Camille's POV
Nakatulog ako sa sakit. Di ko namalayan na malapit nang gumabi. Bahala na dito muna ako hanggang bukas. Maki-check nga nung phone ko. Ghaad! 89 missed calls 67 msgs.
Puno naman ng missed calls ni Shella at Mary. Di naman ata to malalaman ni mommy. Tinext ko naman si mommy na okay lang ako. Ang sakit, ang sakit sakit pala. Sobra. Parang ayoko nang magmahal ulit. Parang gumuho yung mundo ko. Sobrang sakit. Hayst.
Lumabas muna ako ng hotel at pumunto sa Centrio, bumili ng pang dinner. Sabi nila pagnasaktan ka maraming pagkain ang makakain mo dahil sa sakit sa dibdib. Syempre hinanap ko ang Greenwich. Hayun! Nakita ko. Bumili ako ng isang box ng pizza, sa Jollibee bumili ako ng dalawang sundae, isang bucket ng chicken, okay na rin yun. Para bukas pag-uwi ko di na masyado silang galit. Hmmm. Ano pa kaya. Pumunta ako ngayon sa Dream what you want shop. Bumili ako ng 5 frappe. Mukhang mabubusog na ako neto. Di ko kayang mauubos ang 5 frappe no. Mga 2 lang. Yung tatlo para rin sa bukas. Haha! Sinadya ko para mamaya pagnood ko ng Pangako Sa'yo, di ako magugutom. Haha!
Alam ko naman na balang araw makaka-move on rin ako! Chin up! Always think Camille na sayang yung beauty ko para sa ganyan! Psh.
Agad naman akong bumalik sa Hotel 6:46 na eh. Gumagabi na. Hihi. Matulog nalang muna ako ang aga pa eh.
Mag-ti'timer nalang ako ng isang oras. Hahaha. Sgeee
End of POV
Mary's POV
Jusko! Nasaan na ba kasi yung babaeng yan! Kakainis eh. Nag-aalala na kami. Urgh. Iniiwasan kong umiyak kasi ayokong maranasan yung nangyari kay Clark noon. Nakailang tawag na kami dun ni Shella. Si Shella naman abalang nagte-text kay Camille ako naman ay tawag. Saan na ba kasi yung babaeng yun.
7:57 na oh! Babaa na nga lang kami At kumain. Nakakainis. kilala ko si Camille mawawala yun kapag may mabigat na problema. Hmm. Ano kaya yun. Nakakamiss na yung taong yun.
"Sumagot na ba sya?" mahina kong sabi. Umiling naman si Shella. urgh! Nasaan ka naba Camille? Heeh.
Di ko na kaya to. Hahanapin ko na talaga sya. Magpapaalam nga lang muna ako kay Yaya at kay Shella.
"Lalabas muna ako" sabi ko sakanila. Pero di ko sinabi na hahanapin ko si Camille. Alam ko naman eh na di naman talaga sila papayag.
"Bakit ka lalabas?" Naiinis na sabi ni Shella
"Magpapahangin lang, sige." Palusot kong sabi. Haha.
Dahan-dahan akong lumabas sa gate. Tumakbo at nagtago sa Puno kasi alam kong susunod si Shella. Bingo! Lumabas nga! Haha!
"Hoy! Alam kong nagtatago ka sa puno! Bilbil mo palang halata na Mary! Lumabas ka na! May plano ako para uuwi si Camille" sabi ni Shella.
Urgh! Kainis. Nagmamadali naman ako ng lakad kasi matalino si Shella. Alam kong uuwi talaga sya. Haha!
"Anong plano" bored kong sabi sa kanya.
"Heto. Magpapanggap kang naaksidente. Ako nang bahala sa false blood at make up para mukha kang naaksidente. At magsesend tayo ng picture sa kanya at sa Labas kita pipicturin" sabi niya.
"Ba't sa labas? Pwede namang sa kwarto ko eh. Lagyan lang ng puting tela para mukhang nasa Hospital na" tink! Sabi ko sa kanya.
"Oh sige. Dali na!" sabi niya mukhang naaexcite ang babaeng to.
Nilagyan nya yung false blood sa gilid ng mata ko
Nilagyan niya yung dark purple na eye shadow sa gilid ng baba ko para mukhang may bruise
Yung damit ko rin nilagyan ng false blood.
Mas ginulo pa yung buhok ko.
"Sige na, dapat yung mukha mo ay parang natutulog lang" sabi niya
"Sige" excited kong sabi.
*FLASH! *
"Oh hayan, isesend ko na" nagmamadaling sabi ni Shella.
To: Camille
"CAMILLE! NAAKSIDENTE SI MARY! UMUWI KA NA! PLEASE *WITH PICTURE* "
SENT!
------
Uuwi na nga ba si Camille?
Maraming salamat sa nagbasa ng story ko! May bago na po akong story Spell Academy. Sana po babasahin niyo! Salamatttt! :))
BINABASA MO ANG
Error 201: Forever not found
Teen FictionIsa ka ba sa mga taong nasaktan? Napaasa? Hopeless romantic? Na-stuck sa taong di ka naman mahal? Nag-assume dahil sa matatamis niyang text pero as a friend ka pala niya? Pinagtripan? Kung isa ka dun, makakarelate ka dito.
