Reign's POV
Kasama ko ngayon si Louisse. Vacant period kasi ng lahat ngayon.
Nagkukuwentuhan kami hanggang sa may narinig kaming tumugtog na banda sa gitna ng school.
Hilig ko talagang makinig ng music kaya sinamahan ako ni Louisse na bumaba...
Nakita ko doon si Jace...
Nakatayo sa harap ng banda na may bitbit-bitbit na mga regalo... mga regaling paborito ko.
May lumipad ding isang helicopter at may inilabas na banner. Ngunit hindi ko nabasa ang nakasulat dahil nabaling ang atensyon ko kay Jace nang lumuhod siya at nagsalita...
"Sweetpea... sa tuwing kasama kita, buong-buo na ang araw ko. Cheesy man pakinggan, pero 'yun ang totoo. Oo, inaamin ko, hindi ako perpekto. Hindi ako kasinggwapo ni Leonardo di Caprio, kasingtapang ni Superman, at kasingtalino ni Albert Einstein. Pero ako si Jace Mendoza na gagawin ang lahat para ka lang mapasaya... I know you're not my first, but I'll assure you... you're gonna be my last."
Naiyak ako sa tuwa sa mga sinabi niya...
Hindi ako makapaniwala na may lalaking magmamahal sa akin ng sobra-sobra...
Dati, pinapantasya ko lang ito... pero ngayon, totoo na... totoong-totoo!
Perfect na sana 'yung moment pero nang tumingin kaming lahat sa itaas... ibang pangalan ang nakalagay...
Ang mas masaklap pa... eh pangalan ng bestfriend ko ang nakalagay... ERES LOUISHIEKA GABRIELLE GONZALES.
"Ikaw si Jace na textmate ko nung September 1?" singit ni Louisse.
"Wait... Anong textmate mo? Diba si Louisse ang nakatext ko nun?" naguguluhang tanong ni Jace.
"Pero ako si Louisse..."
"At ako si Reign..." sagot ko.
"WHAT? Pero lumingon ka nung tumawag ako nang ERES LOUISHIEKA GABRIELLE... I thought you were her."
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko...
Hindi ko na sila pinakinggan at nagsimula na akong tumakbo papalayo...
Umuwi ako nang maaga. Nagpalit agad ako ng damit at nahiga sa kama.
Pinigilan kong hindi na maiyak pero hindi ko kaya sa tuwing naiisip kong MALING AKALA LANG PALA ANG LAHAT...
Tumawag si Louisse pero nagdadalawang-isip akong sagutin ito. Pinangigibabawan kasi ako ngayon ng selos at galit dahil sa mga nangyari...
Pero hindi ko matiis si Louisse... kaya sinagot ko na.
"Reign? Okay ka lang ba?"
"To be honest, hindi. Sino bang magiging okay sa nangyari? Maling akala lang ang lahat, Louisse... maling akala." mangiyak-ngiyak kong sagot.
"Reign, I'll explain it to you. Believe me, walang namagitan sa amin ni Jace. Alam ko namang minsan ka lang magka-lovelife, aagawin ko pa ba? Aaminin ko, naging textmate ko si Jace bago pa kayo nagkakilala. Nung day na nagpasama ako sa'yo sa labas ng school, siya hinihintay ko pero nainip ako kaya sinabi kong umalis na tayo. Nang isinigaw niya ang buong pangalan ko... ikaw ang lumingon. Nabighani siya sa ganda mo, Reign. Napagkamalan ka niyang ikaw ako. Naaalala mo, hindi mo gustong tawagin ka niya sa pangalan mo kaya nagkaroon kayo ng endearment? Noong ipinakilala ka niya sa pamilya niya, pinakilala ka niya bilang Louisse. Hindi mo na 'yon narinig dahil busy kang tumutulong sa kusina. Bait mo kasi eh. Kaya Reign, walang niloko at walang naloko. Oo, paiba-iba ako ng boyfriend, pero hindi ko magagawang traydorin ka. Mahal na mahal kita, alam mo 'yun. Patawarin mo na si Jace. Patunayan niyong may forever!"
Hindi na ako muling umimik pa...
"Sige, Reign! Magpahinga ka na para mawala na ang lungkot at hinanakit sa puso mo. Matulog ka na. Good night!"
Mahal na mahal ko itong bestfriend ko at alam kong nagsasabi siya ng totoo. Ako lang at ang parents niya ang hindi niya kayang pagsinungalingan.
Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iisip ko ay nakaramdam na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Maling Akala (Completed)
Teen Fiction"Mahigit sampung babae na ang naging jowa ko, pero niisa sa kanila wala akong sineryoso." -Jace "NBSB ako. Natatakot kasing masaktan, kasi alam kong hindi ito kakayanin ng puso ko." -Reign Pero paano kapag nagkakilala ang dalawa dahil sa maling akal...