3RD PERSON POV
Nagmamadaling umuwi ng Pilipinas ang Amang Gates para puntahan ang anak sa ospital..
Umabot sa kanya ang balitang sumugod ito sa mga Green at nasabugan ng bomba..
Walang makikitang emosyon sa mukha ng ama sapagkat hindi niya akalaing iisa na naman ang dahilan ng lahat ng ito...
Si Vanessa...
Nawalan na siya ng balita sa babae magmula nang binigyan niya ng impormasyon ang mga Versailles kung nasan ang babae para mailayo sa kanyang anak...
'Gaano ba kayo katibay..'
Isip isip ng ama..Halos naghahanap siya ng maraming impormasyon pero wala na ang mga spy niya sa loob ng embassy..
Patay na si Mica, at pinatay naman si Wyatt...
Ang dalawang taong ipinadala niya sa misyon para malaman ang barahang tinatago ng mga Versailles.....
Simula't sapul plano na nila na MALAMAN KUNG SINO ANG BABAENG TANYAG NA TINATAWAG NA 'V'..
Pero isang sekreto ang tinago sa kanya ng mga spy niya...
"Ang katotohanang isang Amnesiac ang babae dahil malapit na kaibigan ito ng mga spy niya.."
NINAIS NIYANG TULUNGAN SA PAGTAKAS ANG DALAGA PARA MAS MADALI ITONG MAPATAY PARA BUMAGSAK ANG MGA VERSAILLES PERO NAGKAMALI SIYA...
'Dahil ang pagtakas ng dalaga ay ang paghulog naman ng kalooban ng kanyang anak sa dalaga...'
NAKITA NIYA ANG EPEKTO NITO SA ANAK..GUSTO NIYANG PATAYIN NA ANG DALAGA PERO NATATAKOT SIYA SA MAAARING MANGYARI SA ANAK NIYA...
KAISAISANG ANAK NIYA SI CADEN..AT SI CADEN LANG ANG MAGMAMANA SA KANYANG ARI ARIAN..
Kaya nagawa niya ang planong sabihin sa mga Versailles kung asan nagtatago ang kanilang Prinsesa...
Sa tulong ni Micah na siya mismong tumawag sa mga Versailles dahil nalaman niya ang patagong nararamdamang pagmamahal ng espiya sa anak.....
BINABASA MO ANG
Amnesiac Princess
ActionAko si Caden Gates..Isang lalakeng nawalan ng direksyon sa buhay dahil sa pagkawala niya " Sana makalimutan ko na siya at ang lahat na nangyari sa amin" Madali lang sabihin diba? Madali lang gustuhing makalimutan ang isang tao, lalong-lalo na kung...