"Mary Yssabelle's POV
"HOY BABAENG TULO LAWAY AT KUMAKANTANG HUMIHILIK! GUMISING KA NA NGA DYAN KUNG AYAW MONG MABASA NG MAINIT NA TUBIG"! Sabi ng bestfriend kong si Camille.
"Urrrgh! Eh 7:30 pa nang umaga eh! Ang aga-aga tumutula na! Kainis! Eh ba't di mo gisingin yung isa jan!" Inis kong sabi.
"Eh kasi naman, kahit isang tawag ko pa lang sa pangalan niya eh, gising na! Eh pano ba naman ikaw maryang?" Sabi ni Camille.
"Edi siya na!" Ako.
"Shella Mae Rivera Reyes! Gigising kaba o gusto mong kaladkarin kita papuntang CR para maligo ka na?" sabi ni lola Camille este Camille habang nagmamadali si Shella papuntang CR at naligo.
At hayun, naligo na ako at nagbihis. High-waisted jeans at culture na damit yung sinuot ko, gusto ko lang kasi simple eh. Ako nga pala si Mary Yssabelle Corpuz, 14 years old, 5"4 height ko, 2nd year highschool at OO nakatira kami sa isang bubong. Sumang-ayon naman kasi parents ko eh kasi magbestfriend naman parents namin tatlo eh at may maid naman kami, may driver at safe naman dito kasi village naman to nila Camille Cristhel eh. Mukhang #friendshipgoals nga lang eh diba? Kaya ayos yun!
Bumaba na ako at kumain na rin kami. Hilig kasi akong kumain eh at tsaka di naman ako mataba bilbil ko lang. HAHAHAHA.
"May balak ka bang bigyan mo pa kami ng hotdog? Eh mukhang may plano kang ubusin lahat ng ulam ah." Inis na sabi ni Shella.
"Edi sayo na tong dalawa" ako.
"Ba't dalawa lang? Tignan mo kung ilan yung hotdog" -Shella
"Tapos ko nang tignan" -Ako
"Common sense naman diyan Mary! Ilan bang hotdog ang nasa plato mo?" Irita nyang sabi.
"Uhmm. Walo! Eh Tigdalawa kayo ni Camille dito, please? Gutom talaga ako, huwag mong sabihin sa kanya baka tumula na naman yun" pabulong ko kay shella habang wala pa si Camille.
"And the Queen is here! Himala ah! Tigdadalawa tayo ngayon, good job mga alipin" proud na sabi ni Camille.
"Dont you ever dare tell us "alipin" at sa pagkaka-alam ko ako ang pinakamaganda dito kaya chupe. Hoy Mary! San lakad mo ngayon at bihis ka? May date kaba ngayon?" Curious na sabi ni Shella.
"Edi kayo na ang maganda! Mas masarap pang kumain! May pupuntahan ako ngayon, sandali kilala mo pa yung childhood bestfriend Shella at Camille?" Ako.
Tumango naman sila.
"Magkikita kami ngayon sa Centrio Mall" excited kong sabi.
"Duuuuh! 10am pa yun bubukas no! HAHAHAHAHAHAHA, punta ka dun ngayon ha? Huwag kang mag-alala bukas yung mall ng ganitong oras, anong oras nga pala? 9am.HAHAHA!" Natatawang sabi ni Shella. --"
"HA HA HA HA HA dami ko tawa!" Inis kong sabi sakanila.
"Sino nga yung babaeng yun?" Camille.
"Si Najean Mendoza! Limang taon kaming di nagkita nun, miss ko na yun ng sobra! Huehue" ako.
"SAMA AKOOOO PLEAAAAASE?" Paiyak na sabi ni Shella.
"In one condition! *Evil smile*!" Hahaha 3:D proud kong sabi.
"Kahit ano papayag ako!" Siya.
"Ikaw huhugas ng plato at ililibre mo ako ng Frap sa Dream what you want shop?" Masaya kong sabi.
"Urrrrrgh! Fine" Irita nyang sabi.
Pagkatapos nyang maghugas ng pinggan at pumunta na si Shelka sa taas para magbihis.
"Hoy babae! Ba't ang tagal mong magbihis ha? Daliin mo na nga dyan! At huwag mong kalilimutan magdala ng pera! HAHAHAHAHAHA!" Patawa kong sabi sa kanya.
"Okay po maam dinasaur!" Natatawa niyang sabi.
"Hoy Mary! Mag-ingat kayo diyan ni Shella sa mall ha? At di nako sasama kasi may ka-date ako ngayon! 5th monthsarry na namin ni Alfredo Macaspac! Proud niyang sabi na may halong kilig.
"Edi wow!" Sabay sabi namin ni Shella at tumawa na kami!
Saktong 10am naman kami umalis, excited na akoo!
--------
How's Chapter 1? Comment below! Ang dont forget to vote! Salamat! :))
BINABASA MO ANG
Error 201: Forever not found
Teen FictionIsa ka ba sa mga taong nasaktan? Napaasa? Hopeless romantic? Na-stuck sa taong di ka naman mahal? Nag-assume dahil sa matatamis niyang text pero as a friend ka pala niya? Pinagtripan? Kung isa ka dun, makakarelate ka dito.
