BALITAAN (Lorenzo Gomez)

8 0 0
                                    

Nagkakitaan kami ni Anton at naikwento niya na assistant niya sa beat si CJ. Nakakatuwa at nagiging successful ang mga naging estudyante ko noon. Naisipan ko tuloy na itext si CJ, matagal na rin ng huli kaming nagkausap. Nago-OJT pa lang ata siya noon ng magkausap kami. Minsan kasi hindi ko siya narereplayan dahil masyado akong maraming ginagawa, hanggang sa umabot na sa hindi na siya nagtetext sa akin. Nakakamiss rin ang batang iyon. Lagi niya akong kinakamusta at nginingitian. Napakaganda ng kanyang ngiti. Para siyang isang anghel na ibinaba sa lupa. Pero mamaya ko na lang siya itetext para hindi nakakahiya kay Anton, baka mabastos ko siya.

“Magaling pala talaga young batang yun, ano?” compliment ni Anton kay CJ.

“Oo nga. Noon palang may potential na siya. Nalungkot nga ako noong mababa ang grades niya eh.” Pero totoo yon, mababa ang nakuhang marka ni CJ dahil sa hirap siyang magsulat. Pero lahat ng mga bagay naaalala niya pero pag isusulat na niya nawawala sa isip niya. Kayang kaya niyang ibigkas ang lahat ng detalye ngunit nahihirapan siyang isulat ito ng pa-balita. Humahanga ako sa diskarte niya dahil kahit saan siya mapadpad may nakukuha’t nakukuha siyang detalyeng malinaw. Maraming kinukwento itong si Anton tungkol kay CJ.

“Siya pala yung CJ na nai-kwento mo sa akin noon. Yung lagi akong nakikita sa beat ko. Nawala kasi sa isip ko yun. Alam mo na, medyo nagkakaedad na rin ako.” Mula sa statement ni Anton, naalala ko na dating crush ni CJ itong si Anton. Laging naiku-kwento ni CJ na nakita niya si Anton sa ganito sa ganyan, Kinausap sila tungkol sa ganito ganyan. Dati kasi puro bukang bibig ni CJ si Anton, hindi man niya sinasabing crush niya yon pero nahahalata ko naman dahil interesado siya sa kilos ni Anton.

“Nalimutan mo ba? Sabagay madaming nakalibot na babae sa paligid mo.” Biniro ko si Anton at nagtawanan kami pero dumipensa siya. “Nako Pare, hindi. Busy lang siguro ako sa malalaking istorya noon. Yun yung kasagsagan ng nagputukang malalaking balita eh.” Tumawa na lang ako at nagpaalam na dahil magkikita pa kami ni Judith.

“CJ, nagkakwentuhan kami ng crush mo.” Tinext ko kay CJ bago ako magmaneho. Nagreply agad siya at nagkaroon kami ng palitan ng text bago ako umalis ng parking lot.

CJ:Ui Sir, kamusta? Sino pong crush?

Ako: Ayos lang naman ako. Ganoon pa rinang buhay ko. Sino pa bang crush mo? Si Anton.

CJ: Nako Sir, paano naman po niya ako nakwento? Di ko na nga kayo nakikita sa station.

Ako: Assistant ka na pala niya. Congratulations! Hayaan mo at babalitaan kita pag nasa station ako.

Hindi na siya nagreply kaya’t umalis na ako at nagmaneho patungo kay Judith. Si Judith, fiancé ko siya. Matagal na kaming magkarelasyon.

Ng magkikita na kami ni Judith sa paborito niyang restaurant nagtext si CJ pero hindi ko muna binasa baka sabihin ni Judith ay nagtatrabaho na naman ako. Medyo workaholic ako at the same time selosa si Judith sa work ko. Gusto niya pag oras namin oras namin.

Habang kumakain kami tumunog ang telepono ko pero hindi ko na sinilip.

“Hindi mo ba sisilipin ang telepono mo?” tinatanong ako ni Judith.

“Pag oras natin,oras natin diba?” yoon ang sinagot ko sakanya. Pero mapilit siya at kinuha ang telepono ko. Bigla siyang sumimangot at nagtanong sino si CJ, sinabi ko estudyante ko noon na nasa station na nagtatrabaho.  “Bakit ganyan ka magreact? Ano bang text niya?” tinanong ko si Judith dahil masyado siyang mapagduda. “Eto oh! Eto ang sabi niya sa text “Salamat po! See you soon!:)” may smiley pa. at bakit magkikita kayo?” medyo naiinis nga si Judith ng sinabi niya ito, pinaliwanag ko naman sa kanya na magka-station nga kami at student ko yon dati. Medyo pinapalaki niya ang issue. Ilang araw na siyang ganito sa amin. Sa bawat may magtetext sa akin nawiwindang siya, naha-high blood siya. Napaisip tuloy ako n asana binasa ko nalang yung message ni CJ at dinelete bago ko nilapitan si Judith. Napahamak pa tuloy ako.

Romance on AmissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon