Chapter 11

8.3K 159 26
                                    

Gave up

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko magkakasakit ako. Hindi pa ako halos nakakatayo, bumukas na ang pintuan na kinaroroonan ko.

"Wear your clothes, now!" Tumama ang mga ito sa mukha ko. I didn't move even an inch. "O gusto mo ako mag-suot n'yan sa'yo?" Tinignan ko siya ng masama. At hindi ako nagdalawang-isip na mag-bihis sa harapan niya. Ano pa ang maitatago ko? Nakita na niya ang lahat! Wala siyang kaalam-alam kung gaano ko siya kinasusuklaman ngayon. Ang ayoko lang mangyari, kapag hindi na ako makapag-timpi baka makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko sa huli. Ayoko maging katulad niya!

"Where's Troy? What did you do to him?" Napatigil siya. Bumaling ang paningin niya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. I know there's a possibility he will get mad at me, again. But then, nakahanap pa rin ako ng lakas ng loob para tanungin siya.

"You really cared for him huh. Kapag may nakuha na 'kong impormasyon na kailangan ko mula sa kanya, I'm going to kill him right away. You'll see." He laughed as if there's no tomorrow. Ang dali-dali niyang sabihin iyon na para sa kanya normal lang ang pumatay.

Napayuko na lang ako. Seeing myself right here, in this situation, nakakapang-lumo. Naaawa ako sa sarili ko. Pinagkaitan na ba talaga ako ng kasiyahan? Sobrang bigat na sa dibdib. All I want in my life, is to be happy. Nothing more. Is that too much to ask?

"Son! Get down here. May iuutos lang ako."

"Yes Mom! Wait a sec." He walked outside and left me. Ni hindi niya sinarado ang pinto. Imposibleng nakalimutan lang niyang isara ito. Ano bang gusto niya mangyari?

Tumingin ako labas. Walang tao. Ilang minuto pa, naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa nakarating na ako sa basement. Bawat hakbang ko mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Then I saw Troy, nakaupo siya, at nakatali ang mga kamay. Ang dami niyang pasa sa katawan. Mayroong mga nag-kalat na dugo sa sahig. Halos matalisod ako sa pag-mamadali patungo sa kanya.

"T-troy." Hinawakan ko siya sa balikat. Tumingin siya sa akin, nanlaki ang mga mata niya. Tinanggal ko ang panyo na nasa bibig niya.

"Rosa! Get out of here! Iwan mo na ko!" Sabi niya habang kinakalagan ko ang tali sa kamay niya.

"No! I can't do that!" Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

"Listen to me! It's useless!" Napalakas ang boses niya. Parang hirap na hirap siyang huminga. Hanggang nabaling an
ng paningin ko sa baba kung saan wala na ang isang paa niya! Bakit hindi ko iyon napansin? Pinutol nila! Naiiyak na ko! Nagka-halo halo na ang mga nararamdaman ko.

"I told you. Magiging burden lang ako sa'yo kapag pinagpatuloy mo 'yan. Hindi na rin ako mag-tatagal. Marami ng nawalang dugo sa akin." I hugged him tight. Kasi iyon lang maibibigay ko sa kanya sa mga oras na ito. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. For almost one month I felt secured everytime he's around. "So you better stop crying. Okay? Just leave me here, and save yourself!"

"But.."

"No but's.. Goodbye Rosa. Run! Now!" Tumango lang ako. I ran as fast as I could. Namalayan ko na lang na nasa living room ako, napatigil ako saglit, at bigla mayroong tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Napa-salampak ako sa sahig. Nakita ko si Ma'am Gina na sinasakal ako! Pahigpit nang pahigpit ito. Nangapa ako na pwedeng ipang-pukpok. Hanggang sa nakahawak ako ng isang bagay at itinama ito sa noo niya. Napa-hawak siya doon at nawalan ng balanse. Hindi pa ko nakaka-hakbang, hinawakan niya ang ulo ko, saka inuntog sa sahig ng ilang beses. Hilong-hilo ako!

"Ang tigas mo pa rin ah!" Saka siya humugot ng patalim sa kanyang bulsa. I can't believe it na ganito siya kalakas. Samantalang ako halos hinang-hina na.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon