Maling Akala #5

177 17 0
                                    

Jace's POV


In five days, birthday ko na pero hindi pa rin ako pinapansin ni Reign. Miss na miss ko na siya...


***


After five days...


Reign's POV


"Reign, ihanda mo na ang sarili mo... maya-maya magsisimula na ang proposal." sambit ni Louisse.


After two hours, naghanda na ang banda sa gitna ng school. Hinanap ko si Jace pero hindi ko siya nakita.


Lingon lang ako ng lingon hanggang sa napadpad ang mga mata ko sa kanya... kasama niya ang barkada niya. Lumapit sila sa may banda pero hindi muna ako lumabas...


Nanginginig na ako sa nerbyos sa gagawin ko.


Sumenyas na si Louisse na lumabas na pero hindi ko kaya... kaya dahan-dahan niya akong itinulak papalapit sa banda. Inabot sin ni Louisse ang mga regalo ko para kay Jace.


Parang bumalik kami sa panahon ng nagpropose si Jace sa akin noon. Halos pareho ang lahat ng scenario... ang naiba lang ay ako na ang luluhod at hindi siya.


Lumipad na ang helicopter na may nakasabit na banner.


Hindi ko nakitang ngumiti si Jace. Gusto ko nang umiyak at tumakbo pero hindi ko magawa. Wala nang atrasan, bahala na si batman sa mga mangyayari.


Nagsimula na akong maluhod... Nakakahiya man, pero gagawin ko 'to para sa kanya...


"ALEXANDER JACE MENDOZA. Ikaw lang ang lalaking minahal ko nang sobra-sobra. Hindi man ako kasingganda ni Angelina Jolie, kasingtapang ni Wonderwoman at kasingtalino ni Marie Currie, pero ako si Reign Sy na handa kang mahalin sa hirap at ginhawa at ibibigay ang lahat ng makapagpapasaya sa'yo. Jace, you're my first, and you're definitely be my last."


Itinuro ko ang banner sabay sabi... "Will you accept me to be your girl and soon-to-be lifetime partner?"


Lumapit siya sa akin nang wala pa ring ngiti sa mukha. Kinakabahan na ako...


Tinulungan niya akong tumayo at nagsimulang bumukas ang mga bibig niya...


"NO" matipid niyang sagot.

Maling Akala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon