Mary's POV
*Kriiiiiiiiiing* *Kriiiiiiiiing* *kriiiiiiiiiiing* *Kriiiiiiiiiiing* *Kriiiiiing* *Kriiiiiiiiiing* *Kriiiing* *Kriiiiiiiiiiiiiiing*"Hoy! Mary, gumising ka nga kung ayaw mong liguan kita jan mismo sa higaan mo! Unang araw ng klase oh! 5:50am na! Hoy! Gising na! Shellaaaa! Kumuha ka ng tubig sa ref! Bilisan mo! Tumutunog na nga yang alarm mo! Alarm clock na nga lang ang meron ka! De-deadmahin mo pa!" Tula ni Camille na agad akong bumangon kasi galit na si kingkong. Sobrang hugot. Pero may point naman sya.
Unang araw ng klase ngayon, at gusto ko pang matulog! Ses. Naligo na naman kaagad ako, para mawala yung antok na sumasapi sa katawan ko.
Pagkatapos kong maligo, namili kaagad ako ng damit na susuotin ko. Ripped jeans nalang kaya tapos polo? Hmm. No. Ano kaya. What if black jeans tapos Culture shirt? Sige! Hahaha! Sobrang adik ako sa Culture short eh! Halos mapuno na itong cabinet ko dahil sa culture shirt. Sinuot kong sapatos? Vans! Haha! Sinuot ko agad ang napili kong susuotin ko sa first day! Sana di ko makasalubong yung mga Pabebe. Pwe.
Bumaba na ako at kumain na ng breakfast, di ko alam kung ano na ang ginagawa nung dalawa nun. Bahala na sila, kita nalang kami sa Sasakyan. Pagkatapos kong kumain syempre.nag toothbrush ako at nagbraid ng normal lang. Ayoko ko kasi ng braid na bongga eh. Gusto ko lang ng simple. Sobrang kapal kasi ng buhok ko eh. Kulang nalang eh magpakulay ako ng brown para mukhang walis na itong buhok ko. Anyways, kinuha ko na yung bag ko at pumunta na sa sasakyan namin.
At bingo! Ako yung una! *Evil laugh* Bwahaha!
"Good morning Kuya! Pwede po bang pakitawag po ni Camille at Shella." Masayang sabi ko kay kuya.
"Di ba nasabi sa nila sayo na nauna ng pumasok sila Shella at Camille? Ang tagal nyo kasi eh. Eh diba, malayo pa yung paaralan nyo?" Sagot ni kuya.
"Hala 6:30am na, at sa pagkakaalam ko ay 7:15am magsisimula ang klase namin, kuya pwede po bang mamadaliin po natin?" Sabi ko kay kuya.
"Sige po, pero baka aabot to ng 30 mins. kasi traffic at baka aabot-----" naputol na sabi ko kay kuya kasi sinabi ko na huwag na syang magsalita at magdrive nalang.
Haysst. Habang nagbya-byahe kami, naalala ko na naman yung sa mall. Si Clark ba talaga yun? O yung kambal nya. Ang hirap, sobrang hirap yung napagdaanan ko noon, ang hirap kasi namatay yung taong pinakamamahal mo, yung taong, kinakamusta ka araw-araw, yung taong........ bumubuhos na ulit yung luha ko. Kinuha ko naman ang panyo sa bag ko. Sinabi naman ni kuya kung okay lang ako sabi ko namiss ko lang mama at papa ko. di ko namalayan na 7:00am na at nasa gitna pa kami ng traffic. Pero sa tingin ko, malapit lang yung Academy dito. Hmm. What if maglakad ako? Sige na nga.
"Kuya, baba nalang ako, malapit lang naman yung school dito eh. Lalakarin ko nalang po" nagmamadali kong sabi.
"Sige, mag-ingat ka" sagot ni kuya driver at agad naman akong bumaba at tumakbo papuntang school.
Saktong 7:10 at nakapunta na ako sa academy! NAKAKAPAGOD! Tinanong ko naman ang Guard kung saan pwede malaman kung anong section ako dapat. Sabi ni kuya straight lang at lumiko sa kaliwa. Tumakbo naman kaagad ako, nang pagkadating ko dun. Napanga-nga ako! Sobrang daming studyante! Pano na ako makasingit. Hmm. Nakipagsiksikan naman ako, wala akong magawa eh. Grade 8-----
Grade 8 - Integrity- WALA ANG PANGALAN KO
Grade 8 - Compassion - WALA RIN ANG PANGALAN KO
Grade 8 - Hope - MAS LALONG WALA YUNG PANGALAN KO!!!!!!!
Grade 8 - Loyalty - THANK YOU! WALA PA RIN! URGHHHH!
Grade 8 - Justice - Salamat! Nakita ko na! Sawakas!Tumakbo ako agad. Nakakapagod rin yung third floor. Sobrang lapit na, sobrang lapit nalang! Whoo! Bago ako pumasok, inayos ko muna yung mukha kong katatapos pa ng ligo sa pawis! Pagkapasok ko, mga 12 pa yung tao dun, pero sa list dun 42 kami. Baka wala pa yug iba. Hinanap ko yung dalawang bruha, hayun nasa gilid sila, tumatawa! Mukhang di pa nila ako nakita. Pagkapunta ko dun, Sinapak ko na sila ng notebook ko!
"Araaaay!" Sabi ng dalawang bruha. Napatahimik naman sila pagkita nila sa mukha ko! Tumahimik naman sila.
"Sige, tumawa pa kayo, baka di lang sapak sa notebook an abot niyo" sarcastic kog sabi sa kanila.
"Eh ang tagal mo kasi eh! Nakakapagod mag-antay, kaya nagtaxi nalang kami, di naman masyadong traffic kanina eh, kaya maswerte kami! Kung inantay ka pa namin baka late na tayo! At may na learn kabang lesson?" Sabi ni Shella.
"Yup! May na learn ako! Natutunan kong dapat di notebook yung sinapak ko sainyo! Dapat dictionary! Bwset!" Irita kong sabi sakanila.
Tumawa naman sila! Nakisabay rin naman ako sakanila! Haha! Pero mukhang maging masaya tong school year na to! Mukhang mababait yung mga kaklase ko! Hihi.
Makalipas ang ilang minuto, biglang tumahimik ang mga kaklase namin. Bakit nga ba?
ANO?
DI PWEDE!
KAKAINIS!
SOBRANG NAKAKAINIS!
KAKLASE NAMIN ANG MGA PABEBE?!!!!!?
BINABASA MO ANG
Error 201: Forever not found
Fiksi RemajaIsa ka ba sa mga taong nasaktan? Napaasa? Hopeless romantic? Na-stuck sa taong di ka naman mahal? Nag-assume dahil sa matatamis niyang text pero as a friend ka pala niya? Pinagtripan? Kung isa ka dun, makakarelate ka dito.