SPECIAL DAY.
Balewala ang pag-set ko ng alarm sa cellphone dahil maaga pa rin akong nagising. Ganito yata kapag sobrang excited kang makita ang taong may ngiti na kayang pagandahin ang araw mo. Birthday kasi ni Yasmin ngayon.
Katulad ng nakagawian, nag-inat inat ako at tumalon talon, parte na ito ng ehersisyo ko araw-araw. Uminom muna ako ng isang basong tubig bago pumunta sa banyo para maligo ngunit bago pa man ako pumunta sa tukador para kumuha ng damit ay nag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako dahil si Dream Girl ang nag-text.
From: Yasmin my DG
Good morning! See you later, huwag kalilimutang isama sina Januar at Avrille :)
Agad akong nagreply sa kanya.
To: Yasmin my DG
Magandang umaga rin binibini at maligayang kaarawan! Asahan mo ang pagdalo namin nina Avrille at Januar sa iyong ika-labingpitong kaarawan.
P.S.
Nawa'y hindi dumugo ang iyong ilong hahaha :DMakalipas ang ilang segundo ay agad siyang nagreply.
From: Yasmin my DG
Binalinguyngoy yata ako, Ginoo haha asahan ko kayo ha? Sige at mag-aalmusal na muna ako. Kain ka na rin :)
Daig ko pa ang naka-jackpot sa lotto kasi nakilala ko ang sweet at maalalahaning babae kagaya ni Yasmin. Para siyang kape na nagpapagising sa inaantok kong sistema. Malapad ang ngiting dumiretso na ako sa banyo habang sumisipol ng isang kanta.
*****
"Paanong napunta rito ang sketch pad na ito?" Nagtatakang nakatingin ako sa study table dahil nakalapag doon ang sketch pad na bigay sa akin ni Lolo noong nabubuhay pa siya. Hindi ko pa siya nagagamit dahil marami pa akong stock ng sketch pad. Vintage na ito at may leather cover. Nakapagtataka lang dahil may pilas sa unang bahagi nito na parang may inalis na obra. Siguro ay ginamit na ito ng isang beses ni Lolo bago pa man nya ipamana sa akin. Artist din kasi si Lolo pati na si Papa kaya hindi kataka-takang mamana ko ang talento nila. Pareho na silang sumakabilang-buhay. Ibinalik ko na lang muli ito sa drawer at saka lumabas ng kwarto dahil naaamoy ko na ang masarap na almusal na niluluto ni Mama.
"Magandang umaga!" Masiglang bati ko sa kanila. Tamang tama lang pala ang pagpunta ko sa dining room dahil katatapos lang maghanda ni Mama ng almusal. Ang kapatid ko naman ay halatang kagigising lang dahil magulo pa ang buhok nito. Ginawaran ko si Mama ng halik sa pisngi at ginulo ko pa lalo ang buhok ni Karline kaya humaba ang nguso nito.
"Ang aga mo namang magising, Kuya. Hindi ka naman halatang excited sa birthday ni Ate Yas?" Panunukso agad ang isinalubong nya sa akin.
Ginulo ko ulit ang buhok nya sabay kurot sa pisngi. "Maligo ka na muna Karline dahil hahabulin na ng suklay ang buhok mo. Isa pa, mas masarap kumain kapag mainit pa ang pagkain kaya punta na sa banyo." Bago ko pa siya hilahin patayo ay kumaripas na ito ng takbo. Napailing na lang ako. May pagka-ninja talaga ang batang ito.
"Gwapong-gwapo ka yata ngayon anak. Ano bang sikreto mo?" Tinakpan muna ni Mama ang mga pagkain dahil kay Karline.
"Mama talaga oo. Natural na iyan, mana po ako sa inyo, e." Ang lapad ng ngiti ko nang makaupo. "Magagandang lalaki rin naman po sina Lolo at Papa kaya hindi na kataka-taka." Pareho pa kaming napatawa sa sinabi kong ito.
Hinaplos ni Mama ang kanang pisngi ko "Kamukha mo talaga ang Papa mo noong kabataan pa nya. Carbon copy talaga kayo at halos pareho ng ugali."
"Kaya siguro nahulog ang loob nyo sa kanya ano po, 'Ma?"
"Mabait at maalalahanin ang Papa mo. Siya nga lagi ang tagapag-paaala kapag may malapit na ang birthday sa aming magbabarkada noon." Tila nagbabalik-tanaw pa si Mama dahil sa kanyang ngiti.
Tumagal ng halos dalawampung minuto ang aming kwentuhan nang bumalik si Karline. Ang bilis naman nyang maligo.
"Naligo ka ba talaga? Ang bilis, a." Pang-aalaska ko sa kanya matapos nyang maupo sa may tabi ni Mama.
"Naligo naman ako kagabi Kuya at saka masamang pinaghihintay ang pagkain kaya chibugan na!"
Nagdasal muna kami at nagpasalamat bago simulan ang agahan.
*****
Matapos ang agahan ay sinimulan ko na ang pagbabalot ng aking mga regalong obra para kay Yasmin. Si Mama naman ay naging abala na sa karinderya kasama si Karline dahil wala namang pasok ngayon.
Matuling lumipas ang oras. Mayamaya pa ay nandito na sa bahay sina Avrille at Januar bitbit ang kani-kanilang regalo. Naihanda na rin pala ni Mama ang ipinangako nyang Graham Cake para kay Yasmin.
"Aba, artistahin ang dating ng mga bestfriend ko. Baka naman kayo ang mapagkamalang may birthday?" Pormang-porma kasi silang dalawa. Bagay na bagay kay Januar ang brown jacket na pinalooban ng dilaw na t-shirt. Brown din ang kulay ng pantalon nya na tinernuhan ng puting rubber shoes.
"Wala kang magagawa KEN, nagkaroon ka ng mga ganitong kaganda at kagwapong bestfriends. You should be thankful!" Slang pa talaga ang pagkaka-English nitong si Avrille. Nakasuot naman siya ng pink dress na may symmetrical design. Tinernuhan naman nya ito ng pink na high heels.
"Pasalamat din kayo at naging bestfriend nyo ako. Bibihira na ang mga katulad kong mabait."
"Mabait kapag tulog." Dugtong ni Avrille.
"Mabait ka talaga, buddy." Tumango-tango naman si Januar.
"At talagang mabait lang ang tingin nyo sa akin? Wala man lang gwapo, maginoo, talentado --"
"Gwapo, maginoo, talentado. Okay na?" Putol nilang dalawa sa sasabihin ko. Ang babait talaga nila. Ibang klase!
"Gutom lang iyan, Kuya. Tara na nga kina Ate Yas para mahimasmasan ka na." Biglang singit naman ng kapatid ko bitbit ang paper bag kung saan nakalagay ang Graham Cake.
"Tama si Karline, KEN. Gutom lang iyan kaya taralets!"
Sabay pa nila akong inakbayan matapos naming magpaalam kay Mama na pupunta na kami kay Dream Girl ko. Katulad dati, nagkaasaran muna sina Januar at Avrille dahil balak ni Januar na iwan na lang ang kotse nya sa garahe namin dahil sa kabilang kanto lang naman ang pupuntahan namin. Syempre, hindi naman papayag si Avrille dahil nga naman naka dress to kill siya tapos paglalakarin lang namin. Sa huli, siya rin ang nasunod.
*****
Masayang atmosphere ang sumalubong sa amin nang makarating sa bahay nina Yasmin. Sa garden kasi nila naka-set ang handaan kaya nagkalat ang iba't ibang dekorasyon. Samu't saring mga lobo na nagkalat sa damuhan, iba't ibang kulay ng ribbon na nakapalibot sa buong hardin, masayang tugtog na nagmumula sa sound system at ang masarap na halimuyak ng mga handa. Pakiramdam ko tuloy ay nag-rambol bigla ang mga alaga ko sa tiyan.
"Happy birthday, Yasmin!" Nagkasabay-sabay pa kaming apat sa pagbati kay Yasmin matapos kaming makita nito mula sa may gate ng Arcena residence.
"Salamat at nakapunta kayo dahil magtatampo talaga ako kapag hindi." Napalabi pa siya kaya ang cute nya lalong tignan.
"Iyan ang hindi pwedeng mangyari, Yas. Aba sayang naman ang porma namin!" Nag-pose pa talaga si Avrille at umikot na para bang nagmomodel kaya napatawa tuloy kaming lahat.
"Pwedeng-pwede ka ngang maging model, Avrille. O siya tara na sa loob." Yaya nya sa amin ngunit bago pa kami makahakbang ay may isang lalaki na humahangos na lumapit sa amin.
"Bakit ka ba tumatakbo Hyde? Gutom ka na ba?" Nagtatakang tanong ni Yasmin dito.
"Kaya ko pa naman Yas, nakita ko kasing may mga paparating kang bisita kaya ako tumakbo papunta rito." Napakamot pa ito sa ulo at nginitian kami.
"Classmates, this is Hyde Melendrez. My best friend --"
"And her knight in shining armor." Putol nito sa sasabihin ni Yasmin. Inakbayan pa nya si Dream Girl at kinindatan. Mukhang magkakaroon pa yata ako ng karibal.
BINABASA MO ANG
Sketch It Up, KEN!
FantasiaHe is the artist. She is the masterpiece. He's KEN and she's also...KEN?! 12172015