JAHN

20 1 0
                                    

"GAB POV"

Nabato ako nang makita ko siya, Halos hindi makagalaw ang mga kamay at paa ko at potah!! Nawala ang antok ko..

Hindi ko naman siya kilala pero namamangha ako sa presensya niya...Maganda siya at astig kung tingnan..Siya kaya ang sinasabi ng papa ni Aris na magbabantay sa amin sa loob ng isang buwan?

Siya si Marie?

"Ikaw ba si Marie?" Tanong ni Alex..seryoso ang mukha nito at inoobserbahan ang bawat galaw ni Marie..

"Ako nga.." Matapang na sagot ni Marie kay Alex...

Nanatiling tahimik ang kwarto dahil bawat isa sa amin pinagmamasdan si Marie...

Astig siya kung tingnan..

Halatang nag eensayo dahil sa hugis ng katawan...

Nabaling ang attensyon ko kay Daryl na siya namang nakatingin kay Santy at JB..

" Anong pinag uusapan niyo at maingay kayo masyado..?" Hahaha....sabi ni Daryl, eh ayaw niya kasing naeestorbo ang tulog niya eh...

"Wala....hindi naman importante.." pahayag ni JB na may blankong tingin kay Marie...

Hindi ko nakita ang ekspresyon ni Marie dahil nakatalikod siya sa akin at tila ba tinitingnan si Santy..

O_____o??

Nagsimulang maglakad si Marie papunta kay JB at siya ang tumulak kay JB palapit sa isa pang Hospital Bed katabi kay Caden..

Siya mismo ang bumuhat dito at lumipat sa kama..Tssh..Kung maka alsa parang ang gaan gaan lang ni JB siguro sanay na nga siya..

Hindi ko alam kung bakit hindi nagpapacute si JB kay Marie, ang ganda kaya ni Marie...

"RULE #1- YOU WILL FOLLOW MY ORDERS, AS THE MASTER APPOINTED.

Nagsimula siyang magsalita sa maawtoridad na boses..Tssh..Paano ba ako nakakaramdam ng takot sa mukhang anghel na ito.

Wala kaming nagawa kundi hayaan nalang siyang magsalita, Alam na naming wala na kaming pagasa..

"RULE #2- NO ONE IS ALLOWED TO LEAVE, WITHOUT MY PERMISSION, YOU CANNOT ESCAPE ME..",

Cannot escape her?

"RULE #3- MOVE ON" Wala paring nagsalita sa amin at manghang mangha parin kaming nakatingin sa kanya..

Bakit ba ako namamangha sa kanya?

"J-jh.." papasok sa pinto si Jaden at parang nakakita ng multo nang makita si Marie...What? Magkakilala sila?

" MARIE!!" malakas na sigaw ni Marie at matalim itong nakatingin kay Jaden...Para silang nag uusap sa mga mata nila, pero takot....takot ang lumalabas kay Jaden..

Amnesiac PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon