Maling Akala #1

637 23 0
                                    

Jace's POV


Ako si Alexander Jace Mendoza. Isang 3rd year college sa kursong BS in Nursing. Hindi kami gaanong mayaman, hindi rin naman mahirap. Teacher ang mama ko at businessman naman si dad. Ang ate ko naman ay successful civil engineer na ngayon sa Dubai.


Lahat ng chix na pinakikilala sa akin ay najojowa ko, pero hindi naman seryoso. Sa ngayon, wala pang pinapakilala sakin kaya't single na single ako.


The other day, hiniram ko ang cellphone ng kabarkada kong si Drake. Naghanap ako sa contacts ng mga numbers ng mga babae. May nakita akong kakaibang pangalan ng isang babae kaya dali-dali ko itong kinuha.


Pag-uwi ko sa bahay, agad akong naligo at kumain ng hapunan. Gumawa muna ako ng mga assignments at pinag-aralan ang mga new lessons namin.


Pagkatapos, binuksan ko na ang laptop upang tingnan sa facebook, twitter at instagram kung sino ang babaeng 'yun. Pero sa kasamaang palad, nakaprivate lahat. Pati profile picture, walang nakalagay. Hay!


Wala akong ibang choice kundi itext siya.


"Good evening!"


...


After 3 minutes pa ng magreply siya.


"Good evening rin! Who's this btw?"


"Ah ako nga pala si Jace. Is this Eres Louishieka Gabrielle Gonzales?"


"Oo ako 'to. Saan mo nakuha cellphone number ko?"


"Sa kaibigan ko. Kay Drake."


"Ah..."


"Hmm. May syota ka ba ngayon?"


"Ay hala! Ang bilis. Hmm... sa ngayon, wala eh."


"Uy haha! Saan ka ba nag-aaral? Anong year na?"


"Sa UP. 3rd year college."


"Hala! Same school. Pero ang problema ang laki ng school natin."


"Ha? Bakit pala?"


"Eh pwede ba tayong magkita sa labas ng school? Huwag kang mag-alala, hindi ako masamang tao. Mapagkakatiwalaan mo ako."


"Hmm... let's see. Okay good night!"


"Oh sige. Sweet dreams!"


Reign's POV


Ako si Destine Reign Sy. 3rd year college student sa kursong Engineering. Both of my parents are into business. Ang ate at kuya ko naman ay graduate na. Lahat kami engineering ang kinuha.


At ngayon... kasama ko si Louisse, ang pinakamamahal kong bestfriend.


Actually, Eres Louishieka Gabrielle Gonzales ang totoo niyang pangalan. Sobrang unique, ano?


May hinihintay daw ang loka. Pero halos dalawang oras na kaming nandito. Hanggang sa...


"Halika na nga, Reign. Mukhang 'di na 'yun dadating."


Halatang nabagot na si Louisse.


Tumalikod na kami at nagsimulang maglakad nang may sumigaw sa malayo...


"ERES LOUISHIEKA GABRIELLE GONZALES!" sigaw ng isang lalaki.


Mahina na 'yung pagkakarinig ko sa sigaw niya. Hindi nakalingon si Louisse kaya ako ang lumingon upang tingnan kung sino ang sumigaw pero hindi ko na masyadong nakita. Hindi na rin siguro narinig ni Louisse na may tumawag sa kanya dahil nagmamadali na siyang lumakad. Sumunod na rin ako sa kanya pagkatapos.




Maling Akala (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon