SIYA NA HINDI KO NAALALA
Usually ,hagdan sa fire exit ang ginagamit ko kapag aakyat ako ng office pero this time, nag elevator ako kasi sobrang init at lalo akong pagpapawisan pag sa fire exit pa ako dumaan. Tapos na ang duty ko at wala na rin naman akong hinahabol na oras pwera lang kay Boss, may ipopropose kasi ako. Kailangan ko ng assistant na makakasama ko sa pagkuha ng balita. Ako lang mag-isa sa elevator at nakakabore kahit sa 5th floor lang ako bababa. Bumukas na ang pinto sa 5th floor pero may babaeng nakatalikod at nangausap sa akin pagkaharap niya.
“Hi Sir! Ngayon ko na lang kayo nakita ulit ha?” nakangiti niya sa aking sinabi habang humahakbang paloob ng elevator. Ngumiti rin ako. Pumindot na siya ng floor. Pamilyar yung mukha niya. Alam ko, kilala ko siya at magkakilala kami. Pero di ko maalala kung saan, kailan at sino siya. Nginitian ko siya at sinabi ko na lang na busy ako nitong nakaraan. Suot niya ang I.D niya at naisip ko na masdan ito. Siguro nga tama yung sinabi niyang ngayon niya lang ako ulit nakita kasi di ko na siya maalala. “Kamusta na?” tinanong ko siya para kunwari kilala ko talaga siya. Hindi ko namalayan na dapat bababa na ako kung saan ko siya nakita. Nakita ko naman na pumindot siya ng floor pero di ako bumaba. Na-curious siguro talaga ako kung sino siya. Sa tagal ko na na nagtatrabaho dito wala kasing nagtatangka kumausap sa akin. Sabi kasi nila hindi daw ako mukhang accommodating. Mukha daw akong snob. Kaya ngumingiti lang sila pag nakikita ako o kaya yumuyuko na lang sila. Hindi naman ako isnabero o ano man sadyang tahimik lang rin ako sa mga taong di ko kakilala. Nahihiya rin namn kasi ako mangausap ng kung sinu-sino baka sabihin mahangin akong tao porket may pangalan na kahit papaano sa industriya.
Huminto ang elevator sabay patay ng ilaw. Napasigaw siya at mukhang natatakot. Inilaw niya ang phone niya, “Of course, syempre walang signal sa elev. Nako naman.” Naiinis niyang sinabi ng mahina. Na-stuck kami sa hindi naming alam na floor. Walang ilaw, siguro nagBrownout ang building. Hinihintay kong tumapat ang ilaw ng phone niya sa kanyang I.D para malaman ko ang pangalan niya pero hindi tumama ang ilaw sa kanyang I.D. Hindi ko naman maitanong dahil baka ma-offend ko siya.
“Natatakot ka?” tinanong ko siya pero nakangisi ako, “maaayos rin itong elevator panigurado. Relax ka lang. Tska may kasama ka naman eh.” Hinabol kong sabihin sa kanya itong mga to dahil mukha siyang nainis sa tanong ko. Mainit sa elevator, pinangpaypay ko yung folder na hawak ko. Gumamit nga ako ng elevator para di ako pagpawisan ng husto, na-stranded naman ako sa mainit na parang pugon na elevator. Nagstart na lang ako ng conversation sa kanya para hindi siya mailang at para pampatay na rin ng oras. Tinanong ko kung may pamaypay siya, shoulder bag lang dala niya mukha ngang walang ilalaman na pamaypay. Panigurado puro make-up ang mga laman non at kung anu-ano pang kakikayan niya. Pinagpapawisan na siya kaya inaya ko siyang tumabi sa akin para mahatian ng hangin ko pero tinanggihan niya ko. Hindi ko siya pinilit pa baka ano pang maitsismis sa akin sa building, mahirap na.
Naayos na ang elevator, nagkaroon na ng ilaw at saktong nagbukas na rin ang pinto ng elevator at umalis na rin siya. Siya na hindi ko naaalala.
BINABASA MO ANG
Romance on Amiss
RomansaMiikli lang ang bawat chapter ng kwentong ito. Bawat Chapter may taong nagkukwento. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang umibig at ibinigay ang lahat sa isang pamilyadong lalake. Kung saan ang lalake ay handang ibigay ang lahat para sa kany...