Chapter9.

40.2K 333 28
                                    

Chapter9.

CHLOE’S POV

 

*sigh*

“Hoy! Babae! Grabe namang paghinga yan! Baka maubos mo na lahat ng hangin dito sa opisina ah!”

Muntik na akong malaglag sa upuan ko dahil sa panggugulat sa’kin ni Kate at may paghampas pa sa balikat ko.

“Ano ba naman kasi Kate.. Wag ka ngang magulo d’yan.. Nakita nang nananahimik yung tao tapos manggugulo..” sabi ko habang ngumunguso. Umayos ako ng upo at binuksan ang computer para may magawa lang.

Tiningnan ko si Kate na nakatitig naman sa akin. “What?”

“Ano kasing nangyari? Mind sharing? Huh bestfriend?” tamo to, dadaanin nanaman ako sa pangongonsensya niya at pagpapamukha na siya ang nagmulat sa akin sa katotohanan at utang na loob ko sa kanya kung bakit buhay pa ako ngayon.

“Wala naman nangyari!” iritableng sagot ko. “Bumalik ka na nga dun sa office mo.”

“Ikaw napakadamot mo mag-share! Nakalimutan mo na ba nung mga panahong ayaw mong lumabas sa bahay mo ha? Ako lang ang nagtyaga sa’yo.. kulang na lang paliguan kita.. pati yata pinagreg---”

Sinasabi ko na nga ba e. Bago pa niya matuloy ang litanya niya, inunahan ko na. Baka kung ano pa sabihin. “Hep!Hep! Wag mong sasabihin yan, dahil hindi ko naman inaasa sa’yo pag may period ako!”

“Hindi nga! Pero aminin mo, ako ang naging sandalan mo noon.”

“Kate.. Hindi ko naman itinatanggi. I’m so thankful nga na nandyan ka para sakin.”

“So ano ngang nangyari?”

Ang kulit talaga. “Sinabi ng wala ngang nangyari..”

Wala naman talaga.. Except for, Dylan acted REALLY weird this morning.

FLASHBACK.

What Happens After A One Night Stand? (WHAAONS) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon