Chapter 10

8.4K 162 20
                                    

Punished

"Alex! Alex! Where are you?"

Pumasok ako sa kwarto namin, pero wala siya. Bumaba ako sa kusina, at doon ko siya hinanap.

"Alex! Please! Answer me!" Wala pa rin akong nakita ni anino niya.

Tumakbo ako palabas ng garahe, at nakita 'kong may nakahandusay na katawan, puro dugo. Lumapit ako habang nanginginig ang mga kamay ko.

Si Alex, wala ng buhay. Niyakap ko siya nang mahigpit at ako ay iyak ng iyak. Halos hindi na ako makahinga ng maayos. Paano na ako? Wala na ang taong pinakamamahal ko, may rason pa ba ako para mabuhay?

"I told you Rosa, sa akin ka lang!" Alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Andito siya. Napasigaw na lang ako ng hilain niya ang mga paa ko.

"Hey! Rosa! Wake up!" Nagising na lang ako dahil sunod-sunod ang pagyugyog sa akin. Hinawakan ko ang noo na mayroon ng pawis, at huminga ng malalim.

"Binabangungot ka ata? Are you okay?"

"Yes, I'm fine now."

"Kanina pa kasi ako katok ng katok sa pinto. I thought something happened. Buti dala ko ang duplicate ng susi ng apartment. Kaya ako nakapasok dito. I bought some food. You can eat now. But before that, maghilamos ka muna." Natawa siya sabay punta sa sala. Kumunot ang noo ko. Hindi na lang ako sumagot. I just did what he said.

After few hours of preparing. Nagpunta na kami sa Bulacan, para hanapin ang pamilya ni Kathleen. Nasa tapat na kami ng bahay nila. Kulay black ang gate, mataas ito. May pagka-malawak ang lote nila. Hindi na ko magtataka dahil nasa isa itong exclusive subdivision. Nag-doorbell si Troy, pagkatapos ng ilang segundo, bumukas ang gate.

"Sino po sila?"

"I'm Troy, and this is Rosa. We're here to ask some question regarding to Miss Kathleen Santos."

"Okay. Pasok po kayo. Tawagin ko lang si Madam Gina." Pinaupo niya kami sa may terrace. Pinagmasdan ko kung gaano kalawak ang bahay. May garden, iba't ibang mga bulaklak ang nakita ko, at may pool din sa bahaging kaliwa.

"Ma'am, Sir! Kain po muna kayo."

"Thank you." Pagkaalis ng katulong, sabay dating ng isang babae, tingin ko nasa kwarenta anyos na siya, sobrang linis niyang tignan. May konting make-up sa kanyang mukha. At ang pananamit niya ay parang isang model. Tumayo kami ni Troy bilang pag-galang.

"Hi, Ma'am."

"Anong tungkol sa pamangkin ko? Nahanap na ba siya?" Walang bakas na na pag-alala sa mukha niya.

"Hindi pa po."

"Dito po ba nakatira si Kathleen? Ilang buwan niyo na po ba siyang hindi nakikita?"

"Yes. I think almost a year na." Sabay tingin niya sa mga kuko niya. Halatang wala siya ganang kausapin kami.

"Bago po siya nawala, ano pong ginawa niya?"

"The usual, after her work, uuwi siya rito, then aalis ulit, partying with her friends. Kinabukasan, hindi na siya umuwi dito."

"May napansin po ba kayong kakaiba sa kanya bago nangyari 'iyon?"

"May nakita akong mga pasa sa braso niya. Hindi ko na siya natanong kung paano siya nagkaroon noon." May kakaiba sa kanya, hindi ko lang masabi kung ano 'iyon!

Tumingin sa akin si Troy, parang may gusto siyang sabihin. Bigla na lang tumunog kanyang cellphone.

"Excuse me. Sagutin ko lang yung tawag." Tumayo si Ma'am Gina at naglakad sa loob. I got curious sa pagkatao niya, then I followed her. Hindi napansin ni Troy iyon kasi busy siya sa kakakalikot sa phone niya.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon