Mikaelaits been 3 days nang huli kong nakita si alex at hindi pa maganda ang huli namin pag kikita mag sisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na hindi ko siya na m-miss. i miss him so much ewan ko ba siguro na sanay na ako na lagi siya ang kasama ko. galit pa kaya siya hanggang ngayon sa akin. ako na nga mismo ang nag decline ng offer nang sinabi ko kay jared iyon makikita mo ang lungkot sa kanyang mukha. pero okay lang daw madami pa daw siyang makikita diyan. pero hindi niya rin maiwasan ang manghinayang malaki rin kasi ang offer. at nakokonsenya naman kasi ako at ginalit ko nanaman si alex.
kaya napag isipan ko na lang na ipag luto siya ng lunch. peace offering na rin.
pa alis na ako sa condo ko ng biglang nag ring ang phone ko.
Mama calling....
sinagot ko naman agad iyon. ng makitang si mama ang tumatawag.
"oh ma? bat napatawag ka?"
"bebe girl i miss you na ni kukulit kasi ako ng papa mo na tawagan ka kung kelan ka daw uwi dito sa cebu miss na miss ka nanamin anak lalo na ng lola mo"
napangiti naman ako sa sinabi ni mama.
"ma i miss you more kayo nila papa and lalo na si lola ano kaba promise sa birthday ni lola uuwi ako diyan next week na yun diba" malambing kong sabi.
"oh talaga anak oh sige bebe girl ha! ibabalita ko iyan sa kanila! saka dont forget isama yung boyfriend mong si alex!"
nagulat naman ako sa sinabi niya. lagi niyang pang asar sa akin iyon. simula ng ipakilala ko sila kay alex noong bumisita sila dito sa manila hindi na nila ako tinigilan sa pag tatanong kung bakit bestfriend daw eh pwede naman boyfriend o baka naman daw tinatago lang namin yung relasyon namin sa kanila sabihan ba naman kami feeling teenager daw.
"ma! anong boyfriend ka diyan bestfriend! ma BESTFRIEND."
"ayy sus kahit pa doon rin ang punta nun pakipot kapang bata ka oh sige na b-bye na anak ingat ha i love you! tatawagan ko pa yung kapatid mong si kyle at kada linggo may pumupuntang babae dito at nag papakilalang girlfriend ng kapatid mo ay naku maloloka ako diyan sa kapatid mo napaka babaero"
natawa naman ako sa sinabi niya.
"hayaan mo ma. makakahanap din ng katapat si kyle. oh sige na ma bye. i love you more sa inyong lahat diyan!"
sabay end ko ng call.
sakto naman nasa basement parking na ako at agad naman na akong nagtungo kung nasaan ang kotse ko. at agad ng nag drive papuntang office ni alex.
nandito na ako sa tapat ng building ng office niya sa may makati. pumasok na ako at ngumiti kay manong guard.
"Hi mam mikaela" masiglang bati ni manong guard.
"Hi!" masaya kong sabi.
pag pasok ko ng elevator agad kong pinindot ang floor ng office ni alex. pasara nasa ito ng biglang may humarang na kamay. laking gulat ko nang si andrei pala ito isa sa barkada ni alex bahagya nakita ko rin ang gulat sa mukha niya pero ngumiti siya saken. hindi siya tulad ni alex na masungit siya yung playboy type at pala ngiti. gwapo naman kasi.
"Lunch for alex?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa hawak kong paper bag.
"ah oo." nahihiya kong sabi.
"ang swerte talaga ng loko" may binulong siya pero hindi ko narinig.
"ikaw? bakit ka nandito?" tanong ko may iilang tao na rin ang sumakay sa elevator. at tuwing nakikita ang katabi ko hindi mapigilan kiligin ang mga babae.
BINABASA MO ANG
Billionaire Series1: Alexander Dela Merced (Lucky)
Fiction généraleKilala si alexander Dela merced bilang isang Devil handsome cold Heartless boss siya ang CEO ng Dela merced Company. wala ni isa ang kayang bumangga sa kanya. lalo na ang kanyang mga empleyado ni konting mali lang ng mga to ay walang pa ligoy ligoy...