Mary's POV
Bwiset ba naman oh! Sira na yung araw ko! Nung una, ako yung nakabubos, ngayon na pangalawa sya na naman! GRABE! SMALL WORLD LANG? Kainis!
"Bwiset ka!!" Sobrang inis kong sabi
"Haha! Alam ko na kung ano tawag dyan! Karma! Bwahhahahah. Ako nga pala si Angelo Escarta!" Wow! Mukhang proud pa nyang sabi ah! Shet
"WALA AKONG PAKIALAM! ALAM MO? KAHIT KAILAN BWISET KA! SHET!" Pasinghal kong sabi habang nagsisksikan yung mga estudyante papuntang gym.
"Naku, pano na to, ano ang gagawin ko basa na tong damit ko" pabulong kong sabi sa sarili ko. Oh, ako na baliw.
Di ko namalayan, iniwan na pala ako ng dalawa. Heeh! Unang araw pa nga lang nabwibiwset na ako.
"Halika, bibigyan kita ng damit" sabi ni Angelo the unggoy bwiset
Hinila niya ako! Matangkad sya, habang hinihila niya ako, napansin ko, gwapo pala to ha, Gwapo! Pero NO NO! NEVER! Ano ba tong iniisip ko. Leche. Makalipas ng ilang minuto, napunta kami sa isang sports room. Aaah. Soccer player pala sya. Eyt. Nakaka-turn on. Huwaat?!! No, di ko sinabi yun. Bwahahaha! Pero seryoso, wala talaga akong gusto sakanya.
Tahimik lang ako ng bigla syang nagsalita.
"Sorry pala ah"
"Sa alin?"
"Sa pagiging gwapo ko at matangkad"
"Ano?!!!!!"
"Huwag ka na ngang magdeny! Narinig ko lahat ng binubulong mo sa sarili mo kanina habang hinihila kitaaa!"
"Shet"
"Oh, sayo muna yan, ingatan mo yang White shirt ko ha?"
"Bwiset ka Angelo!"
"Huwag ka ngang magsalita ng Bad words! Nakakadiscourage yang kagandahan mo, kung palaging lumalabas sa bibig mo ay Bwiset, shet, "
"Wala akong pake!" Sinabi ko sakanya at lumabas na room
Ang kapal talaga ng mukha ni Angelo. Ang sarap sapakin! Nakakasira ng araw! Pumunta ako sa CR at nagbihis na ng damit nung ugok. Makalipas ang ilang minuto tapos na akong nagbihis at agad pumunta ako sa gym. Ang hirap hanapin yung section namin. Kainis. Nagtanong nalang ako sa teacher at tinuro kung san yung section ko. At yun! Nakita ko yung dalawa at yung mga Pabebe. Hayst. Umupo agad ako sa tabi nila na tila tumatawa pa!
"Letche" sabi ko
"Dalii! May forever ka na! Kwento ka naman" masayang sabi ni Shella
"Edi wow! Anong sinabi mo? Forever ko? Magiging forever ko siya kapag pumuti na ang buwaya." Irita kong sabi
Di naman sila umimik kasi sa tono palang ng boses ko ay nabwibiwsit na ako. Nagkwento na ako kung ano yung sinasabi nung Angelo the unggoy. pagkatapos kong magkwento ay sinabi pa ni Shella na kinikilig daw sya? Butiking Letche flan.
Wala pang isang oras, nabobored na ako. Ang boring ng Orientation! Heeh. Makigala na nga lang ako sa school na ito. Bahala na silang dalawa dun.
Chin up! Tahimik kasi ang gym eh at walang lumalabas kaya confidence kailangan ko. Bwahahaha! Letcheng Flan sabay ata kami lalabas ng gym nung unggoy. At tila bang lahat ng estudyante nakatingin sa amin! Pati rin yung baklang nagtutula este nagsasalita sa Stage.
"You two! Sinong may sabi na lalabas kayo!?" Sigaw nung nag-oorient na bakla.
Di kami umimik. Haharap na sana ako ng biglang---
"Huwag kang haharap kung ayaw mong mag CS tayo" pabulong na sabi ni Angelo
"Eh anong gagawin natin?" sabi ko
"Babalik tayo sa section natin"
"Eh ano ba ang section mo Angelo?"
"Gusto ko pag tinatawag mo kong Angelo, haha! Justice ako"
"Pute-------"
"DI KAYO SASAGOT? SUSPENDED!"
"ANOOOOO?" NAPAHARAP KAMING DALAWA SA SINABI NIYA! UNANG ARAW PA NGA LANG EH!
BINABASA MO ANG
Error 201: Forever not found
Novela JuvenilIsa ka ba sa mga taong nasaktan? Napaasa? Hopeless romantic? Na-stuck sa taong di ka naman mahal? Nag-assume dahil sa matatamis niyang text pero as a friend ka pala niya? Pinagtripan? Kung isa ka dun, makakarelate ka dito.
