Chapter51. Signos.

27.5K 282 60
                                    

Para sa kanya. :) Sa makulit na ka-chat na si Ate Ghen. ^___^

Thank you kagabi.

 

 

Chapter51.

Chloe’s POV

 

“Oh my God! Nasan? Nasan ang anak koooo?!” Excited na tanong ko kahit kakababa ko lang ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa bahay namin.

“Mommy! Ano ba. Dahan-dahan nga, don’t run. Hey! I said don’t run! Chloe!” Iniwan ko si Dylan na saway ng saway sa akin. Bakit ba? Naglalakad na yung first born ko o! Nakaka-excite kaya!

“Makasigaw naman ‘to o. OA?!” Bungad sa’kin ni Vince na nasundan na nabatukan naman agad ni Mische.

“Marunong ka pa? E anak niya yan.”

 

“So kelangan sasaktan mo ako para lang sabihin yan?” Animo’y nagtatampong tanong ni Vince.

“Ee.. Eto naman napakasensitive, para binibiro lang!” Pang-aamo naman ni Mische. My God! Dati naman sanay ako na nagbabangayan sila, pero iba na’to e. Parang nasusura ako kapag naglalambingan sila. Hahaha

Hindi ko na lang sila pinansin at agad na lumapit sa anak ko na nakaupo sa sahig habang naglalaro ng stuff toys niya.

“Hello there baby boy.” I kissed the top of his head.

He grinned at me and murmured “Momma.”

 

“Chloe, how many times do I have to tell you not to run?” Nakapasok na pala si Dylan. Nagpa-park pa kase siya kanina nung tumakbo ako papasok.

I ignored him and continued talking to my baby. “Tito and Tita told us na you can run already.. is that true?” I know hindi pa masyado nakakapagsalita si Lance, pero it’s healthy naman na kausapin ang mga bata para matuto magsalita. “Come on! Show Mommy..” Lumapit si Dylan sa amin at pareho kaming naghihintay kay Lance. Nakakaintindi nanaman kase ito. Hello! Magtu-two years old na kaya siya.

“Come on buddy. Show us nga..” eager na sabi ni Dylan.

Tinitigan kami ni Lance and to our disappointment, he said “No.” Habang umiiling pa.

Yeah. May pagkasuplado kase ‘tong anak ko, napapansin ko din. Hindi ko alam kung saan niya namamana yan pero may mga instances na parang ang sungit-sungit niya kahit bata pa lang. At yan ang favourite word niya. NO.

Nagkatinginan kami ni Dylan. “Waaa. Sige na anak. Pakita naman..” Suyo ko ke Lance. Pero tiningnan niya lang ako saglit at sumagot ng “No.” at bumalik na ulit sa paglalaro.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon