[ Plot ]
May isang babae na nangangalang Kai na may super crush sa kaibigan ng kuya niya na ngangangalang Clyde. Kahit na alam niyang may ibang mahal si Clyde, she tried to get close to him atsaka sinubukan niyang ipa-fall sakanya si Clyde (kinukulit siya, iniinis, kinakausap, etc). However, dahil sa nabulag pa rin si Clyde sa past niya, hindi niya eto na notice. And isang araw nag give-up nalang si Kai at tinanggap ang fact na hanggang kaibigan lang talaga siya. Tumigil si Kai sa pangungulit niya kay Clyde at minsan na lang rin sila nag-uusap since Clyde was in 2nd year college habang si Kai naman ay 4th year high school. So, they were both busy. Siguro na miss rin Clyde ang kakulitan niya and when he did, unti-unti niyang na realize na may gusto na pala siya kay Kai. Pero sa oras na aamin na sana si Clyde kay Kai, nalaman niyang may boyfriend na pala ito.
[ Setting ]
Iloilo City, Philippines (You can change this if you want)
[ Chapter 1 ]
ANO BA NAMAN TOH!
Ibinaon ko ang ulo ko sa pillow ko as I grunted loudly. Taena, nakakainis! Ba't walang may pumapasok sa isip ko ngayon?! Gosh, I need to finish this speech by tomorrow dahil lagot nanaman ako sa Journalism teacher namin if wala akong presentation pagnagkataon!
Kailangan ko talagang tapusin to. Ayokong bumagsak grade ko noh! Mas malala pa sermon ni mama kesa sa mga guro namin sa school eh.
Tsk, bwisit.
Umupo ako ng maayos sa kama ko at ipinatong ang laptop ko sa lap ko. I placed my hands over the keyboard, ready to type. Unfortunately, wala pa ring may pumapasok sa isip ko.
I heaved a deep sigh and closed my eyes. "Kai, concentrate." bulong ko sa sarili ko as I organized my thoughts.
Global Warming. Sea levels rising. Coral bleaching. Glaciers melting.
Okay, here I go...
THE WORLD! Have your parents ever talked to you about how the world changed? And if they did, they would certainly say that the climate is---
"Ano ba ang pumasok sa isip mo at pumunta ka dito at this time of the night, Clyde? Tulog na mga tao dito." said a faint voice from outside which made me stop typing.
Did I hear that right? Clyde daw?
Malapit kasi ang room ko sa veranda namin atsaka nakabukas pa ang windows ko dahil malamig rin naman sayang rin naman ang kuryente if I turned my aircon on.
Lumapit ako sa window ko and peeked my head out a little, hiding behind my floral curtain. True enough, nandiyan nga si Clyde with Kuya Zed. They were having a drinking session.
Anong meron?
I know eavesdropping is a bad thing. But this should be an exception.
Clyde's been my crush for quite a while now. Nakilala ko siya 3 months ago noong fiesta samin. My brother introduced me to him--este them, ang barkada niya. I swear, para silang isang baranggay if magsama-sama sila sa iisang lugar. Buong klase niya ata dinala niya rito sa bahay eh.
But anyway, minsan ko lang yan makita si Clyde dito sa bahay. And he's kind of like the mysterious type kasi. Out of all the friends Kuya Zed introduced to me, siya yung pinakatahimik. He's also the only one who got my attention. Hindi ko pa man siya kilala personally, pero mukha siyang mabait. He just doesn't show it.
"Sorry," Clyde said as he took a swig from his beer. "Alam mo namang ikaw lang ang nakakaintindi sakin."
"Is it about her again?" Tanong ni kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/36925519-288-k496895.jpg)
BINABASA MO ANG
Story Ideas
LosoweHere are some story ideas you can use in your storieeessss. But first, read the instructions inside before you copy the ideas :)