Chapter54. History Repeats Itself.

30.1K 271 20
                                    

Chapter54. History Repeats Itself.

 

Chloe’s POV

 

3 months have passed since that incident. Hindi na namin pinag-uusapan. Ayoko na kasing ma-stress pa sa taong wala nanaman. Ang dami-dami na kasing nangyari dahil sa kanya, gusto ko na lang siyang kalimutan at wag ng isipin pa hanggat maaari.

Okay naman na kaming lahat. Yung mga taong ginamit ni Beth para sirain yung buhay ko, namin ni Dylan, humingi na ng tawad. Mula kay Ate Carla, Kay Ma’am Jean.. Si Yasmin, at si Ashley. The woman’s just impossible. Hindi ko alam kung anong pamba-blackmail ang ginawa niya sa mga taong iyon para mamanipulate niya. And honestly? Ayoko ng alamin pa.

Si Prince nga pala, bumalik na sa lungga niya sa Europa. Papagalitan ko sana siya kasi may mga pasa si Dylan sa mukha, kaso nung nakita ko naman, mas malala yung inabot niya. Tapos nalaman ko pa na siya pala yung donor ko. Kaya we’re coooooool! Hihihi.

Si Kuya Nathan at Kate, ayon.. Ayaw pa bumuo ng baby. Ineenjoy pa daw nila ang isa’t-isa. Wew.

Natapos na din pala yung therapy ko last month. Kasi nga naapektuhan yung right arm ko, hinintay pa na gumaling yung area bago ako nag-undergo ng rehabilitation.

At first, it was so hard. I can’t use my arm. Pero ok lang din naman. Dun ko kasi na-realize yung hardship ng mga taong may kulang na limbs. Kaya naman, nag-charity work ako simula nun. Sponsor ako ng mga taong may kapansanan. And I feel really blessed na nakakatulong ako sa kanila.

Tuwang-tuwa nga sila kasi simula nung tumulong ako, pati yung mga artists ng FNC Music and Entertainment, nagdo-donate na din. Nung una kasi kami lang ni Dylan, tapos nung tumagal, pati ang FT Island tumutulong na din. Nag-mini concert pa nga sila last month para sa charity. Kaya tuwang-tuwa talaga kaming lahat.

Everything’s going smoothly.

Lance’s practically running around. He’s obviously not like any other kids. Napaka-charming at bibo ng first born namin ni Dylan. He knows what he wants even in young age. Kapag nga binibihisan siya ng Daddy niya, siya pa yung kumukuha ng gusto niyang isuot sa closet niya. Syempre si Dylan yung nagbubukas ng closet. Asa naman mabuksan yun ni Lance. Spoiled yung bata, walk-in closet na din ang peg niya. Sa dami kasi ng sponsor ng damit. Halos every month new wardrobe. Bigatin kasi mga ninong at ninang. Kinuha din sila ni Daddy niya na model ng isang clothing brand para sa Father and Son apparel. Kaya naiinggit tuloy ako sa kanilang dalawa. Kahit na may pagka-Mommy’s boy si Lance, iba pa din kung may Baby Girl. Pwede kaming mag-dress up! ^___________^

And speaking of baby girl, kabuwanan ko na nga pala. Hihihi.

February na ngayon and I’m due to give birth anytime. Last month nga akala namin magkaka-premature labor ako e. Last week kase, nung mismong birthday ko, January 28, sumakit yung tiyan ko. Nagdidinner lang kami kasama ng friends namin nun sa resto, tapos dinala nila ako sa ospital. False alarm lang pala pero nagpanic kaming lahat. Tawang-tawa pa nga ako sa reaksyon nung mga lalaki. Hahaha. Ang epic lang! Daig pang sila yung tatay e. In fairness naman kasi kay Dylan, hindi siya yung typical na hindi alam yung gagawin in those cases. E syempre, may background naman siya sa medicine kaya ganun. Wala tuloy thrill na lokohin na kunware manganganak na ako. >__< Hindi kagaya nung mga kabanda niya. HAHA. Grabe! Mapapaanak talaga ako ng wala sa oras dahil sa kanila. Si Cliff kase, nagtatakbo para ihanda yung van, pero nakalimutan niya kung saan niya nai-park. Tapos si Jeremy at Jin naman natulala. As in hindi makakilos o makapagsalita man lang. Na-shock ata. Si Aly at Sasha naman, nagtititili. Ang sakit sa tenga. Tapos ang ever passive na si Liam, mura ng mura. Feeling ko nga masasapok niya si Cliff ng mga oras na yun e. In the end, si Liam yung nag-drive. At lahat sila ang ingay-ingay sa van. Si Dylan naman kino-coach lang ako ng proper breathing habang hawak yung kamay ko.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon