Dalawang Linggo ko ng assistant itong si CJ, nakikita ko nga na magaling siya sa kuhanan ng balita. Naikwento ko pa nga kay Lorenzo si CJ at siya rin ay nakitaan daw niya ng potential itong si CJ. Nakakatuwa at may magaling na namang produkto ang estastyon. Sa loob ng dalawang linggo naming pagsasama ni CJ sa beat, lagi kaming sabay kumakain. Lagi siyang may baon na sandwich na may gulay o kaya may baon siyang pasta. Hindi ko pa siya nakitang nagbaon ng kanin. Kaya siguro maganda ang katawan ng batang yon dahil nagda-diet talaga siya. Ako naman bumibili ng fast food, pinapadeliver ko o kaya uutusan ko yung driver na bumili. Nagkakasabay na kaming kumain kasi sa office sa beat may isang lugar na alloted para sa pagkain. Hindi kami nag-uusap pag kumakain, siguro nahihiya siya. Nahihiya rin naman akong tanungin siya. Pero ngayon sinubukan ko na siyang tanungin “Nagda-diet ka ba?” oo daw sabi niya dahil kailangan daw niya at ayaw na niyang tumaba tulad noong high school siya. Tinanong niya ko kung bakit ko natanong at sinabi ko nga na napapansin ko na di siya nagbabaon ng kanin. “Ay. Sige sir. Sa Sabado po magbabaon ako ng kanin at adobo. Para din a rin kayo magpabili kay Kuya Bok.” Marami na rin kaming napag-usapan tungkol sakanya pero ang ikinatuwa ko talaga ay noong sinabi niyang “kanin at adobo” mahilig ako sa adobo, paborito ko yoon lalo na yung nagmamantika yung taba ng adobo. Ang misis ko kasi hindi mahilig magluto, puro fast food lang kami o di kaya’y de pritong mga ulam kaya minsan mas gusto ko nalang na kumain sa labas.
Tuwing Sabado nasa building kami mula 10am-5pm at sabay sabay kaming kakain ng 12:30 ng almusal merienda at tanghalian in one. Dahil panigurado, tadtad kami ng utos ng head kaya minsan hindi na kami nakakain. Dumating na ang Sabado na pinakahihintay ko. Gusto ko kasi ng adobo. Si Myrna kasi, yung asawa ko, hindi nagluluto lagi nalang nakaasa sa de pritong ulam.
“Good Morning!” narinig ko na ang boses ni CJ.
“Ganda ng gising mo CJ ha?” narinig kong pinuna ni Julie.
“Nako. Syempre, ayaw kong magpa-stress. Besides, nagbaon ako para sa ating lahat. Ngayon lang to ha? Bukas may bayad na. Kaya dapat kumain tayong lahat!” Pabirong sinasabi ni CJ. Mukhang ganado nga siya ngayong araw na ito.
“Oh eto na ang dapat gawin today. Upo na tayong lahat.” Nag-aaya si Petdong.
Apat kami pag weekends, pag weekdays ako, si CJ at si Mang Bok lang. Sumapit na yung 12:30 at inihanda na ni CJ yung dala niyang Adobo.
“Aba CJ, may pandesal pa at mayonnaise kang dala ha?” narinig ko na naming pinuna ni Julie.
“Syempre para pwede iyong ipalaman yung adobo kung ayaw niyong magkanin.” Pinapaliwanag niya. “And para may choice kayo noh.”
Lahat kami kumain. Nagmamantika yung adobo niya, kung paano yung gusto kong luto. Pinansin ko si CJ na kumakain ng kanin “Aba CJ, ngayon lang kita nakitang kumain ng kanin ha?” “Nako, mamaya yung pandesal naman. May oras naman po ako mamaya para makapagJogging.” Sinagot niya sa akin at ngumiti. “Sino nagluto ng adobo?Ang sarap!” hindi ko mapigilang itanong sa kanya. “Ay! Maraming salamat po. Ako po nagluto niyan.” At siya pala ang nagluto ng adobo. Nako, nakakatuwa talaga tong batang to. Marunong pang magluto.
“CJ, ang sarap ng adobo mo ha?” nakangising sinabi ni Petdong kay CJ sabay hinimas ang likod ni CJ. Nairita ako sa nakita ko. Pero hindi ko pinahalata. Natapos na ang office hours at maraming dala si CJ dahil sa mga baon niya.
“Ihatid na kita sa bahay niyo, napakadami mong dala” inalok ko siya.
“Nako sir, hindi na po. Nakakahiya po. Magtataxi naman po ako eh.” Tinanggihan na naman niya ako. Pero pinilit ko, “Sige na. Isipin mo nalang bayad to sa pagluto mo kanina.” Pumayag na rin siya. Nagkakakwentuhan kami sa daan at napapansin ko na marami siyang pangarap sa buhay at masiyahin siya. Gustung-gusto niya ang tinatahak niyang field sabi niya. Observant rin siyang bata dahil nakwento niya sa akin na nakita na niya ang misis kong si Myrna. Nakita daw niya sa cellphone ko dati, wallpaper ko kasi ang asawa ko.
“Eto Sir! Eto Sir! Dito na po ang bahay ko.” Tinuturo niya ang itim na gate na may mga tanim ng santan sa labas. Mukhang apartment ang kanilang bahay pero kanila daw iyon, medyo malaki ang tahanan nila sa nakikita ko pero isang ilaw lang ang bukas, yung sa garahe.
“Sir, maghapunan na po kayo dito. Magluluto na lang po ako ng afritada.” Inaalok niya akong kumain ng hapunan sa kanila. Gusto kong tanggapin agad ang kanyang alok subalit nakakahiya sa kanya. Panigurado kasi porkchop na naman ang ulam sa bahay namin. Tinanggihan ko siya pero hindi siya pumayag, “Isipin niyo na lang po bayad ko ito sa paghatid niyo po sa akin.” Pumayag na ako. Gusto ko naman kasi talagang makikain sa kanila kasi sawa na ako sa pritong ulam.
“Pasok po kayo. Upo muna kayo at manuod ng TV.” Pinaupo niya ako sa sala nila. Maganda ang loob ng kanilang bahay, malinis at maraming appliances.
“Nako sir, pag pasensyahan niyo nap o ang munting bahay naming ha?”
“Ayos lang. Maganda nga eh.” Napaisip ako kung ilan sila sa bahay kaya dinugtungan ko, “Ikaw lang ba ang nakatira dito?”
“Hindi po. Ako po at ang Mommy ko tapos minsan si Daddy.” Nilingon niya ko habang may kinukuha sa freezer.
“Eh ang Mommy mo nasaan?”
“Ay. Nagbakasyon po yon. Pumunta ata ng Laguna kasama ang mga kaibigan niya.”
“Wait lang Sir ha? Magpapalit lang po muna ako ng pambahay.”
Nanunuod lang ako ng TV at nagmamasid sa kanila. Naka maikling shorts siya at natatanaw ko ang mapuputi niyang hita at ang sexy niyang katawan habang pinipiga niya ang suot niyang t-shirt na nabasa sa lababo. Para hindi kami magkailangan, nagsimula na lang ulit ako ng pag-uusapan.
“Paano ka natutong magluto?”
“Sa adobo po. Tapos nag experiment na po ako, hanggang sa nauso na po ang internet.”
Pinagpapawisan siya sa init ng kusina, nakikita ko ang batok niya na pinagpapawisan. Pinipilit kong umiwas ng tingin sa kanya pero parang magnet ako at isa siyang metal na kailangang kong dumikit sa kanya. Inalok niya ako ng juice pero hindi ako nagjujuice eh. Mas gusto ko talaga ang tubig. Malamig na tubig na lang ang hiningi ko.
Natapos na siyang magluto. Naghain na siya ng kanin at ang nangangamoy niyang afritada. Nakakatakam ang nakahain sa mesa. Tinawag na niya ako para kumain.
“Pag pasensyahan niyo na sir kung naghintay pa ho kayo. Tara na po.” Nagpapaliwanag siya habang umuupo na siya sa hapag. “Pasensya na po at mukha ho akong gusgusin.”
Ang sarap ng luto niya. Ang sarap talaga. Hindi daw siya naglalagay ng MSG dahil alam niyang masama ito sa katawan. Natapos na kaming kumain at inalok niya ako kung gusto ko raw iuwi na lang yung natira pang afritada. Tinanggihan ko na lang siya at baka magtaka pa ang misis ko. Nauna na ako at umuwi.
“Hi Baby! You want to eat?” Nakangiti akong inalok ni Myrna. Maaliwalas ang kanyang mukha ngayon at mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito.
“Ikaw ba ang nakahain?” biniro ko na lang siya para kung umOo man siya edi ayos pero kung tanggihan niya ko Mas Ayos yun dahil pagod ako. Ilang taon na rin naman naming sinusubukang magkaroon ng anak pero wala pa rin. Nananaba lang siya kakakain at kakaupo sa bahay. Wala naman daw problema sa akin wala rin naman daw problema sa kanya sabi daw ng doctor niya. Maselan rin kasi tong si Myrna. Ayaw niyang magpasama pag magpupunta siya sa OB niya.
Oo ang sagot niya sa tanong ko. Nagsimula na kami, ganoon pa rin ang performance level ng asawa ko. Walang pagbabago, magaling pa rin. Medyo bumigat lang siya kumpara noon.
BINABASA MO ANG
Romance on Amiss
RomanceMiikli lang ang bawat chapter ng kwentong ito. Bawat Chapter may taong nagkukwento. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang umibig at ibinigay ang lahat sa isang pamilyadong lalake. Kung saan ang lalake ay handang ibigay ang lahat para sa kany...