Gusto naman na talaga ni Summer na makita si Rain at last. Pero may mga bagay na tila nagsasabi na hindi pa ngayon yun, na hindi pa ngayon yung takdang panahon.
Parang ang dami na ng nangyayare sa buhay ng mga tauhan dito sa story na 'to pero hindi ko pa sila napapakilala sa inyo. Kaya eto na muna yun. ;) Papakilala ko na sila.
Si Summer Ray Reyes ay laking probinsya pero dati na rin silang nakatira sa Maynila. Ang tatay nya ay nagtatrabaho sa ibang bansa habang ang nanay nya lang ang nag aalaga sa kanilang dalawa ni Fall. Si Simmery ay hindi ordinaryong payat o sexy na dalaga, isa siyang chubby na babae. Imagine niyo yung vitals na 42-32-41. Oh di ba? Ayos lang ang complexion, hindi maputi at hindi rin naman maitim. Matangos ang ilong at mapungay ang mga mata. Si Summer ay isang Third year college Hospitality Mgmnt student sa LCC International UniversityHead ng Glee Club ng department nila at editor ng School paper nila. Isang hopeless romantic si Summer. Mahilig siyang magbasa ng mga books na related sa Love and Relationships, nanunuod ng mga Sweet Flicks Movie at mga teleserye o koreanovela pa yan. Masaya siyang kausap at may sense kaya malapit sa kanya ang mga kaibigan niya. Pero sa kabila nuon ay isang malungkot na side yun.
Sa kabilang banda, Si Rain Mendez. Si Rain Miguel Mendez. Isang Civil Engineering student sa UST. Matangakad, mestiso at gwapo si Rain. His dad is a pilot at ang nanay nya ay isang businesswoman. Rain lives independently. Well off ang pamilya niya, na kahit humiwalay siya, may sarili siyang bahay at sasakyan. Isa siyang musikerong karerista. Tumutugtog siya sa isang banda sa school nya at sumesegway ng karera legal man o illegal.Masungit at moody si Rain sa mga taong malalapit sa kanya. At mahirap naman i-approach sa mga taong di niya kilala. Mahilig siyang manuod ng mga documentary pero ang kaibahan nila ni Summer, ayaw naman ni Rain ng mga Sweet Love stories. Nakokornihan siya dito.
Si Rainbow Fernandez na bestfriend ni Summer. Isang mestisang may konting pagka-liberated na dalaga. Mayaman ang pamilya ni Bow dahil nagmamay ari sila ng isang sikat na Bakeshop na marami na ring branch. Namulat siya sa isang maluhong buhay, SIra dito, bili nyan. Luma na ito, bili na ng bago. Masayahing tao si Bow kaya nagja-jive talaga sila ni Summer. Kadalasan si Bow ang nagtatanggol sa kanya kasi mas gusto nitong kinokompronta ang mga kaaway habang si Summer, pinalalagpas na lang. Para matustusan ang luho niya, may mga online shop syang hindi alam ng mga magulang nya. Kasi kahit ganun, ayaw naman din umasa ni Bow sa mga negosyo nila.
Next character si Fall. Si Fallen Raei Reyes. Kapatid ni Summer. Mahilig maglaro ng MMORPG at magbasa ng mga Manga. Payat na binata, maputi at mapanga si Fall. High School Senior pa lang si Fall sa LCC International University kasama ng 2-year girlfriend niya. Malakas mang asar si Fall kaya close sila ng ate nyang si Summer.
Si Snow. Snow Madison Mendez. Ate ni Rain na isang Law Student. She used to stay in the States pero ginusto niyang umuwi para kumuha ng course na iyon. Matangkad na babae si Snow. Sosyalera at mahilig gumimik. Matangos ang ilong, mestisa at nakakahawig niya si Rain. Blonde ang buhok niya at brown din ang kanyang mga mata. Mataray at kung minsan sobrang lambing sa kanyang kapatid na si Rain.
Spring. Spring Jewel Lopez na bestfriend ni Rain. Nagpa-part time photographer siya sa isang Mens at Lifestyle Magazine. Isang maliit na babae, may mahabang pilik mata at at malalim na mga dimples. Sobra siyang malapit kay Rain dahil childhood friends sila nito. kaya sobrang komportable nilang dalawa sa isa't isa na kung minsan ay napapagkamalan na silang mag-bf/gf.
Si Thunderrel Constantino. Isang young businessman ng isang buy and sell na mga kotse. Morenong lalaki, matangakad, makapal ang kilay at may malaking katawan. Siya minsan ang namamahala ng negosyo nila dahil minsan wala ang magulang nya dahil mahilig ang mga ito na mag-travel. Tapos na sya sa kolehiyo kaya siya na lang humahawak ng administration at management n negosyo nila. Simple lang sya pero galante sa mga kaibigan. Ngunit may pagka-seryoso siya sa buhay marahil siguro maaga siyang namulat sa buhay. Ma-effort tong guy na 'to.