Mikaelakaka uwi ko lang galing sa pamimili ng supply ng pagkain ko. pag pasok ko sa condo ko biglang gulat ko ng Ang himbing ng tulog niya sa sofa kailan pa siya nandito? bakit hindi man lang siya tumawag? wala ba siyang meeting. naka business suit pa rin siya hanggang ngayon. hindi man lang nag balak mag palit may damit naman siya dito.
inilagay ko muna sa lamesa yung mga pinamili ko. sabay upo sa katapat na upuan. natatawa ako kasi pilit niyang pinag sisiksikan ang sarili niya ang laki laking tao niya kaya sa braso pa lang niya. na patingin ako sa maamo niyang mukha ang gwapo talaga ng loko kahit tulog pa rin. natawa na lang ako sa naiisip ko.
tumingin ako sa orasan ko mag A-ala una na pala gutom na rin ako medyo natagalan ako sa pamimili. kaya napag isipan ko na lang na mag luto ng Sinigang dinamihan ko rin yung luto ko paano ba naman malakas lumamon yung isang yun.
bahagya ko siyang sinilip at mahimbing pa rin ang tulog niya. na pa iling na lang ako mukhang pagod na pagod siya
mag a-alas dos na ng hapon ng matapos ko yung niluto ko. inayos ko na rin yung lamesa. pagkatapos ko mag ayos pinuntahan ko na siya para gisingin.
siniksik ko yung sarili ko sa sofa para maka upo ng kaunti kung saan siya nakahiga ngayon.
"uyy Alex gising na." sabi ko habang tinatapik siya. umungol lang siya bilang sagot pinisil ko naman yung pisnge niya. At agad naman siyang napa bangon sa ginawa ko. nakita kong bahagya namula yung pisnge niya tinignan niya lang ako ng masama. natawa naman ako dahil hanggang ngayon pulang pula yung pisnge niya.
"Bakit mo ginawa yun?" inis niyang tanong
"ayaw mong magising. tulog mantika ka kasi saka kumain kana ba? alas dos na tara sumabay kana saken"sabay hila ko sa kanya. papunta sa lamesa kung saan nakahain na yung pagkain. agad naman siyang umupo sa tapat ko.
pinag salin ko naman siya ng kanin habang siya humihigop ng sabaw ng sinigang.
"Ano nga pala ginagawa mo dito? bakit hindi ka man lang tumawag?" tanong ko.
nakita ko namang sumubo muna siya ng kanin bago ako sinagot.
"Pagod na ako para bumiyahe. yung driver ko umuwi ng probinsya alam mo naman sa kanya ko lang pinag kakatiwala yung mga sasakyan."
tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
"Eh ang yaman yaman mo bilyonaryo ka bakit hindi ka na lang bumili ng condo? or mag pa tayo ng bahay na malapit sa office mo. kesa uwian ka doon sa malaki mong mansyon" Nag tatakang tanong ko.
bahagya siyang na pa iling sa sinabi ko.
"Ayoko bumili ng condo o mag patayo ng bahay wala ka naman doon. sino na lang mag aalaga sa akin. kung ngayon doon ka nakatira sa mansyon baka kahit anong pagod ko basta pag uwi ko ikaw ang dadatnan ko uuwi ako" seryoso niyang sabi
Wala akong naintindihan sa sinabi niya anong tingin niya saken yaya? baby sitter? anong gagawin ko sa mansyon niya taga linis?
"ano namang ngayon kung wala ako? if i know gagawin mo lang akong yaya! saka anong aalagan ang laki laki mo na noh oh baka naman utusan ni tagaluto tagalaba ang ibig mong sabihin" inis kong sagot
"buti alam mo" sabay ngisi niya
napa irap na lang ako sa sinabi niya. Ang yabang talaga!
"Kamusta naman work mo?" tanong niya. "hmm okay lang naman okay naman yung team ko kung gusto mo visit ka minsan sa office pero please lang wag mo takutin yung mga yun maging friendly ka naman pa minsan minsan? wag mo namang panindigan yung tawag nila sayong cold heartless boss" tumingin ako sa kanya pero agad naman siyang umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Billionaire Series1: Alexander Dela Merced (Lucky)
General FictionKilala si alexander Dela merced bilang isang Devil handsome cold Heartless boss siya ang CEO ng Dela merced Company. wala ni isa ang kayang bumangga sa kanya. lalo na ang kanyang mga empleyado ni konting mali lang ng mga to ay walang pa ligoy ligoy...