CJ

7 0 0
                                    

CJ

Fourth year ako, start na ng OJT and guess what? I’m taking my OJT sa radio station nila Mr. Decent Man at Sir Anton. Pinush ko talagang makapasok doon eh. Besides, nagkakausap naman kami palagi ni Mr. Decent Man hindi siya aloof sa akin or whatsoever. Para kaming magkabarkada na hindi pero older sa akin, nasa late twenties na rin kasi siya. I tried listening to him sa program niya sa radio and it is so funny kasi I’m like inside the classroom and listening while he teaches.  I texted him na I’m listening it was a week then everyday niya binabanggit ang name koon air. Ganon pala yung feeling ng nakikinig sa radio then binate ka noh? Nakakatuwa.

Sa OJT I met new friends, si Danica and Jeron from other universities. Mababait sila unlike sa iba naming ka-OJT na sobrang arte tska mahahangin palibhasa sobrang mga yaman at malakas ang kapit sa station. We didn’t mind them nalang. Inutusan ako gumawa ng kape ni Sir Herson para sa mga announcers that time so syempre ginawa ko, I don’t have a choice. Fortunately, ako talaga ang inutusan. Guess what? Si Mister Decent Man ang announcer that time. We were surprised at nagulat rin ang mga tao sa paligid naming sa reaction naming dalawa.

After the program he asked me to have coffee, his treat. Pero syempre nakakahiya sa kanya at sa head ko sa OJT kasi syempre OJT ako tas aalis alis pa so I explained to him. Mapilit si Sir, so he talked sa head ko and we went out for coffee. Ang tagal na naming di nagkita almost 6 or 7 months? Ang dami naming pinag-usapan katulad na lang ng chismis sa kanya sa room. Nag-aaya daw siya ng date sa kaklase ko, which is never akong naniwala and hindi nga raw totoo. May fiancé si Sir, matagal na sila and 8 months na silang engaged to each other. Hindi lang sila prepared pa para magpakasal. Busy rin kasi yung babae. Siya yung nagkukwento sa aming dalawa. Minsan lang kasi yon magsalita ng magsalita so pinapabayaan ko siya. Nakakatunaw pala talaga ang boses niya ngayon ko lang na-realize ang mga pinagsasasabi ng mga kaklase ko tungkol sa kanya. Siguro nanawa ako noon nung prof pa namin siya. Hindi namin namalayan na halos magdadalawang oras na kaming nagkukwentuhan. We stopped. Sabi ko sa kanya babalik na ko sa station pero sabi niya ihahatid na niya ko at nakakahiya naman kung maglalakad ako pero syempre mamaya paulanan kami ng tsismis eh bago bago lang ako sa station.  Nakakatawa sabi niya “Pake nila? Chachaka naman nila. Hayaan mo sila. Charing!” Sobrang natawa ko, so sabi ko sige.

Yung mga di namin close na OJT nagbulungan pagdating ko sa may office, si Danica sumalubong sa akin ng tanong “Kamusta naman kape niyo?” sabi ko ayos lang naman at nagkwentuhan kami. Sinabi ko sa kanya na professor ko yun dati tska close talaga kami. Si Jeron lumapit sa amin at sinabihan ako na pinagtsitsismisan ako nung mga chakang mga rich kid na yon. Hindi ko sila pinansin. Wala akong pake.

Pumunta ako kay Miss Delfin, ang head ng OJT ko at tinanong ko kung pwede akong magOvertime ng two hours tutal wala naman ako ng dalawang oras. Five o’clock na non sabi niya baka magalit nanay ko pag inabot ako ng seven sabi ko okay lang naman sa akin yon. Sa katotohanan magkikita kami ni V and K mamaya sa bar malapit sa station, peros yempre di ko na sinabi kay Miss Delfin yun noh. Sabi niya sige raw, ako bahala pero inutusan niya akong ayusin ko yung files niya sa mga drawers sa likod ng table niya.  Lumabas muna ko at nagpaalam kay Jeron at Danica, nauna na silang umuwi. Syempre pa-goodshot rin muna ko sa head noh. Nakakahiya baka sabihin may kapit ako.

“Bibili lang ako ng food ko sa baba ha?”

“Yes Ma’am.”

Umalis si Miss Delfin, ako lang naiwan sa office niya. Yung mga files may mga tungkol sa employees nila. Ilan taon na, kung may asawa ba, ilan ang anak, saan nakatira, mga ganon pero yun lang yung mga details. Parang resume nila noon. Parang ganon.  Chineck ko kung meron sa unang pile ng papers yung kay Mr. Decent Man pero wala. So kay Sir Anton na lang yung chineck ko and yes! Nakita ko nung hahaltakin ko na yung paper niya may nagbukas ng pinto at nagtanong “Si Amalia?” natulala ako ang tagal magFunction ng utak ko, natataranta ako. Pero nagreact ako after 10 seconds “Si Miss Delfin po? Nako umalis po sandali. Babalik rin daw po agad. Pwede niyo po siyang hintayin ditto.” Tinuro ko yung couch ni Miss Delfin sa office. Pumayag naman siya na doon umupo at maghintay. Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa ng files so niligpit ko na lang ang mga ito. Baka Makita pa niya kung ano yung binabasa ko, nakakahiya naman.

“Bago ka ba dito?”

“Hindi po? Hindi po ako nagwowork dito OJT lang po pero technically bago nga po.” Tama naman sagot ko eh. Hindi ako nagwowork dito so kung iniisip niya kung lumang worker ako hindi. Pero nagsmile ako at natawa siya. Dumating na si Miss D sa office.

 “Kaya pala matagal ka eh, bumili ngpagkain.”

“Ay! Hi Anton, ikaw pala yan. Anong kailangan mo?” gulat na sinabi ni Miss D.

Inexcuse ko na lang ang sarili ko sa office ni Miss Delfin para di ko na lang marinig kung ano mang importanteng pinag-uusapan nila.

Romance on AmissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon