ART CLASS.
"Mr. Novero got the highest grade."
Katulad ng mga nagdaang pagsusulit sa larangan ng pagguhit, nakamit ko na naman ang pinakamataas na marka. Kung tutuusin, hindi na dapat ako nagugulat sa ganitong anunsiyo ng aming guro pero katulad ng dati, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. Na-eexcite pa rin ako at nagagalak.
"Next is Mr. Laurente." Nagkatinginan kami ng nasa unahang hilera ng kinauupuan ko at saka nag-fist bump. "Congrats, buddy!" Masayang bati ko sa kanya.
"Congrats din dahil ikaw na naman ang nag-top sa art class natin. Hindi na ako magtataka dahil mamaw ka na talaga!" Pagbibiro pa ni Januar sa akin. Pareho kami ng nakahiligian, ang pagguhit.
"Salamat!"
"At dahil diyan, manlilibre ng meryenda si Karll Eldred Novero!" Niyugyog naman ako ng katabi kong si Avrille Ocampo. Silang dalawa ni Januar ang aking maituturing na matalik na mga kaibigan. Taliwas sa amin ni Januar, pagsusulat naman ng mga tula ang nakahiligan nya.
"Thats all for today. Class dismiss!" Dahil biyernes ngayon, nag-uunahan na sa paglabas ng classroom ang mga kaklase ko. Malamang ay happy time na dahil Sabado na bukas at walang pasok.
"Uwian na!" Sabay na bulalas ng dalawa. Sabay din silang tumayo at nagbuhat ng kani-kanilang bag.
"Hindi naman kayo halatang excited mag-uwian? Sabay pa kayong dalawa, e." Panunukso ko sa kanila. Matapos ayusin ang mga gamit ko ay tumayo na rin ako.
"Aba syempre naman! Manlilibre ka ngayon 'di ba, Januar?" Naghanap pa talaga ng kakampi si Avrille kaso mali ang nahingian nya dahil...
"Gutom na ba ang mga bulate mo sa tiyan, Abril? Magpurga ka kasi paminsan-minsan." Pang-aalaska ni Januar dito. Hindi talaga kumpleto ang araw kapag hindi nya inaasar si Avrille.
"Tse! Ikaw Enero ha, nawiwili ka na sa pang-aalaska sa akin. Crush mo ba ako?" Inilapit pa nang husto ni Avrille ang mukha nya kay Januar kaya kitang-kita namin ang bahagyang pamumula ng pisngi nito at tainga. Maputi kasi si Januar.
"H-ha? I-ikaw magiging crush ko? A-asa!"
"E bakit nauutal ka? Tapos mukhang kamatis ang mukha mo? 'Sus crush mo ako, e! Aminin mo na. Hindi naman ako magagalit, e." Pang-asar na sabi pa nito habang tinutusok-tusok pa ang kaliwang pisngi ni Januar.
"Mainit kasi kaya namumula ako. Lumayo-layo ka nga sa akin Abril!"
"Oo na lang, Enero." Nginisian pa siya nito bago dumistansya.
Pumagitna ako sa kanilang dalawa at inakbayan sila. "Tama na nga iyan. Baka sa bandang huli ay kayo rin ang magkatuluyan." Ako naman ang nakangisi ngayon.
"KEN naman, e!" Nginitian ko sila ng sobrang lapad dahil sabay na naman sila sa pagsasalita. Si Avrille ang nagbansag sa akin ng KEN na galing nga sa buong pangalan ko.
"Tara na ngang umuwi at mailibre na kayo." Malakas ang loob ko na sabihin ito dahil may karinderya kami at si Mama ang namamahala nito.
"Ayos matitikman ko na naman ang luto ni Tita Elrie!" Tinatapik-tapik pa talaga ni Avrille ang kanyang tiyan.
"Ang sabihin mo, solved na naman ang mga alaga mo sa tiyan, Avrille Ocampo." Humirit na naman ng panunukso si Januar habang naglalakad kami sa may hallway.
"Ay nako Januar Laurente, kung naiinggit ka ay damihan mo ang order mamaya. Aba minsan lang manlibre itong si KEN!"
"Thanks but no thanks. Hindi naman ako kasing-takaw mo. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka tumataba, e ang lakas mo kaya kumain?"
"Malakas kasi ang panunaw ko, you know."
"Magpapurga ka nga kasi."
"No need."
"Kailangan mo iyon!"
"No need na nga! Kulit naman nito!" Nakarating na kami hanggang sa school parking ay nagtatalo pa rin ang dalawang ito. Pambihira!
"Mauuna na ako sa inyo. Avrille, huwag mong aawayin si Januar habang nagmamaneho. Baka pagdating nyo sa bahay ay puro kalmot at pasa na siya." Inasar ko muna siya bago paandarin ang bisikleta ko. Hindi naman gaanong malayo ang Lazaro State University sa bahay namin. Magkapitbhay naman sina Avrille At Januar kaya madalas ay sabay na sila kung umuwi para hindi na siya magpasundo. Nasa huling taon na kami ng hayskul at balak na rin namin na sa LSU na magtuloy ng kolehiyo.
Naririnig ko pa ang pag-aasaran nila bago ako mag-pedal ng bisikleta palabas ng campus.
*****
"The best talaga kayo magluto Tita Elrie, busog na busog ako!" Malakas pang napadighay si Avrille bago muling nagsalita. "Oops, excuse me." Nag-peace sign pa siya sa amin ni Januar.
Napatawa tuloy kaming tatlo nina Mama. "Salamat at nagustuhan mo ang mga luto ko, hija. Kung gusto mo ay ipag-uuwi kita nitong calamares at halo-halo. Mag-uwi ka na rin ng ginataang tulingan dahil paborito ito ng parents mo."
"Talaga po Tita? Thank you so much!" Niyakap pa nya si Mama at ginawara ng halik sa pisngi. Hindi na iba sina Avrille at Januar dahil mismong mga magulang naming tatlo ay magkakaibigan na mula pa noon. Kaya siguro kaming tatlo ay naging matalik na magkakaibigan na rin.
"Eating monster ka kasi, Abril. Hindi na kataka-taka. Kita mo nga at ang dami mo talagang inorder samantalang tig-isa lang kami ni KEN ng bowl ng chicken lomi." Nilibre ko kasi sila ng chicken lomi at sago't gulaman pero humirit pa si Avrille ng halo-halo at calamares. Eating monster talaga ang isang ito pero hindi naman tumataba.
"Nainggit ka na naman, Enero. Sabi ko kanina ay damihan mo ang order. Payatot!"
Abril at Enero ang tawag nila sa isa't isa kapag nag-aasaran dahil iyan din ang buwan ng kanilang kapanganakan. April at January. Avrille at Januar. Destiny!
"Ako payatot?" Turo ni Januar sa sarili. "Every weekend kaya ay nag-woworkout ako!"
"Workout? E bakit payatot ka pa rin? Wala nang pag-asa na lumaki ang mga muscle mo, stickman!" Pati tuloy ang mga nagtatrabaho sa karinderya ay natatawa sa pag-aasaran nila.
"Kapag ako naging hunk --"
"Who you ako sa iyo? Asa ka pa!" Pagputol ni Avrille sa sasabihin ni Januar. Iningusan lang siya nito kaya humagalpak na lang kami ng tawa ni Mama.
"Mga batang ito oo, bangayan nang bangayan. Baka mamaya ay magkagustuhan na kayo." Pati si Mama ay nakikitukso na rin.
"Tita naman, e!"
Ako naman ngayon ang mang-aasar sa kanila. "Sabay pa talaga silang dalawa, 'Ma. MTB!"
"MTB?!" Sabay na naman na tanong nila.
"Meant to be ang ibig sabihin ng anak ko. Ayie!"
"Meant to be?! Over my dead and gorgeous body, Tita!" Tinignan pa muna ni Avrille si Januar at napangiwi siya sa ideyang iyan.
"Tita, kapag naging girlfriend ko si Abril ay butas panigurado ang bulsa ko. Sa lakas ba namang kumain nyan. Kaya siguro walang nanliligaw diyan. Mamumulubi kasi!"
"As if namang ikaw ang gusto kong maging boyfriend, Enero!" Sabay belat at irap kay Januar.
"Huwag magsalita ng tapos!" Ngayon naman ay sabay pa kami ni Mama na magsalita.
"Cannot be!" Protesta pa ni Avrille. Napatingin naman ito sa wrist watch. "Sige po Tita uuwi na po kami. Marami-rami pa po kaming homework e. Salamat sa libre, KEN." Tinapik nito ang balikat ko.
"Salamat po sa masarap na meryenda Tita Elrie." Bumaling naman si Januar sa akin. "Salamat sa libre, buddy. Sa uulitin!"
"Buti kung may next time pa. Kuripot pa naman si KEN!" Pipitikin ko sana sa noo si Avrille pero kumaripas na siya ng takbo papunta sa kotse ni Januar.
"Mag-iingat kayo. Drive home safely." Paalala pa ni Mama.
"Yes, Tita!"
Inihatid na lang namin ng tanaw ni Mama ang papalayong sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/48784971-288-k646391.jpg)
BINABASA MO ANG
Sketch It Up, KEN!
FantasyHe is the artist. She is the masterpiece. He's KEN and she's also...KEN?! 12172015