SIYA NA HINDI KO MALIMUTAN

13 0 0
                                    

“Anton, may assistant akong ibibigay sa’yo. Na-grant ko na yung nirerequest mo.” Mabuting balita mula kay Boss! Magkakaroon na ako ng assistant ngunit ang problema may kadugtong ang sinabi ni Boss, “Bago lang ito mga tatlong buwan palang siyang nagtatrabaho pero magaling daw ito. May tiwala naman ako sakanya. Turuan mo na rin siya sa mga ibang bagay.” Sana nga totoong magaling siya. Kasi ayaw ko ng mahirap turuan, yung tatanga tanga ba? Ayaw ko ng ganon. Ang nasabi ko na lang sakanya “Thank You Boss.” At tinawag niya si Mena para utusang tawagin yung magiging assistant ko.

Nasa opisina lang ako ni Boss ng dumating yung magiging assistant ko, sinalubong ni Boss sa pinto at sinara muna ni Boss ang pinto pero may maliit na espasyo pa, hindi nalapat ang pinto. Naririnig ko silang mag-usap. Pamilyar yung boses ng kausap niya.

 “Oh, Anton, eto si CJ ang magiging assistant mo.”  CJ pala ang pangalan niya. Naaalala ko na! Siya yung kinukwento sa akin noon ni Lorenzo na estudyante niya na lagi raw akong nakikita sa beat ko. Napangiti ako at kinamayan ko siya.

Hindi ko gaanong napapansin ang itsura niya noong nasa beat dahil masyado akong busy sa malalaking istoryang naibabalita. Iniisip kong mabuti ang itsura niya mula ng magkakitaan kami sa na-stuck na elevator kahapon. Simula kahapon, pag-uwi at kaninang umaga iniisip ko kung saan ko siya nakita.

“Magiging assistant na kita CJ, maikukwento ko to kay Lorenzo.” Natutuwa akong ibinalita sa kanya para na rin isipin niya na di ko talaga siya nalimutan. Lagi ko na ring binabanggit ang pangalan niya para hindi ko na malimutan. Mula kahapon, hindi ko na nalimutan ang maganda niyang mukha dahil sa kinausap niya ako at na-stuck kami sa elevator ng matagal. Pinaalis kami ni Boss at mula alas syete ng umaga hanggang alas otso ng gabi ay magiging magkasama kaming dalawa upang bumuo ng balita, magsubaybay sa beat, at mangalap pa ng mga dapat makalap.

Nasa elevator na naman kami. Pababa na upang i-orient ko siya sa magiging trabaho niya tuwing Lunes hanggang Biyernes at tuwing Sabado hanggang Linggo. Pupunta kami sa beat namin ngayon para maisalang ko na siya. Doon ko siya i-oorient at panigurado memoryado pa rin niya ang bawat sulok ng beat namin dahil nagpupunta na siya noon pa doon.

Itinaas niya ang kanyang kamay sa kanyang ulo at nagsimula na siyang magpusod, ang ganda ng batok niya. Napatulala ako sa batok niya ng mga limang Ssegundo dahil agad akong umiwas ng tingin dahil baka anong maisip niyang iniisip ko. Ang puti ng batok niya na medyo namamasa masa pa. Napagpawisan siguro siya kanina.

“Sir, sa beat po ba tayo ngayon?” humarap siya sa akin at nagtanong pagkatapos niyang ipitan ang kanyang buhok. Napatingin ako sa kanya dahil naaalala ko na yung mukha niya. Alam ko sila yung grupo ng estudyanteng hiningan ng tulong ni ka-Anton sa akin. Siya yung laging nakangiti at kumakaway pag nakikita ako. Siya yung batang laging nagtatanong at ngumingiti tuwing nakikita ako sa beat. Siya nga yon. Tinanong ko siya kung tama ang hinuha ko na sila yung grupo ng estudyanteng lumapit kay ka-Anton at lumapit sa akin. Nakangiti siya at natuwa dahil naaalala ko pa daw ang mga pangyayari.

“Hindi ko rin po nalilimutan dati, yung naka-recline po yung passenger seat kung saan po kayo naka-upo tapos binati niyo po kami. Siguro di niyo na po yun naaalala. ” Nakangiti niyang sinabi. Napakaganda ng kanyang ngiti, para siyang isang anghel. Muli niya akong tinanong kung sa beat na kami tutungo, “Ay, hindi pala kita nasagot sa tanong mo kanina. Sa beat tayo pupunta. Doon pa rin ang beat ko.”

“Nako Sir, namiss ko na rin ang beat na yon.Hayaan niyo po at gagalingan kong mangalap ng balita.” Nae-excite ata siya nakikita ko sa mga mata niya at sa kilos niya. Pinaalam ko sakanya na maaring mapunta kami sa iba’t ibang lugar sa bansa depende sa kaso ng balitang mahahawakan namin. Tuwang tuwa siya. Mukha siyang explorer at adventurous na tao. Sa ipinapakita niya, desidido siya sa propesyon na kanyang pinili. Nakakatuwa talaga siya.

Hanggang sa makauwi ako hindi ko na malimutan ang kanyang boses, ngiti at ang maputi niyang batok. Siya na hindi ko malimutan.

Romance on AmissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon