Chapter 7

8.7K 213 39
                                    

Natutuwa ako sa mga taong nagbabasa ng istoryang ito. May nagagandahan pala sa gawa ko. I can't believe it! Haha. Sa totoo lang, di ako ganoon kagaling gaya ng mga sikat na Authors now a days, but I'll do my best para mapaganda pa ito. Malaya kayong magkomento. Okay? Salamat sa inyo! :)

--

Found

Isang linggo na ang lumipas. Napag-alaman ko na nasa Batangas ako. Lubos akong nagpapasalamat kay Jared dahil hindi niya ko pinababayaan,andyan siya para alalayan akong maglakad, pinagtitimpla niya ako ng Kape araw-araw pagkagising ko sa umaga, walang mintis.

Pinagluluto niya ako ng masasarap na ulam. Ginagamot ang sugat ko kapag kinakailangan. Nagawa pa niya akong bilhan ng mga damit. Bagamat na dalawa lang kami dito di ko magawang mailang, sobrang bait niya.

Tinatrato niya ako ng tama at hindi ko iyon ipagkakaila. Sa lahat ng ipinakita niya sa akin, ganoon ang pag-aalaga na nais kong maranasan mula kay Alex. Sarap siguro sa pakiramdam na ang taong mahal na mahal mo eh sobra kang pinapahalagahan.

Nandito ako sa balkonahe sa ikalawang palapag ng bahay, pinagmamasdan ang buong paligid. Kahit na bukid, kalabaw, mga magagandang bulaklak, at iilang mga bata na naglalaro ang natatanaw ko, nakaramdam pa din ako ng kapayapaan.

"Rosa, papasok na ako sa trabaho."

Napalingon ako, "Sorry Jared! Dahil sa akin ngayon ka lang makakapagwork ulit."

"Ayos lang, don't worry! Ginusto kong tulungan ka."

"Okay. May malapit ba na tindahan dito?" Sa pagmamadali kong makatakas kay Ian, naiwan ko ang bag at cellphone ko doon.

"Meron, kela Aling Josie. Sa may kanto, katabi ng manukan nila Mang Domeng. Kaya mo na ba? O ihatid na lang kita?"

"Wag na, medyo magaling na sugat ko, kaya ko ng maglakad ng maayos, sige na, ingat ka."

"Ok, ingat ka din."

__

Hindi naman malayo ang tindahan, napansin ko pa ang karatula roon na ang nakalagay "Pay phone"

"Tao po, makikitawag lang po."

Isang matandang babae ang bumungad sakin, "O sige, sampung piso para sa limang minuto." Inabot ko ang bayad, buti may pera pa ako sa bulsa ko.

Hinawakan ko ang telepono at dumayal. May kaba sa aking dibdib habang naririnig ko ang pag-ring sa kabilang linya.

"Hello?" Gustong-gusto kong makita't mayakap siya. Amg sabihin sa kanya kung ano mga naranasan ko sa kamay ng lalaking obsessed na 'yon.

"Who's this? Answer me!" Pero sapat na sa akin ang marinig ang boses niya para manatili akong malakas. Ibinuka ko ang bibig ko, kaso walang lumalabas na salita. Hindi ko pa siya kayang kausapin sa sitwasyong ito. Agad ko naman binaba ang telepono.

I started crying. Napaupo ako sa isang tabi. Hindi ko na pinansin ang mga taong naglalakad habang tinitignan ang kalagayan ko. Nakakahiya man, pero inilabas ko lang ang sakit, sakit na hindi ko na kayang itago pa.

Miss na miss ko na siya. Hinahanap kaya niya ako? May pag-asa kayang maisip niya ako sa sandaling ito?

May kumalabit sa sakin, "Iha, Ito panyo oh." Isang matandang babae na nasa tindahan. Kinuha ko naman ito at pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi ka taga rito tama? Ngayon lang kita nakita." Tumango lang ako.

"Saan ka tumutuloy?"

"Sa bahay po ni Jared."

"Nobya ka niya?"

Umiling ako. "Kaibigan po." Ngumiti lang siya at pumasok sa tindahan.

"Inom ka muna Iha." Bumalik siya para bigyan ako ng isang basong tubig.

"Salamat po."

"Ako nga pala si Josie. Nay Josie na lang ang itawag mo sa akin."

"Rosa po."

__

Ala-una na ng madaling-araw. I can't sleep though. I stared at the ceiling while thinking what I'm going to do now.

"Tabitha! Di mo ko matatakasan! Mahahanap at mahahanap kita!"

"Tabitha! Di mo ko matatakasan! Mahahanap at mahahanap kita!"

"Tabitha! Di mo ko matatakasan! Mahahanap at mahahanap kita!"

Paulit-ulit iyon sa aking isipan! Ayoko ng maalala ang mga sandaling iyon! Natatakot ako sa maaaring mangyari. Sana makayanan ko pa ito hanggang sa huli. Ayoko pang bumitaw.

"A-Alex." Naiiyak na naman ako. Para akong bata na nangungulila sa isang ina.

Ilang beses ko na bang nabanggit ang pangalan niya? Di ko matatanggap kung sakaling hindi niya ko ipahanap. Asawa niya ako. Ang tanong, mahal nga ba niya ko?

Nakarinig ako ng ilang katok at nakita 'kong pumasok si Jared sa kuwarto. Napa-upo agad ako sa hinihigaan ko.

"Umiiyak ka na naman." Kita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala. Umiwas na lang ako ng tingin.

Oo, gabi-gabi akong umiiyak. Nahihirapan na ako! Ramdam 'kong gusto na niyang magtanong kung bakit ako nagkakaganito. Kaso hindi pa ko handa na ikuwento sa kanya ang lahat.

Umupo siya sa tabi ko.

"You're a good person. Thank you for everything. I think I can't stay here any longer."

"Rosa, wala iyon, magkaibigan na tayo di ba? Kaya dadamayan kita. Magiging maayos din ang lahat." Sabay yakap niya sakin. He encouraged me that everything will be okay. I hope so.

Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin noong may narinig kaming tunog na nanggaling sa kusina.

"Ano iyon?" Napatayo ako. Kinabahan ako bigla.

"Dito ka lang, i-lock mo 'tong pintuan." Sabay labas niya. Ayoko ng ganito, iba ang kutob ko kaya nakuha ko siyang sinundan.

At this very moment, hindi ko maiwasang hindi matakot. Kulang na lang manginig ang buong kalamnan ko. Sa bawat pag-kakbang ko lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Pusa lang pala." Untag niya.

May nakita nga ako, kulay itim ito, nasa ibabaw ng lamesa at parang naghahanap ng makakakain niya.

"Alaga mo?"

Napatingin siya sa gawi ko, "Sumunod ka pala. Hindi, ngayon ko lang nakita iyan. Naligaw lang siguro."

Kumuha siya ng tubig at sa kanyang pagharap sa akin, may napansin akong nasa likod niya. Kumurap pa ko ng ilang beses para maaninag ko ito nang husto.

I took a few steps back. Napa-awang ang aking bibig.

Isang tao.

Nakasuot ng itim jacket na may hood.

Matalim ang tingin.

Tingin na hindi mo maaatim na tignan.

May hawak na kutsilyo.

Nakangisi.

Ngising hindi mo mahuhulaan kung anong maaaring niyang gawin.

Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nangangatog ang mga tuhod ko. Sinubukan 'kong sumigaw pero hindi ko nagawa! Maging ang aking dalawang kamay ay nanginginig.

Alam ko na ngayon.

Mayroon pang kasunod ang hirap at takot na pilit 'kong tinatakasan.

He's making my life a living hell.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon