.
Sadyang napakaganda ng umaga dahil hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ni Yasmin. Naka-pink hoodie siya at jogging pants.
"Good morning, Karll!"
"Magandang umaga rin, magandang binibini." Sabay pa kaming napangiti habang magkasabay na tumatakbo.
Patuloy lang kami sa pagtakbo habang walang imik sa isa't isa. Pareho kasi kaming naka-earphones. Music lover din kasi siya. Gusto kong malaman kung ano ang pinapakinggan nya kaya tinanong ko siya.
"Ano nasa playlist mo, Yas?" One Ok Rock at Marianas Trench kasi ang nasa playlist ko
"One Ok Rock at MY FIRST STORY." Ngumiti pa siya sa akin.
Nakarating na yata kami hanggang sa huling kanto kaya huminto muna kami bago tumakbo pabalik.
"Fan ka pala ng banda ng kapatid ni Taka. Magaling din ang banda nila." Nag-okay sign pa ako sa kanya at nagpunas ng pawis sa noo. Malayo rin pala ang itinakbo namin dahil pinagpawisan ako kahit malamig ngayong umaga.
"Oo, paborito ko talagang vocalist sina Taka at Hiro." Nagpunas din siya ng pawis at inalis ang hood nya.
"Tara, balik na tayo."
"Sige. Mag-aalmusal ako sa Tita Elrie's kasi walang tao sa bahay. Maagang umalis parents ko papuntang trabaho."
Pagharap namin sa daang tinahak namin kanina ay napatigil kami dahil may nakatayong isang babae at isang lalaki. Nakaterno sila pareho ng suot na pang-jogging. Red ang sa babae at Navy blue sa lalaki. Nakayuko sila at naka-hood kaya hindi namin makita ang itsura nila pero pamilyar ang tindig at amoy ng pabango na gamit nila.
"Kayo pala, Avrille at Januar." Bati ni Yasmin sa kanila nang tumingin sila sa amin at magtanggal ng hood.
"Sana nag-text kayo para sabay-sabay tayo." Segunda ko naman. Ngumiti lang sila pero parang gusto kong kilabutan sa klase ng pagkakangiti nila. Hindi rin sila lumalapit kaya naman humakbang na ako para lapitan sila.
Sumunod naman si Yasmin sa akin pero nakakatatlong hakbang pa lang ako nang biglang naging pula ang kulay ng mga mata nila. Nagkaroon pa ng matutulis na kuko na animo handang-handa na kaming sakmalin.
"Hindi sila sina Av at Jan. Hindi sila tao, halimaw sila. Kamukha nila ng nasa panaginip ko kagabi." Naramdaman ko na lang ang mahigpit na kapit ni Yasmin sa aking kaliwang braso. Sila siguro ang tinutukoy ni Yohan na mga halimaw na umatake kay Yasmin sa pamamagitan ng panaginip.
Nakakatakot ang kanilang itsura at may itim na aura na nakapalibot. Na-estatwa na lang kami ni Yasmin nang pasugod na sila pero natigilan kami nang biglang may tumagos na kamay sa dibdib ng isang halimaw habang ang isa naman ay sumabog ang ulo dahil sa tama ng baril. Nagtalsikan ang dugo hanggang sa nawala silang parang bula. Namalikmata lang ba kami?
Napanganga pa kami at nagkatinginan ni Yasmin dahil sa nangyari.
"Wala man lang thrill. Ni hindi ako pinawisan. Bitin ang mga halimaw!" Reklamo ng isang babae na may pulang mata, itim na itim na buhok na terno sa suot nyang may...frills yata ang tawag doon.
Ang kasama naman nyang babae na may maikling buhok ay may hawak na baril. "Let's go." Malamig na wika nito matapos hipan ang dulo ng baril. Mukha siyang modelo. Astiging modelo pala.
Akmang aalis na sila nang magsalita ako. "Saglit! Sino kayo? Baka pwedeng magpakilala muna kayo?"
Sabay silang humarap sa amin. "Hi Yasmin and Karll! Ako si Lesli. Siya naman si...ano ngang pangalan mo?" Bakit alam nila ang pangalan namin?
Hindi kami sinagot ni Miss Model. Nagsimula na siyang maglakad na animo model sa runway. Hinabol naman siya ni Lesli.
"Ang cold mo naman! Tinatanong pangalan mo, o!" Tumingin si Lesli sa amin. "Alis na kami! Mag-iingat kayo."
Pero hindi pa sila nakakalayo nang magsalita si Miss Model. "Alex." Patuloy ito sa paglalakad at itinaas ang kanang kamay na kumakaway. Mayamaya pa ay nawala na sila.
Kakampi kaya sila?
__________
mangkunifroggy speaks:
Another update woo abangan ang crossover namin nina @Liozlaith at @Areswar000 \m/ 4 chapters to go!
BINABASA MO ANG
Sketch It Up, KEN!
FantasiaHe is the artist. She is the masterpiece. He's KEN and she's also...KEN?! 12172015