Chapter 8

8.6K 208 17
                                    

Killed

Takot.

Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nasa bingit na ata ako ng kamatayan. Iyong tipong gusto mong makawala pero hindi mo magawa. Apektado ang buong sistema ko. Nangangatog ako dahil sa kaba. Anong dapat 'kong gawin?

"Jared!" Napasigaw ako. Nakita ko na lang nakahandusay na siya sa sahig. Ang bilis ng pangyayari. Nang lalapitan ko na siya, tinulak ako ni Ian, tumama ang likod ko sa lamesa at napa-upo.

"Ouch!" Sobrang sakit. Huwg sana kao mabalian ng buto. Baka hindi ko na kayanin. Tumingin ako sa kanyang direksyon.

Sinubukan 'kong tumayo, lumapit ako sa kanya.

"Ian! Please, I'm begging you, don't kill him!" Naalala ko ang lahat, ang lahat ng ginawang kabutihan ni Jared sa akin, hindi ito dapat mangyari sa kanya, ayokong may mapahamak ng dahil sa akin, hindi ko iyon matatanggap!

"Why Rosa? Mahal mo na ba 'tong lalaki 'to?" Pagkasabi niya noon, pinagsusuntok niya si Jared, hindi pa siya nakuntento, sinaksak niya ito sa dibdib, sinundan pa ng isa, dalawa, tatlo. Narinig ko siyang sumigaw, halatang hirap na hirap, awang-awa ako sa kanya! Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko namalayan umaagos na mga luha ko sa aking pisngi. Hindi ko lubos maisip na ganito ang kahihinatnan niya. Nasayang ang buhay niya ng dahil sa akin. I felt guilty!

"Tama na, Ian! You killed him!" Pinilit 'kong magsalita kahit nahihirapan na ang kalooban ko.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo, na ako lang dapat ang mahalin mo!" Galit na galit na sabi niya.

"Kaibigan ko siya for Pete's sake!!! Sinabi ko na sa'yo, hinding-hindi ko--" Bigla niyang hinablot ang buhok ko at hinawakan ako sa braso.

"Masakit! Bitawan mo ko! Te
eka saan mo ko dadalhin?!" Natataranta 'kong tanong.

"You'll see."

Hanggang sa pumasok kami sa banyo, tinapat niya ang mukha ko sa drum na puno ng tubig. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo!""

"Hinding-hindi ko mamahalin ang isang tulad mo!"

Bigla na lang niya nilublob ang mukha ko sa tubig. Ang sama niyang tao! Napakasama! Ilang segundo pa, para na kong mawawalan ng hangin. Nanghihina na ang katawan ko. Nakatakda ata akong pahirapan ng ganito. Kahit ganoon pa man, kaya ko pa rin itong tiisin, para kay Alex. Tama. Siya lang ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob.

Naramdaman kong binitiwan na ni Ian ang buhok ko. Iniangat ko ang aking ulo at hinabol ko ang aking hininga. Medyo inuubo ubo pa ko ng bahagya.

"Ayan, napapala ng mga taong di sumusunod sakin! Rosa, don't be stubborn, okay?"

Hindi na ko nakasagot. Hinawakan niya ko sa kaliwang wrist ko, halos kaladkarin niya ako.

"Bilisan mo!"

Kung ituring niya ko kala mo isa akong bagay dahil basta-basta na lang niya ko pinapasok sa kotse niya.

"Kailan man hindi ako magiging iyo, tandaan mo 'yan!"

Sinampal niya ko, nakaramdam na naman ako ng panibagong sakit, napahawak ako sa labi ko, dumudugo ito.

"Ito ba? Ito ba ang sinasabi mong pagmamahal? Nananakit ka na!"

Pinaandar na niya ang kotse. Kumunot ang noo niya. Hindi siya umimik, tila wala siyang narinig.

Katahimikan.

Halos dalawang oras na kaming nasa biyahe. Ni hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Ayoko ng ganitong buhay, iyong wala kang magawa kung hindi ang sumunod na lang. Kumbaga, wala kang kalayaan, parang kang ibon na nasa hawla.

I need to think for an escape plan.

Hindi na ako nagdalawang isip, tumingin ako kay Ian, napansin 'kong wala masyadong sasakyan na dumadaan, at walang katao-tao sa kalsada, hinawakan ng dalawa 'kong kamay ang manibela na ikinagulat niya! Kinabig ko ito pa-kanan, pagkatapos kinabig naman niya ito pa-kaliwa, ilang segundo pa, hindi namin namalayan, tumama na lang ang kotseng sinasakyan namin sa isang malaking puno.

Pagkamulat ng mata ko, nakita ko siyang walang malay, may bahid ng dugo ang kanyang noo. Nagmadali akong tanggalin ang seat belt at lumabas ng kotse.

Pagkakataon ko na ito, hindi pa ako nakakalayo, nakarinig ako ng sigaw!

"Rosaaaaaaaa!! Get back here!!! D*mn it!"

Hindi ko na siya nilingon, tumakbo na ako. At alam kong hahabulin niya ko. Kailan niya ba ko titigilan?

Sa pagod ko at panghihina, natalisod ako .

"Tatakbo ka pa ah!"

Nasa harapan ko na siya. Kitang-kita ko sa kanya ang galit. Lumapit pa siya ng kaunti, at sinuntok ako sa tiyan, namilipit ako. Hindi ko na nagawang tumayo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo 'no? Kung hindi mo ko tinakasan, hindi ito mangyayari, dapat lang sa'yo iyan!"

"Murderer!!" Sigaw ko.

Mas lalong naging matalim ang tingin niya at sinakal ako. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg. Malakas siya, kahit anong gawin vkong pag piglas walang itong epekto. Hindi na ako makahinga.

Alex. Sorry.

Papikit na ang mga mata ko pero bago pa tuluyan itong sumara, nakarinig ako ng putok ng baril.

--

Kulay puti ang paligid. Alam ko na kung nasaan ako. Napatayo ako, at tumungo sa malaking bintana. Gusto 'kong makalanghap ng sariwang hangin. Nalulungkot pa rin ako, namatayan ako ng isang kaibigan. Should I give up?

Hindi niya ko titigilan hangga't buhay pa ako.

Hindi ko siya matatakasan.

Marami pa akong mararanasan mula sa kamay niya.

Mas magiging matatag ako ngayon.

Lalaban ako.

"Gising ka na pala miss. Wait lang."

Ilang minuto pa dumating na and doktor, he checked my vitals just to make sure if it's normal. Hindi naman daw grabe ang natamo ko.

"Miss, magpahinga ka lang baka bukas pwede ka ng madischarge. By the way, may kakausap sa'yo."

Napatingin ako sa gawi niya, at may pumasok na isang lalaki.

"Maiwan ko na kayo." Sabi ng doktor.

Tumango lang siya, tapos nag-lakad siya patungo sa kinaroroonan ko.

"I'm Troy. Anong pangalan mo?"

"Rosa." Noong narinig niya iyon, nanlaki ang mata niya. Tapos mayroon siyang tinignan na papel sa isang folder na hawak niya.

"Ikaw si Tabitha Rosa Cha?"

"Yes." Tipid kong sagot.

"Finally, I found you." He smiled.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon