Reign's POV
Nadurog ulit ang puso ko for the second time around...
Sabi ni Louisse, hindi ako marereject pero ginawa ni Jace. Ang sakit sakit... Tatakbo na sana ako pero nagulat ako nang siya na naman ang lumuhod at nakangiting nagsalita...
"Hindi ko hahayaang ikaw ang gagawa niyan sa akin. Ngayon... MS. DESTINE REIGN SY, tatanggapin mo ba ako na si MR. ALEXANDER JACE MENDOZA na maging boyfriend mo at magiging asawa kapag grumaduate na tayo?"
Nagulat ako sa ginawa ni Jace... Akala ko nawala na ang pagmamahal niya sa akin... Pinakaba niya ako nang sobra... Kaya pakakabahin ko rin siya...
"Hmm... sa isang kondisyon." pakipot kong sagot.
"Wth! Ano 'yun?"
"Kung may lalaking nakasuot ng pula ngayon, sasagutin na talaga kita."
Lumingon siya sa paligid at napansing walang nakapula kaya sinimulan niyang maghubad ng polo...
"Oh! Anong gagawin mo Jace? Huwag ka ngang bastos!"
"Teka... sandali!"
Pagkahubad niya ng polo, nakasuot pala siya ng RED t-shirt.
Kung kaya... siya na nga... siya na! Ang maling akala... na magiging true love ko.
"Coincidence ba 'yan? Hahaha. YES, JACE. SINASAGOT NA KITA!"
"Hindi pa ako nagtatanong, ah." pabiro niyang sabi.
"Grrr. Bahala ka nga!"
"Uy wait! Sige ngayon... soon-to-be Mrs. Mendoza, tinatanggap mo ba ako upang maging boyfriend mo na poprotekta at magbibigay kaligayahan sa buong buhay mo?"
"DEFINITELY YES JACE! YES! I wanna grow old with you! I love you, sweetpea!"
Inakap ko siya nang mahigpit. Ito na ang isa sa mga pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko.
Nagsigawan ang lahat ng nasa paligid namin.
Hindi ko inakalang pinapunta pala ni Louisse ang pamilya ko at ang pamilya ni Jace sa school. Pati ang faculty and staffs, nawitness ang proposal.
Walang hadlang sa amin, lahat ay boto basta ba't hindi lang bumaba ang grades namin.
***
Nang grumaduate na kami ng kolehiyo, pereho kaming naging Cum Laude.
Maraming humanga at naging inspirado sa nangyari sa amin.
Nagkaroon man ng challenges and trials, nalampasan pa rin namin ang mga ito. Patuloy kaming nagiging matatag... at wala man niisa sa mga problema namin ang makapagpapatinag sa amin.
Mahal namin ang isa't isa at nangako kaming patuloy kaming magmamahalan hanggang sa aming pagtanda.
MALING AKALA MAN ANG DAHILAN NG AMING PAGMAMAHALAN, NAGPAPASALAMAT PA RIN KAMI DAHIL PATULOY ANG KASIYAHANG NATATAMASA SA AMING SAMAHAN.
Hanggang dito na lamang... maraming salamat at paalam!
BINABASA MO ANG
Maling Akala (Completed)
Teen Fiction"Mahigit sampung babae na ang naging jowa ko, pero niisa sa kanila wala akong sineryoso." -Jace "NBSB ako. Natatakot kasing masaktan, kasi alam kong hindi ito kakayanin ng puso ko." -Reign Pero paano kapag nagkakilala ang dalawa dahil sa maling akal...