Lorenzo Gomez

9 0 0
                                    

Lorenzo Gomez

A Man of Few Words

Dalawang taon na akong nagtuturo sa isang sikat na unibersidad sa Maynila kaya’t basing basa ko na ang mga itsura ng mga estudyante, propesor at kung sinu-sino pang mga tao sa academe. So technically, pag may bagong mukha akong nakita first year yun. Part timer lang ako sa unibersidad na ito dahil may part time rin ako sa isang radio station. Naging radio announcer ako after 1 year kong pagtatrabaho doon nakakapagtaka nga at nagging announcer ako dahil hindi naman ako madaldal talaga.

Nakatanggap ako ng text message from an unknown number, estudyante ko pala siya.  Tinanong niya ako about sa assignments then simula noon everyday nagtetext na siya ng good morning at nagkakatext na kami palagi. Medyo strange ang nararamdaman ko sa kanya. Pinag-isipan kong mabuti ang mga namamagitan sa amin. Lumalabas kaming dalawa, nanonood ng sine, kumakain sa mga restaurants or fast food chains, hindi naman halata ang age gaps naming dahil halos freshly grad lang ako at nasa lahi talaga naming ang mukhang bata. Tinanong na niya ko kung ano ang meron sa amin, ayokong tumigil sa pagtuturo at alam kong masama ang nangyayaring ito buti na lang tyempo na magbabakasyon na. Hindi muna ako magtuturo sa unibersidad na yoon at naisip kong magturo sa ibang unibersidad.

Tinext niya ako ng isang mahabang mensahe na nagsasabi na kung ayaw ko na daw ba o may problema lang ako. Naiirita ako sa mga pinagsasasabi niya pero alam kong mali ang iwanan ko siya ng basta kaya naisip kong ipaliwanag sa kanya ng personal ang aking desisyon.

Nagkita kami sa favourite restaurant niya at ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan ko na ayaw ko na, kailangang itigil ang mga pangyayari na namamagitan sa amin. Naunawaan niya ako pero hiniling niya na maging magkaibigan kami. Alam ko na mas lalo siyang mahihirapan kung papaya ako sa naisip niya kaya’t hindi ako pumayag. Pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanya at nagpalit na rin ako ng numero. 

Romance on AmissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon