Chapter53. Wake Up Call.

28.1K 321 47
                                    

 

Chapter53. Wake Up Call.

 

Mische’s POV

 

 

“Type B ako.” Our heads snapped at the person who suddenly spoke.

“Come on. Time’s running.” Interfere ng doctor bago pa kami maka-react.

Lumapit ang isang nurse para i-assist siya papasok sa OR.

Tinanguan niya lang kami bago siya tuluyang nawala.

We were all silent. Para bang naubusan kaming lahat ng boses.

I’m drained. Pagod na pagod ang katawan at isip ko sa nangyayari.

Pero alam ko wala pa sa ¼ ang nararamdaman ko sa nararamdaman ng Kuya ko. Tahimik lang siya na nakaupo habang nakapatong ang mga siko sa tuhod at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha niya.

May isang oras din bago pinalabas ang donor mula sa OR. Naka-wheelchair pa siya at may naka-kabit pang dextrose.

By this time, si Kuya, kami ni Vince, ang FT Island at si Sasha at Alyson na lang ang natira dahil nagpaalam na yung iba na aalis na. Medyo nagkakagulo na din kasi sa labas sa dami ng media. Star-studded naman kasi dito ngayon sa ospital.

Tumayo ako para kamustahin siya. Ganun din si Vince. Si Kuya? Ayon. Tulala.

“Prince.”

“Pare.”

 

Oo. Si Prince Laxamana ang donor.

“Kamusta? Si Chloe?” Pagkabanggit ko sa pangalan ni Chloe, napatingin sa’min si Kuya.

Tiningnan muna siya ni Prince bago sumagot.

“I-I’m not sure.. Pero natanggal na nila yung bala nung pumasok ako.”Malungkot na sagot niya. “Ano bang nangyari? At patay na si Beth?”

 

Nagkatinginan lang kami. Hindi din kasi namin alam ang nangyari. Hindi makausap ng matino si Kuya.

Umiling ako ng konti ke Prince para sana sabihin na walang nakakaalam. Fortunately, na-gets naman niya.

“Kelan ka pa pala nakabalik? Di’ba nasa Europe ka?”Pagbabago ko ng topic.

“About that.. Kakauwi ko lang ngayon. At pagkababa ko pa lang sa eroplano, eto na yung bumungad sa’kin. Kaya dumiretso ako dito.” Tiningnan niya si Kuya na tahimik lang na nakaupo.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon