EPILOGUE

60 1 0
                                    


" Sana makalimutan ko na siya at ang lahat na nangyari sa amin"

Sabi ni Caden sa sarili...Oras na ng lipad nila papunta Manila..

Nakita at nakausap niya si Santy kagabi at nalaman ang katotohanan dahil sa pag amin nito....

Hindi niya parin napapatawad si Santy sa ginawa nito kay Vanessa...

Pero kaibigan parin ang turing ni Santy sa kanila..

CADEN POV

Sana makalimutan na rin kita, gaya ng paglimot mo sa akin..

Nakalipad na ang eroplano namin papuntang Manila ..

Aalis na ako at magsisimula na namang ulit...

Gusto ko siyang makalimutan... Oo,gustong gusto...

"Caden, hindi basta basta pwedeng kalimutan siya, pulutin mo ang mga natutunan mo, pagdating ng araw magagamit mo ito.." Napangiti ako ng mapait kay Daryl..Kahit papaano nakakatulong parin ang mga barkada ko...

Tama nga si Daryl....

Mahirap nga...Mahirap maiwan..

Mahirap kung ikaw lang ang nakaka alam..

Mahirap man, pero kailangan kong magpatuloy sa buhay na wala siya...

Hindi naman kasi lahat ng tao mananatili sa iyong tabi palagi..

Ang iba iiwanan ka at sasaktan ka pero sila ang mag iiwan sa iyo ng aral na magagamit mo sa araw na magmamahal kang muli..

Sa kwento namin ni Vanessa...

Maaaring ako lang ang nagmahal sa aming dalawa...

Maaaring ako lang ang gusto na may kami....

Hindi kami magtatapos na magkasama. Pero nagpapasalamat ako dahil kahit saglit lang sa buhay ko, nakilala ko siya...

Ang babaeng mahal na mahal ko...

Amnesiac PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon