Mary's POV
"Hoy Yssabella! Tulungan mo nga ako dito, nakakapagod na oh! Ako lang tong naglilinis dito!" reklamo ni Shella.
"Ikaw na maglinis niyan! Ikaw nagsimula na kaglaro eh!" Irita kong sabi sakanya.
May iniisip kasi ako ngayon, ano kaya ang sasabihin ni Camille samin, siguro maliligo kami ng dagat HHAHAHAHAHAAHA eh ano kaya? Hmm. Makitanog nga kay Shella.
"Malapit ka na bang matapos? Daliin mo na yan" sabi ko sakanya.
"Tapos na ko!" Inis niyang sabi.
"Yeeeees! Ano kaya yung sasabihin satin ni Camille no?" Curious kong tanong sakanya.
"Baka sasabihin na niya na mas maganda ako sakanya!" Masaya niyang sabi.
Hinampas ko naman sya ng unan.
"Araaay! Nagbibiro lang naman eh!" Siya.
"Alam mo mais ka talaga!" Inis kong sabi.
"Anong mais? As in mais na kinakain?" Pilosopo niyang sabi sakin.
"Corny mo! Duuh! Pasalamat ka mabait ako! At marunong ako tumanggap ng pagkacorny mo! Bumaba na nga tayo!" Ako.
Pagbaba ko, nakaayos na lahat at parang seryoso si Camille ah. Yan ang nakakatakot sakanya, kapag seryoso sya. Parang gusto ko na atang bumalik sa taas at mag-instagram!
"Umupo kayo dito" seryosong bati ni Camille samin
"Ililibing na ba ako ng buhay?" Takot na sabi ni Shella.
"Oo, ililibing talaga kita pag di mo isasara yang bunganga mo!" Mas seryosong sabi ni Camille.
NAKAKATAKOOOOT! PARANG GUSTO KO NANG TUMAWAA! ANG AWKWARD KASI!
5 MINS. OF SILENCEEEEEE.
A
W
K
W
A
R
D"Ready na ba kayong makinig?" -Camille
Tumango naman kaming dalawa. Iba kase magalit si Camille eh. Parang ate na namin siya ni Shella.
"Mag-aaral tayo dito diba? Kaya mag-aaral tayo sa Southern Academy, isa sa pinakamahal na paaralan dito sa Cagayan de Oro, kaya mag-aral kayo ng mabuti kasi pagentrance exam natin at pagbumagsak tayo, babalik tayo sa Manila, alam naman natin na mahal natin ang isa't-isa diba? At sobrang layo ng agwat ng mga bahay natin, lalo ka na Mary! Pag-isa satin bagsak dito, agad babalik tayo dun. Nga pala, tinawagan ako ni mommy na naka-settle na lahat ng bayaran sa Academy na iyon para sa Entrance exam. After two days today, Exam na, kaya di Ice Cream ginawa ko. Chocolate Fudge para mahimasmasan kayo. Dejoke lang. May green juice dun pineprepare pa ni yaya, kahit alam kong di masarap Shella, iinumin mo at dito mismo sa lamesang ito mag-aaral tayo." sobrang seryoso na sabi ni Camille.
Kailangan ko na talagang mag-aral ng sobra para dito.
"
May bago na pala ngayon no? May seryoso na nagjojoke?" Natatawang sabi ni Shella
"Di naman kasi kayo maniniwala kapag di ako seryoso" Camille.
"Ma'am eto na po ang green juice" sabi ni yaya.
"Ayoko nyan, masusuka ako." Alala na sabi ni Shella.
"Sa ayaw at sa gusto mo, iinum ka neto. Gusto mong bumalik sa Manila at makita mo ang pagmumukha ni Glenn na nagdadahilan kung ------" singhal ni Camille na agad kong kinover yung bibig niya.
"Duuh! Bitter ako kaha huwag ka nga! At magbre-break rin kayo ni Alfredo the red nose unggoy!" Bitter niyang sabi.
"Tumahimik na nga kayo at mag-aral na tayo! Kukunin ko lang yung mga librong nasa itaas!" Sabi ko sakanila.
After 5 freaking hours of studying! Tapos na kami! At mag-aalas 9 na ng gabi.
Umakyat na kami sa taas at"Give me your phone Shella and Mary at ibigay mo yung limang pocket wifi Shella!" Sobrang seryosong sabi ni Camille.
"WHHAAAAAAAAAAAAAAT!" Gulat naming sabi ni Shella.
"Di ko to ibibigay sainyo hanggat di pa natatapos ang exam! Naiintindihan nyo ba?!" Sabi ni Camille.
"Lagot ka kung ikaw ang mababagsak dito Camille, kaya ibigay mo yung Phone mo sakin!" Seryoso kong sabi kay Camille.
"Nooooo! Urgh fine! Itetext ko lang si Alfredo na di ko sya makakatext sa dalawang araw kase sa exam wait!" Alalang sabi ni Camille.
"Alam mo naman kase Mary, natatakot kasi si Camille na baka ma LDR na naman sila ni Alfredo the red nose unggoy." Paririnig ni Shella kay Camille habang busy sa text niya.
"ANONG SINABI MOOO?" Hala! Galit si Camille.
"Wala syang sinabi no! Kumakanta lang sya! Matulog na nga tayo! Goodnight!" Singit ko sa dalawa.
----------
Salamat po! Huwag nyo pong kakalimutang i-vote po! Salamat!
@blessieme

BINABASA MO ANG
Error 201: Forever not found
Teen FictionIsa ka ba sa mga taong nasaktan? Napaasa? Hopeless romantic? Na-stuck sa taong di ka naman mahal? Nag-assume dahil sa matatamis niyang text pero as a friend ka pala niya? Pinagtripan? Kung isa ka dun, makakarelate ka dito.