PROLOGUE

113 1 0
                                    

"Cad!Bilis!! Pababa na ang araw! Bilis! wag kang lampa-lampa!!bilis!" hinihingal akong tumungo sa kinaroroonan niya..Huhuh!! Ang isang Caden Gates ay natatakot at napapasunod ng babaeng to arghh!!Kung hindi lang sana!!!

" Cad! Bilis!"tsk..

" Anjan na!!" pasigaw kong sabi...

Nasa pang-pang kami sa araw na ito..Malapit na matapos ang bakasyon namin at mag aaral na naman kami...4th Year college na kami at 5 months nalang graduate na kami..

" Tagal moh!!Naghihintay na ang araw oh!!"Napatingin nalang ako sa kalangitang dumidilim na....Nakita kong nag wish si Vanessa at ganon rin ako....

" Asan na daw si Jahn!!wala pa siya? Ayan tuloy,hindi niya naabutan ang pagupo ni Haring araw!"Malungkot na pahayag niya..Well, ganyan siya masayahin at palabiro..Kaya nga nagkakasundo kami eh..

BROOOOMMM!!BRRRRRRRRRRRRRROMMMM!! isang magarang sasakyan ang dumating sa pagkaka alam ko kay Jahn ito..Si Jahn ang kaibigang babae ni Van..

"Jaaahhhn!!!" Malakas na sigaw ni Van..Ugh, grabe paano ba ako nakakatiis sa babaeng to!!

Patakbo siyang pumunta sa pinarkingan ni Jahn..Marunong pala si Jahn mag drive?

Hindi ko na narinig ang pinag iusapan nila dahil may iba akong nararamdaman sa paligid..Parang may mga taong nakamasid sa amin..Ibinaling ko ang tingin sa dalawang nagtatawanan, pero napansin kong paulit-ulit akong tinitingnan ni Jahn..Ano kaya ang sinabi ng lokong Vanessa na yun?Baka pinapahiya na naman ako ng babae..tssk..

Ibinaliwala ko ang nararamdaman ko pero sa di malamang dahilan kumabog ng malakas ang dibdib ko nang magvibrate ang relo ko...There is an enemy on the loose..

.

Hindi ako nagpahalata sa aking takot bahagya ay pinindot ko ang back-up button sa relo ko..This watch is not ordinary this is a gps at the same time you can send message, get videos and etc..

Dahan dahan akong naglalakad papunta sa dalawang nagkakasiyahan pa, Madilim na at nasa gubat pa kami..Delikado, paano nila ako nahanap dito?

"Van, Jahn, mag gagabi na umalis na tayo.." pasimple akong ngumiti walang alam ang magkalapit na kaibigan tungkol sa akin..tungkol sa pagkatao ko..

Ayaw man umalis ni Vanessa dahil gusto niyang makita ang mga bituin sa kalangitan ay wala na siyang magagawa...Madali lang makaintindi si Vanessa...

"Agad-agad?Diba mag gagabi pa tayo dito?"sabi ni Jahn..Napatingin ako kay Vanessa gusto niya talaga manatili dito pero hindi ako papayag na madadamay siya sa gulo ko..

"Bumalik nalang tayo dito sa susunod na araw kung bakante tayo" sabi ko kay Jahn at Vanessa..Nalukot ang mukha ni Jahn dahil sa sayang at ganon rin si Vanessa Sa sayang nga bah?Sabi ng isang bahagi ng utak ko..Pssh..Nababaliw na ako

Pumasok na sa sasakyan ko si Vanessa bago ako sumunod sinabihan ko si Jahn na magnaneho ng maayos at sundan lang kami, dahil delikado na pag gabi lalong lalo na at pang-pang ang lugar ba ito..Tumango lang siya at ngumiti, papunta na ako sa sasakyan ng magsalita si Jahn..Hindi ko narinig ang sinabi niya pero alam kong may sinabi siya...

BROOOOOMMM!!BROOOMM!!binuhay ko ang Makina at mabilis na umalis sa lugar..

Nakaseat belt na si Vanessa at nakatanaw sa labas habang ang ulo ay nakapatong sa salamin..

Amnesiac PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon