Muli kaming nagkita.
Papunta ko sa taas para magpapirma kay Miss D, I pushed the up button ng elev. Nangalabit tong si Bella magbaba-bye lang pala after she walked away narinig ko na ang elevator na nag-open pagkalingon ko sa elevator, kinabahan ako na natuwa sa nakita ko. Nataranta ako pero nakapagsalita ako sinabi kong ngayon ko na lang siya nakita. Feeling ko wrong move ako kasi wla naming nagtatangka kumausap doon sa building na to eh. Pwera na lang yung mga kaibigan niya talaga. Pero nung nasa beat naman kami mabait siya, iba lang talaga siguro pag nagtatrabaho na. O baka di lang siya kilala ng lubusan ng mga tao dito. Yung puso ko tumatambol lalo na ng kinamusta na niya ako. Pakiramdam ko di niya ko nalilimutan dahil sa tono ng pagtatanong niya ng “Kamusta na?” parang close na close kami. Yung parang tropa tropa lang kami, ganoon yung tono niya. Kinikilig ako ng sobra that time. Parang tumigil ang oras, parang tumigil sa pag-akyat ang elevator. Biglang nagdilim ang paningin ko.
Namatay ang ilaw at tumigil ang elevator.
“THE FUCK!” napasigaw ako. Hindi pala ito daydreaming, totoong pangyayari pala ito. Chineck ko yung phone ko kung may signal, syempre wala. Ngayon pa talaga nangyari ang ganitong pagkakataon sa loob loob ko. Pero inisip ko ang bright side na baka it’s time para maging close ako kay Sir Anton. Feeling ko God’s will ito kasi biruin mo kinausap niya ko at nakangiti siya nung kausap ko siya. Tinanong niya kung natatakot ako, di ako umimik kasi natatakot talaga ako. Ayaw ko sa madilim, feeling ko may multo. Gusto ko sanang sabihing I need a hug exclusive sa kanya pero syempre joke lang yon. Nakakahiya sa kanya kung sasabihin ko talaga yun noh. Isipin niya pervert ako o kaya mamaya i-grab niya ang opportunity. Hindi pa ko willing noh!
Hindi pa rin nagkakailaw ang elevator. Umiinit na at lalo pa kong pinagpapawisan dahil si Sir Anton ang kasama ko sa loob.
“May pamaypay ka ba?”tinanong niya ako.
“Ay.” Naalala ko bigla na naiwan ko sa mesa ko yung pamaypay ko habang nag-aayos ng mga gamit, “wala po sir eh.” Dinugtong ko na lang. Di ko na inexplain na naiwan ko kasi baka mahalata niyang crush ko siya. Mas okay na yung maikling sagot. Para safe.
“Eto oh, tabi ka nalang sakin para parehas tayong mahingan ng folder ko.” Inalok niya ko pero tinanggihan ko. Nakakahiya noh. Pinagpapawisan kaya ako ng bonggang bongga tska feeling ko amoy pawis na ko. Mamaya sabihin pa ni Sir Anton na ang baho ko saying ang ganda, baka makwento pa niya kay Mister Decent Man noh. Nakakahiya kay Sir Lorenzo yun, baak di na niya ko ayaing magkape at ilibre at isakay sa kulay blue niyang maangas na kotse.
Thank You Lord Alleluia! Nagkailaw at gumana ng elevator. Sakto bumukas na ang ilaw at pinto. Hindi ito ang floor na dapat pupuntahan ko pero bumaba na ako para di kami awkward ni Sir. Nagpaalam na lang ako at nginitian niya ko. Iniisip ko rin kung anong pakiramdam niya habang nandoon kami sa elevator. Nagandahan kaya siya sa akin? Ano kaya kung din a niya ko naaalala? San kaya yun pupunta? Hinihiling ko nga n asana magkita pa kaming muli para naman ma-enjoy ko yung pagtatrabaho ko dito sa station.
BINABASA MO ANG
Romance on Amiss
RomanceMiikli lang ang bawat chapter ng kwentong ito. Bawat Chapter may taong nagkukwento. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang dalagang umibig at ibinigay ang lahat sa isang pamilyadong lalake. Kung saan ang lalake ay handang ibigay ang lahat para sa kany...