Chapter 5

10.1K 252 69
                                    

Abducted

We got home yesterday. The trip was okay but terrifying at the same time. I want to forget the bad things that happened.

Hindi na ako magkanda-ugaga rito sa office. Marami akong kailangan tapusin dahil ilang araw din akong wala.

"Rosa, maglu-lunch lang ako."

"Sige Daisy." Ibinalik 'kong muli ang aking pansin sa aking ginagawa. Konti lang din ang nakain ko, but it's okay, I need to finish this today.

Daisy came in my office as if she's afraid of something.

"Rosa, may mga police roon sa kanto, nag-iimbestiga kasi may ninakawan daw doon kagabi tapos ni-rape at pinatay!" Dire-diretso niyang sabi.

"A-ano? Nakakatakot naman iyon!"

"Oo nga eh. Kaya magpasundo ka na lang every night sa asawa mo."

"Huwag na. Busy siya lagi. Wala siyang oras para sa akin."

"Ikaw talaga Rosa! Kung iba napangasawa ni Alex malamang iniwan na ng babae iyon! puro work na lang. Kailan ba siya nagkaroon ng oras sa'yo, Wala diba? Masyado ka ng nagpapaka martyr sa kanya."

Huminga ako nang malalim. Sanay na ko kay Daisy. I know she's concern about my married life since we're close friends. Bilang kaibigan ko, gusto niyang hiwalayan ko na lang si Alex kaysa mahirapan ako habang buhay kasama ang taong hindi naman ako mahal. Kaya ko ba iyon? Siya na nga ang kaligayahan ko papakawalan ko pa?

"Daisy, intindihin mo naman ako, sa kanya lang ako masaya."

"Bahala ka na nga."

Hindi ko namalayan ang oras. Pinipilit nga ko ni Daisy umuwi ng maaga at sumabay sa kanya. Tumanggi ako. Hindi ko pa tapos ang ibang pipirmahan 'kong mga papeles.

Alas-dies ng gabi ako natapos ang lahat. Isinarado ko na ang shop at nag-madaling naglakad papuntang kanto, para mag-abang ng taxi. Madalang pa naman pag ganitong oras kaya naghintay pa ko ng ilang minuto. Tumingin ako sa paligid walang masyadong tao. Hindi gaanong madilim dahil mayroon naman street lights.

Lumipas pa ng ilang minuto bago ko namalayang may nakatutok na palang patalim sa leeg ko at ang braso niya ay naka-pulupot na sa bewang ko.

Bumulong siya sa akin. "Holdap to. Ibigay mo sa akin ang mga gamit mo."

Sinubukan 'kong humiwalay sa kanya, pero hindi ko magawa! Napagtanto 'kong siya ang suspect na nang holdap din kagabi! I'm scared! Nagsimulang bumilis ang pintig ng puso ko.

Nagsalita siyang muli. "Maganda at sexy ka. Sumama ka na lang sa akin." Tapos hinila niya ko. Hindi ako makawala, ang higpit ng hawak niya sa braso ko, hindi ako makasigaw dahil ang patalim ay nakatutok sa tagiliran ko!

Nakarating kami sa isang madilim na eskinita. Bigla na lang niya kong itinulak, napaupo ako!

"Ouch!"

Pinilit kong tumayo habang siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ang wrist ko, hindi ko na nagawang makapagtimpi, sinuntok ko siya kaya napabitaw siya akin.

"Aray! Hindi ka makakawala sa akin babae ka!"

Sinubukan 'kong tumakbo palayo sa kanya pero naabutan niya ko at hinila niya ang aking buhok ko. Napangiwi ako sa sakit!

"Bitawan mo nga ko!"

"Hindi kita papakawalan hangga't di ko nakukuha ang gusto ko!" Sabay tawa niya na mala-demonyo. Sa pagpupumiglas ko natumba kami. Nakaibabaw na siya akin.

"Maawa ka naman sakin!" Sumigaw ako. "TULUNGAN NIYO KO!!! TULO----

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sinampal niya ako, nakuha niya pa akong suntukin sa tiyan. Napaluha ako, at namilit ako sa sakit!!!

"Walang tutulong sayo! Gusto mo pa sinasaktan ka pa bago ka tumahimik! Mabilis lang to! Pagbigyan mo na ko saka kita papatayin!"

Hinawakan niya ang dalawang wrist ko at nilagay sa pagitan ng ulo ko. Bakit ko ba nararanasan ito? Hindi ko ba deserve mamuhay ng matiwasay? Walang inaalala at pino-problema?

Gusto 'kong sumaya pero hindi ito ang inaasahan ko.

Napatigil ako at nagulat ng mayroong sumulpot na lalaki at sinipa ng ilang beses ang lalaki! Tumumba ito, pero tumayong muli para gumanti. They're both punching each other. Hanggang ang lalaking gusto akong pagsamantalahan ay napahiga sa kalsada, nanghina na at duguan ang mukha.

Napatayo ako habang hawak ko ang aking tiyan na masakit pa rin. Lumingon ang lalaking na nag-ligtas sa akin.

"Ian?" Mahina 'kong sabi sapat na para marinig niya. Lumapit siya sakin. Sabay hawak niya sa pisngi ko.

"Tabitha." Napaatras ako ng kaunti. At inalis ko ang kamay niya sa aking pisngi! "Don't be scared. I will protect you, I love you so much. From now on, I will be the one who will take care of you." Akmang hahalikan niya ko sa pisngi ko pero umiwas ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Come with me."

"What?! Nasisiraan ka na ba? Eh kakakilala pa lang natin!"

"Pero kilalang kilala kita Tabitha."

Sa sinabi niyang iyon, nag-flashback sa akin iyong time na may natanggap akong mga pictures at isang note. Iyong lalaking pumunta sa kwarto ko noong nasa Batangas ako, iyong lalaking nakita ko sa kabilang street na nakatingin sa akin noonh pauwi na ko galing sa shop at pati iyong nasa Aklan kami. Nandoon si Ian para iligtas ako at ngayon nasa harapan ko siya ulit!

Nakita niya akong napaisip.

"Yes, Tabitha ako nga iyon."

Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko parang lalo ata akong kinabahan mas natatakot pa ko sa kanya kaysa sa holdaper kanina!

"Salamat Ian. Tatanawin ko na lang na utang na loob ito." Naglakad na ako pero hinawakan niya ang aking braso dahil doon tinignan ko siya.

"Hindi mo ba ko narinig? Ako na mag-aalaga sa'yo! Wala naman kwenta ang asawa mo! Alam 'kong hindi ka niya mahal! Ako, mahal na mahal kita!"

Sa nakikita ko sa mga mata niya nanlilisik ito at nakatitig lang siya akin na para bang kakainin ako ng buo.

Sasampalin ko na sana siya kaya lang mabilis reflexes niya at napigilan niya ang kamay ko na dumapo sa kanyang mukha.

"Mahal ko ang asawa ko kaya tumigil ka dyan! Hindi ko siya iiwan!" Bahagyang tumaas ang boses ko at hindi ko napigilan ang inis ko!

"Ako na ang magpupuno ng pagkukulang ng asawa mo sa'yo! Hindi ko na matiis na nakikitang kitang malungkot at umiiyak sa sitwasyon na mayroon kayo! Ako- maiibigay ko sa'yo ang pagmamahal na hindi mo naramdaman sa kanya!" Mas lalong humigpit hawak niya sa braso ko.

"Ahhh! Nasasaktan na ko Ian! Baliw ka na!" Hinampas ko siya ng bag ko. Nabitawan niya ako. Tinignan ko siya may kinuha siyang panyo sa bulsa. I ran.

Wala man lang katao-tao sa paligid. Tinignan ko ang wrist watch ko, alas-onse na! Nakakatawa. Niligtas nga ako, pero parang siyang Obsessed sa akin! I don't need his love. Isang pagmamahal lang ang kailangan ko, at hindi siya iyon.

I stopped for a while to catch my breath. Pag-lingon ko sa likod ko may bigla na lang nag-takip sa ilong ko. Gusto 'kong kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Namalayan ko na lang na unti-unting sumasara ang talukap ng aking mga mata.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon