Chapter 6

9.9K 220 27
                                    

Escaped

It's already morning when I got up. Hindi ko naiwasan tumingin sa aking paligid. Nandito ako sa loob ng isang kuwarto, simple lang ito, puti ang kulay ng dingding, at may dalawang itong bintana, sa bandang kaliwa naman ay may isang itim na upuan, at mayroong din dalawang portrait doon.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Hinawakan ko ang doorknob, sinubukan ko itong buksan, but it's locked!

Bakit kailangan pa niyang gawin ito sa akin? Ang kunin ako at ikulong dito?! Tingin ba niya ito ang solusyon? Hindi niya ba naiintindihan na si Alex lang ang mahal ko? Siya lang! Hindi na iyon magbabago pa!

Sa sobrang galit ko, panay ang aking kalampag doon, maya't-maya pa ay nakarinig ako mga hakbang patungo sa kuwarto na kinaroroonan ko. Bumukas ito at pumasok si Ian.

Hindi ako nag-dalawang isip na sugurin at pagsusuntukin siya sa bandang dibdib niya!

"You're crazy you know that!" sigaw ko.

"Stop it!" Sabay hawak niya nang mahigpit sa dalawang wrist ko. "I won't let you go! Amd that's final!" I was startled. Bigla na lang niya ko tinulak sa kama! Mabuti na lang at malambot ito.

"Sumusobra ka na ah!" I'm so mad at him!

Umupo siya sa kama at linapit niya ang kanyang mukha sa akin, tinitigan niya ako nang maagi.

"Sa tingin mo ba nag-aalala sa'yo ang asawa mo? Hindi ka niya hahanapin! Alam ko kung paano ka niya tratuhin."

Napatahimik ako. Ipinamukha niya talaga sa akin iyon? Para akong tinamaan ng tatlong bala! Hanggang sa may pumatak na lang na luha sa mukha ko. Parang nawalan ako ng lakas para sagutin siya.

"Kaya nga nag-pursige akong makuha ka, hindi ko kayang makita 'kang binabalewala ng kahit na sino. You're mine now."

Mabilis akong napalayo sa kanya noong hinalikan niya ko sa gilid ng labi ko. Muli niya akong tinitigan. Ang kanang kamay ko ay napadako sa kanyang pisngi! I slapped him hard!

"Tumigil ka na sa kahibangan mo! Pwede? Huwag ka na rin mangarap!"

Napansin 'kong napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi. It turned red, and I don't even care!

Wala pa sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi nga ko mahal ng asawa ko tapos dumagdag pa 'tong sirang ulo na nasa harapan ko!

Then he looks at me with his serious face.

"Hindi ka na makakaalis dito. Akin ka lang!"

Napansin 'kong medyo naka-uwang ang pintuan. Bigla ko siyang sinipa sa pagkalalaki niya. Tumumba siya at napasigaw sa sakit!

"Tabitha! You will regret this!"

Tumakbo ako palabas ng kuwarto at bumaba. I need to be strong and brave! Lahat gagawin ko makatakas lang ako rito! Sino bang may gusto na mapunta sa ganitong sitwasyon?

Hindi ko alam ang pasikot sikot dito! Napansin 'kong may kalakihan ang bahay na ito. Wala rin akong makitang mga katulong man lang! That means, he's alone! Mas delikado!

What should I do? Pumunta ako sa kusina magbabaka sakali kung bukas ang pinto roon pero sarado rin!

"Tabitha! Di mo ko matatakasan! Mahahanap at mahahanap kita!"

Napatalon ako sa gulat! Rinig na rinig ko ang sigaw niya, sigaw na parang handang handa pumatay! Dahil doon nakaramdam ako ng kilabot! Noong nakaraan mabait siya, nagawa pa niya akong iligtas! Pero ngayon? Ibang-iba! Tingin ko, nagising na ang tunay niyang ugali! Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin sa oras na makita niya ako!

Napatingin ako sa may bandang kaliwa, mayroon akong nakita isang silid doon na nakabukas, pumasok ako doon, at agad 'kong ni-lock! Madilim kaya hinanap ko pa ang switch, kinapa-kapa ko ang dingding sa may bandang kanan ng pintuan!

Click!

Pagkabukas ng ilaw, hindi ko alam magiging reaksyon ko, may tumambad sa akin na maraming litrato! Nakadikit ang mga ito sa isang board! Litrato ng mga babae! Lumapit ako at tinitigan ang mga ito. Hindi sila pamilyar sa akin, I think nasa bente-anyos pataas ang kanilang edad, magaganda sila at halatang mga stolen shots!

Ian, Sino ka ba talaga?!

Kumuha ako ng dalawa, at agad ko itong inilagay sa bulsa ng aking pantalon. Habang tinitignan ko ang kabuuan ng kuwarto, bigla akong nakarinig ng malakas na kalabog!

"Tabitha! Alam mo bang ayaw ko sa mga matitigas ang ulo? Pinarurusahan ko sila para magtanda! Sundin mo ako para hindi ka masaktan! Lumabas ka na dyan!"

Napaatras ako! Halos manginig na buong katawan ko, ayaw ko pang mamatay! Pero sa ganitong pangyayari dapat akong maging matapang, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag takot ang paiiralin ko ngayon.

Nahagip ng aking mga mata ang isang sliding window, binuksan ko ito, pagtingin ko sa baba, nasa pangalawang palapag pala ako!

Kumalabog ulit yung pintuan. "Tabitha! Maikli lang ang pasensya ko!"

Ngayon ko lang napansin na may malaking basurahan na kasya ang isang tao sa mismong tapat ng paghuhulugan ko kung sakaling tumalon ako roon.

Hinanda ko ang sarili at sumampa sa bintana. I jumped with no hesitation! Pagkabagsag ko, nakaramdam agad ako ng kirot sa kaliwang binti ko, pagtingin ko natusok pala ako ng bubog, galing sa basag na salamin! Tinanggal ko iyon, pero mas naramdaman ko ang hapdi nito!

Tumayo ako, sinubukan ko talagang tumakbo hangga't kaya ko pa at may lakas pa ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala akong alam sa lugar na ito, puro puno nakikita ko, napagtanto 'kong nasa gitna ng gubat ang bahay ni Ian! Nagmasid-masid ako sa paligid, bahagya akong lumingon kung saan ako nanggaling, mukhang malayo na ang narating ko. Tinignan ko ang relo ko, alas-dose na ng tanghali at gutom na gutom na ako. I have to walk so I could call for help. Nanghihina na rin ako, feeling ko ang dami ng dugo na nawala sa akin dahil sa sugat ko.

Sa hindi kalayuan, natanaw ko na ang daan, mayroong isang high-way! Nag-madali akong pumunta roon, napansin 'kong wala pang dumadaan na sasakyan!

Napahawak na ako sa ulo ko, nahihilo na talaga ako, hindi ko na kaya! Napa-upo ako, at nawalan na ng lakas. I fell on the road.

__

Nagising ako sa naramdaman kong kirot sa binti ko. I yelped!

"So-sorry Miss! Na-nadiinan ko ata ng husto!" Gulat na gulat ang lalaki.

Nakita 'kong may hawak siyang bulak, napatingin naman ako sa may table, may nakapatong na alcohol, hydrogen peroxide (Disinfectant) at betadine.

"It's okay, nabigla lang ako, salamat sa pag-gamot sa sugat ko. Nasaan ako?"

"Nandito ka sa bahay ko, nakita kitang nakahandusay sa may high-way kahapon, hindi kita nadala sa hospital dahil medyo malay, at mahigit tatlong oras ang biyahe mula rito. Tutal may alam ako sa pang-gagamot, sa hayop nga lang." Seryosong paliwanag niya.

Napatigil ako. Veterinarian pala siya! Noong napansin kong kumunot ang noo niya sa pagtataka, kunwaring napaubo na lang ako.

Hinawakan niya ko sa kanang balikat ko, "Miss! ayos ka lang?"

"I'm good!" Nag-thumbs up ako sa kanya. Ngumiti siya. May dimples siya at maamo ang kanyang mukha, matangos ang ilong, at bagay na bagay sa kanya ang brown niyang buhok.

"Bakit ka nga pala nagka-sugat?"

"Nabubog lang." Tipid kong sagot. Ayoko rin sabihin ang tungkol sa pagtakas ko, kailangan ilihim ko muna sa kahit na sino ang nangyari sa akin.

"Sigurado ako, gutom ka na." Tumayo siya, pero bago pa siya maglakad palayo, nakuha 'kong magpakilala sa kanya.

"I'm Rosa. What's your name?"

Lumingon siya at ngumiti, "Jared."

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon