Maling Akala #2

327 16 0
                                    

Jace's POV


Lumingon siya! Lumingon siya! Nakita ko na rin si Louisse sa wakas! Ang ganda niya! Na love at first sight ata ako, dre. Parang kakaiba siya... wew!


***


The next day...


"Hi!" bati ko sa isang napakagandang dilag.


"Uhm? Hello? Tapos ano? Kakaibigan mo ako? Tapos pakikiligin? Tapos liligawan? Tapos sasaktan? Tapos hihiwalayan? Feeling na kung feeling pero tigilan mo nga ako. Hindi kita kilala!" sagot niya.


"Napaka-practical mo naman hahaha. Ako nga pala si Jace... yung nakatext mo nung isang gabi."


"Mabuti nang malaman mo... pero sorry hindi talaga kita kilala."


"Ang bilis mo naman makalimot. Sige magpapakilala akong muli. Ako nga pala si Jace Mendoza, 3rd year college, BS in Nursing."


"Ahhh. Sige nice meeting you! Mauna na'ko. Malapit na kasi second subject ko. Bye!"


"Hay ang ganda mo." pabulong kong sabi.


"Anong sabi mo?"


"Ah wala! Hehe. Sige bye!"


Lumipas ang ilang buwan, hindi ko siya tinigilan. Kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa naging magkaibigan kami. Ang gaan ng loob ko tuwing kasama ko siya. Ang gaan ng loob ko tuwing kasama ko siya.


Simula nung pormal akong nagpakilala sa kanya, hindi ko pa siya natatawag sa kanyang pangalan. Gusto niyang "sweetpea" ang tawag ko sa kanya gayundin sa akin. Nagkamabutihan kami hanggang sa nagpasya akong ligawan siya.


Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko na planuhin ang surpresang gagawin. Naghanda ako ng tatlong white roses, napakalaking teddy bear, dalawang kahon ng pizza at ang pinakapaborito niyang chocolates.


Vacant naming lahat ngayon kaya't walang distorbo. Pero bago namin plinano ang lahat, nagpaalam muna kami sa Dean at pumayag naman.


Nagsimula nang tumugtog ang banda... nanood ang lahat... kahit nagsisiksikan.


Pero hindi ko siya nakita... tiningnan ko ang paligid hanggang sa papalit na siya sa banda. Kinakabahan ako. Nanginginig ako. Oh Jace! Don't act like a faggot!


Nakita ko siyang nakangiti kasama ang bestfriend niya habang pinapanood ang banda.


Nagrequest din nga pala ako kay mama kung pwede gamitin ang helicopter sa company ni Dad para sa proposal. Masaya rin ako dahil suportado ang pamilya ko sa aking gagawin. Nakilala kasi nila si "sweetpea" at boto raw sila rito...


Sumenyas na ang mga kasamahan ko kaya lumabas na ako bitbit-bitbit ang mga regalo. Lumipad na rin ang helicopter sa ere upang dahan-dahang maibaba ang banner.


Nagtilian ang lahat. Pumunta na ako sa harap ng banda at lumuhod...


Nagtinginan na ang lahat sa itaas upang makita ang nakalagay sa banner...


Akala ko ito na ang pinakamasayang araw ng buong buhay ko. Akala ko sasagutin na ako ng babaeng pinakamamahal ko. Akala ko matatanggap niya ako. Akala ko sa kanya ko na mahahanap ang happy ending ko.


Pero ang lahat ng 'yun ay MALING AKALA lang pala... isang napakalaking MALING AKALA.

Maling Akala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon