Camille's POV
Ghad! Nakakapagod tumakbo.
"Dali, pasok na tayo sa kotse" nagmamadaling sabi ni Mary.
"Wow, as in wow talaga yung masasabi ko sayo! Akalain mo? Nagawa mong pagsabihan yung mga taong yun, pero alam mo? Proud ako sayo." Natawa kong sabi.
"Syempre! Ako pa, bakit?" curious na sabi ni Mary.
"Gusto mo bang i'kwento yung mga pangyayari noon?" seryosong sabi ni Shella.
Tumahimik naman agad si Mary. Alam kong di madali sa kanya mag'move on sakanyang mahal. Ako nalang magkwekwento.
Nung highschool pa kami, may boyfriend si Mary, alam nyo? Mag 8 months na sila nun. Pero sa isang iglap, ibinalita ng kanyang kapatid na may Stage 4 - Brain Cancer si Clark kaya agad namang noon nagmamadali patungong Hospital si Mary, simula nung nalaman niya na may Brain Cancer si Clark, halos isang buwan nandoon siya sa Hospital, pag-umuuwi sa kanilang bahay, umiiyak siya ng di alam ng kanyang mga magulang. May kapatid naman si Mary pero wala syang kapatid na babae eh, kaya yun. Makalipas ang isang buwan ay pumanaw na si Clark. Ewan ko nalang kung ano na ang mangyayari sa Twin niya ngayon. Oo, may twin sya. Sobrang gwapo nga eh! HAHAHAHA. Pero loyal ako sa Boyfriend ko. Heeeh. At noon, tuwing may exam sya, puros Hugot ang nilalagay nun na may halong iyak. Ang isang tanong na di ko talaga makakalimutan sa sagot nya, nakakatawa nga eh pero pinipigilan ko lang. Hahaha!
1. What is the most powerful weapon on the world?
The most powerful weapon on the world is love. We all experienced that word but full of good and bad memories. But nothing is forever.
English subject yan eh! HAHAHAHAHAHH. Natawa ako sa last na sabi niya. Di ko akalain na kahit ganyan yung mga sagot niya? Siya yung ikalawa sa highest score. Syempre, ako yung first, dejoke lang. Si Shella yun, ang talino ni Shella. Kaya nya na atang i'solve lahat, pero sa pag-ibig? Yan yung Aphrodite niya. Kahinaan niya yun.
pero kahit ganyan sya, nagawa parin nyang magmove on.
Ako? Kahinaan ko rin ang pag-ibig eh. Never pa ako iniwan, niloko at iba pa. Kasi ako ang nang-iiwan. Haha!Oh, kakanta nalang ako baka iiyak na naman si Mary.
Or mag-jojoke ako! Kahit Corny, nakakatawa parin eh. Kasi ako ang nagjojoke! Orayt! Rock and Roll to the world!
"Alam nyo? Pupunta si Jessie J sa Mayon bukas!" Masigla kong sabi.
"HUWAAAT! OH MY GASOLINA! PUNTA TAYO BUKAS? PLEASE? KAHIT YUN NALANG BIRTHDAY NYO SAKIN," Paiyak na sabi ni Shella.
"May kinanta kasi sya, When tomorrow comes I'll be on Mayon" natatawa kong sabi.
"Nakakatawa, bilangin ko muna tawa ko ha?" Sabi Ni Mary.
Nagtawanan lang kami buong byahe.
"Kuya, sa SM po kami ha?" Ako.
"Sige maam" Sabi ni kuya habang nagbya-byahe kami.
Sawakas nandito na kami.
"CR muna ako ah, kita nalang tayo sa Greenwich" Sabi ko sakanila, tatawagan ko lang Hubby ko.
Kinuha ko agad yung iPhone ko at Dinail yung number niya, pero ba't walang sumasagot.
Tumawag lang ako nang tumawag. Pero may nakita ako mismo sa front ko na naglalakad at nagho-holding hands pa. Wait. matawagan nga.
Ayoko to. Ayoko.
Nag-vibrate lang yung phone nya, at dineadma lang nya yun. Maki-una nga sakanila. Unti-unting bumubuhos ang luha ko.
At
At
At
At
--------
How's Chapter 2? Comment below! And don't forget to vote!Abangan ang mangyayari!
@blessieme

BINABASA MO ANG
Error 201: Forever not found
Teen FictionIsa ka ba sa mga taong nasaktan? Napaasa? Hopeless romantic? Na-stuck sa taong di ka naman mahal? Nag-assume dahil sa matatamis niyang text pero as a friend ka pala niya? Pinagtripan? Kung isa ka dun, makakarelate ka dito.