Chapter 3

10.6K 260 15
                                    


Sick

Mahigit tatlong oras ang biyahe. Hindi ko man lang nagawang matulog. Sinabayan pa ng sakit ng ulo ko.

Kakarating ko lang dito sa Nasugbu. Sinalubong ako ng caretaker namin na si Manang Nita. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya namin, kaya hindi nahirapan sila Mama na kumbinsihin siya para alagaan ang rest house na ito. May katandaan na rin siya, sa pagkaka-alam ko hindi sila nagkakalayo ng edad ni Nanay Fe.

"Magandang hapon po Ma'am Rosa. Kamusta po kayo?" Ngumiti ako sa kanya, at nginitian niya ako pabalik.

"Medyo pagod lang Manang Nita. Ayos na po ba ang kwarto ko?"

"Opo. Nilisin ko po iyon kahapon." Sinundan ko siya hanggang makapasok. Napansin ko ang bawat bagay sa loob maging ang iilang muwebles na narito. Naalala ko na naman si Mama, noon kapag kasi mayroong nakitang gamit na gustong-gusto niya at bago sa kanyang paningin, bibilhin niya iyon agad. She never changed.

"Salamat po. Magpapahinga lang po ako."

Saglit akong nag-linis ng aking katawan. Pinatuyo ko pa ng ilang minuto ang aking buhok bago magpahinga. I laid down my body on the soft bed.

I closed my eyes and I tried to get some sleep.

Maya't maya pa, nakaramdam akong may humahaplos sa mukha ko, bahagya pa itong napahinto. Bigla akong kinabahan! Don't freak out, Rosa!

After a while, I heard a sound. Tunog na parang may nasagi na isang bagay.

Napatayo ako at pumunta kung saan nanggaling iyong tunog.

Napasinghap na lang ako! Nakita ko mayroong lalaking tumatakbo at tumalon palabas sa gate.

I couldn't move! Gusto 'kong sumigaw, pero walang lumabas na ingay sa aking bibig. Hinawakan ko iyong pisngi na hinaplos niya.

I feel so weak. Napasapo ako sa aking ulo, at nagsimulang dumilim ang paningin ko.

Dinilat ko ang aking mga mata. Si Manang Nita ang una 'kong nakita pagkagising ko.

"Mam Rosa, may lagnat po kayo. Ito po ang gamot niyo." Kinuha ko iyon at ininom kaagad.

"Sa tingin ko, hindi mo kayang umuwi bukas. Magpahinga ka na lang muna Iha."

"Salamat po sa pag-aasikaso niyo po, Manang." Tumango siya at lumabas na ng kuwarto.

Hindi pa rin matanggal sa isip ko iyong nangyari kanina. Iyong lalaking pumunta ng kuwarto ko.

Is he a psycho? I shooked my head and breathed heavily. I really don't know what to do! Sasabihin ko ba ang nangyari kay Alex?

Sa tuwing naiisip ko na malamig siya sa akin, hindi na. Hindi na niya kailangan pang malaman.

I took my phone and texted her.

Daisy, I'm sick. Baka di pa ko makapasok bukas. Sorry.

Daisy

Copy! It's okay. Get well soon.

Tinignan ko pa kung mayroong text sa akin si Alex. As I expected, no text from him.

Suddenly, someone knocked a few times.

"Come in."

"Ma'am Rosa, ito na po ang pagkain niyo."

"Salamat po. Kaya ko na po ito Manang."

Kumain ako at pinilit 'kong ubusin kahit wala akong panlasa dahil sa sakit ko ngayon. Pagkatapos, kinuha na ni Manang Nita ang pinagkainan ko.

"Goodnight Ma'am Rosa."

"Goodnight din po."

My phone rang! It's first time that I've got a call from him.

"Hello?"

"Ang tagal mo naman sagutin. "

"Pasensya na, Alex." Mahinang sabi ko.

"Saan mo nga pala nilagay ang mga documents na pinatago ko sa'yo?"

Oh I get it. Tumawag siya kasi mayroon siyang kailangan.

"Nasa drawer lang iyon. Sa may left side ng kama natin."

Then he ended the call without saying anything. I slept that night with tears in my eyes.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon