THE LAST NIGHT

41 1 0
                                    


"And the winner of this CLASH!! VERSAILLES CLAN!!!!"

ISANG MALAKAS NA INGAY GAWA NG MGA TAO ANG NAGHARI SA CLAND..MARAMING NASIYAHAN SA PAGBABALIK NG BABAENG MATAGAL NAWALA, SI MISS V..

DUGUAN ANG LAHAT NG KALABAN NA LUMABAN SA KANILA...

"V!"

"V!"

"V!"

"V!"

"V!"

"V!"

"V!"

Parang isang drum na sinasabi ng mga tao ang pangalan niya.. SI MISS V..


Walang sugat na natamo ang dalaga..Ang dalawang pinsan nito ay masaya dahil nabalik sa kanila ang trono...

Ngunit, sa malayo nakatingin ang binatang Caden..

Vanessa.. banggit niya sa pangalan ng dalagita.

Nabatid niyang buhay ito at Oo, nasiyahan siyang makita si Vanessa na buhay...Pero, ang senaryong nakikita niya kagaya ng pagpatay at pakikipaglaban ni Vanessa sa kalaban natakot siya...

Hindi niya akalaing ang babaeng minahal niya, Ang babaeng gustong gusto niya, Ang babaeng lagi niya tinatanggol ay mas malakas pa pala sa kanya...

Kasama niya ang 5 kaibigan niya...Maliban kay Santy...Paggising niya palang sa ospital wala ng Santy na nagpakita sa kanya..

Habang si Jahn naman, naghihintay siya sa lugar kung saan uupo sina Vanessa at ang kambal para kausapin tungkol sa plano nila ni Caden..

Sa malayo nakatingin ang nag iisang buhay na anak ng nga Green...

Si Santy...

Maraming plano ang binata, Kaya hindi na siya nagpakita sa mga kasamahan...

Bumalik Ang VERSAILLES sa kanilang lugar at nadatnan nila si Jahn na naka upo na naka dekwatro sa upuan niya at may malaking ngisi...

Agad naman siya dinamba ng yakap ni Vanessa...

"Matagal tayo hindi nagkita ahh!! Bruha ka talaga!!" Tumawa ang buong grupo..

Ngunit, Bigla lang silang sumeryoso nang nagsimulang magsalita si Jahn..

"Vanessa, meron sana akong gustong ipakilala sa iyo.." seryosong sabi ni Jahn...

Hindi maganda ang kutob ng kambal sa sasabihin ni Jahn...

Sa kabilang banda naman, palapit na ang buong grupo ng GATES sa kanila..

"Sino Jahn?" Sabi ni Vanessa...

Napalingon si Jahn sa likod niya at tinawag ang grupo ng mga Gates...

Parang puputok sa galit si Jam nang makita si Caden...

Ayaw nilang makita ni Vanessa si Caden dahil nakalimutan na siya ni Vanessa...

Bawat hakbang na tinatahak ni Caden naririnig niya ang pintig ng puso niya.

Kinakabahan ako.. ika niya..

Pero kahit kinakabahan, malakas din ang tapang niya...tapang na kausapin ang babaeng halos maging dahilan ng pagkamatay niya...

"Anong ginagawa niya dito Jahn.." pabulong na sabi ni Jim kay Jahn...Nginitian lang sila ni Jahn na tila sinasabi na "okay lang"..

Amnesiac PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon