Chapter52. Fighting a Losing Battle.

29K 296 34
                                    

 

Chapter52. Fighting a Losing Battle.

Liam’s POV

(MWAHAHA! Maka-extra wagas. XD)

Napansin ko agad yung kotse ni Niel sa labas ng bahay ng banda pagka-park ko. Galing ako sa bahay ko, papunta na dapat ako sa FNC nung napansin ko na wala pala sa bag ko yung favourite drumsticks ko. At naalala ko na naiwan ko yun sa studio sa bahay ng banda kaya pumunta ako dito. Kanina pa ako tinetext nina Clein. Late na daw ako. Psh. Hindi din naman ako magre-rehearse kung wala yung drumsticks ko e.

Kakapasok ko pa lang ng bahay ng may madinig akong putok ng baril.

Napaatras pa ako dahil sa gulat. Hindi ako bading ha! Pambihira. Hindi naman ako bullet proof kaya kinabahan ako.

“C-chloe.. hold on. Please. Mommy..” Boses ni Niel.

Sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko, pinilit kong lumapit sa pinanggagalingan ng boses.

“D-dylan.. H-hindi ko sinasadya.. I’m sorry!” B-beth?

Nagmamadali ko silang pinuntahan.

Kung si Beth ang nandito, siguradong may hindi magandang nangyari.

“Damn you Beth!!! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! In fact, I could kill you!!!” Dinig kong sigaw ni Dylan in between sobs.

O_______O

Reaksyon ko pagkakita ko sa kanila.

Si Chloe, duguan at walang malay na yakap ni Niel. Habang si Beth naman, may hawak na baril habang nakaupo sa sahig at umiiyak.

Even a fool can figure out what just happened.

Tumakbo ako palapit kina Niel. “Niel.. Si Chloe.” By the looks of it, hindi makakilos si Niel. Marahil ay dahil sa takot sa pwedeng mangyari kay Chloe.

“P-pare, tulungan mo ako.” But I don’t need telling. Tinulungan ko na agad siyang buhatin si Chloe. Pero ayaw niyang pahawakan ang asawa niya. Siya mismo ang bumuhat dito.

Bago pa kami makakilos, tumakbo na palabas si Beth. Hindi ko na siya magawang habulin. Kaya tumakbo na lang ako sa sasakyan ko para ipag-drive si Niel at Chloe.

Kahit ako mismo ang bilis ng tibok ng puso ko.

I dialled Cliff’s number habang mabilis na nagda-drive.

Most of the drivers that we’ve passed, minumura ako sa bilis ng takbo ng kotse ko, but what can I do? It’s a matter of life and death.

“Liam? Nasan ka na ba? Nakita mo bas i Niel? Kausap ko si Chloe kanina sa phone, tapos may narinig akong pu--”

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon