Chapter37. We're all in this together.

30.7K 293 13
                                    

 

Chapter37. We’re all in this together.

 

Chloe’s POV

 

8PM.

Nasa kitchen kami ni Andrea dahil hinihintay namin si Dylan. Hindi pa din kasi siya bumabalik simula nung pinuntahan niya si Beth kanina, pero sabi niya dito daw siya magdi-dinner.

“Atengs! Excited na ako sa proclamation ni Kuya kay Baby Lance! Iaannounce niya din ba yung tungkol sa kasal niyo?? Aba! Wedding of the year ang peg niyo Ate!” Tanong ni Andrea sa’kin habang nag-aayos ng mesa.

Maka-proclamation naman ‘tong si Andrea kala mo president ng Pilipinas si Dylan. Haha.

“Hindi ko alam e. Sabi naman kasi ni Dylan siya na daw bahala dun. Kinakabahan nga ako para sa kanila ni Lance. Nakwento ko naman sa’yo yung tungkol sa manager ni Dylan di’ba? Si Beth? Napaka-impakta kaya nun! Baka mamaya kung anong gawin niya sa anak ko.”

 

“Ayy yun ba! Don’t worry Ate. Hindi naman kayo papabayaan ni Kuya nuh! Tsaka yung bruha na yun? Kakalbuhin ko siya talaga kapag sinaktan niya ang alaga ko!”

 

Nakakatuwa talaga ‘tong baklitang ito. Konting panahon pa lang namin siya nakakasama pero mahal na mahal niya na si Lance. Siguro talagang malakas lang ang hatak sa tao nung bagets namin ni Dylan. Kahit kanino iharap nagugustuhan siya e.

“Ikaw talaga. Haha. Salamat. Pero hindi ko din naman hahayaan na saktan niya ang anak ko nuh! Dadaan muna siya sa’ken.”

 

Ano nga kayang pinaplano ni Beth?

Karaniwan sa mga telenovela di’ba yung ginagawa ng kontrabida e ipapakidnap yung anak chuchu tapos hihingi ng ransom money o kaya naman pamblackmail?

E wala naman kayo sa Telenovela, Chloe Evangelista!

Tsaka hindi naman siguro ganun kadesperada yung si Beth.

At isa pa. Ano bang pinuputok ng butse nun at ayaw na ayaw niya sa’ken?

Ganun ba siya kagahaman sa pera at takot na takot siya na matali si Dylan? E si Dylan nga hindi natatakot na mawalan ng career e. Siya pa may gana umasta ng ganun? Ang weird di’ba? At ang pagkakaalam ko, hindi lang naman si Dylan ang alaga niya. There’s Vince. At iba pang malalaking pangalan sa industry para pagkakitaan niya. Bakit tanging si Dylan lang ang masyado niyang pinipiga ng ganito?

Hindi kaya may g—

“Ay baka si Kuya na yan. Naiwan niya ba susi niya Ate?”May nag-doorbell kasi. Naiwan ba ni Dylan ang susi niya? Hindi naman e. Kasama yun ng susi ng kotse niya.

“Ako na lang magbubukas. Tapusin mo na yan.” Dumiretso na ako sa front door.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon