Chapter10 part2 (MISSING!)

34K 314 21
                                    

Chapter10. PART TWO (MISSING!)

DYLAN’S POV

 

Kanina pa ako naaasar kay Beth, sagot ng sagot sa mga tinatanong sa akin ng mga reporter! Argh! Napakapakialamera talaga! >_<

Ayan tuloy, tinatanong ako ngayon kung anong masasabi ko sa statement na binigay niya!

Hindi pa daw ako ready sa buhay may asawa at lalo na daw, LALO na daw ang magkaanak dahil wala daw akong hilig sa bata.

Ano bang alam niya?!

Sabihin ko kaya sa mga to na may anak na ako?! At seven months na siya! Kung hindi ko lang iniisip si Chloe.. Hayy..

“You know..” simula ko. Syempre, madadagdagan nanaman ang kasalanan ko dahil mag-iimbento nanaman ako ng kwento. Dapat siguro naging scriptwriter na lang ako e! Dudugtungan ko na sana ang sagot ko dahil kitang-kita ko sa reaksyon ng mga reporters na’to na excited sila sa isasagot ko when I heard a familiar voice from the crowd shouting:

“God! Ibig sabihin nawawala ang anak ko?!”

 

Nagtinginan lahat ng tao sa conference room sa pinanggalingan ng sigaw.

At hindi ako nagkamali, I saw her with Kate, pareho silang nagpapanic.

“Chloe?” nabanggit ko ang pangalan niya out of the blue. Nakalimutan ko na nakatapat nga pala sa akin yung mic, kaya naman sa akin naman nagtinginan ang mga tao.

“Kate! Where is he?!” nakita kong yinuyugyog ni Chloe si Kate habang umiiyak.

“C-chloe, he was here. Katabi ko lang siya dito..”

Ano bang nangyayari?

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon