A/N: Yow! idededicate ko toh sa kanya hihihi salamat sa support cu'z *insert sarcastic smile*....
and for the readers please comment naman kayo o kaya vote walanjo naman eiiii.... follow nyo nadin ako hihihi... kung gutso nyo ng dedication just comment okie~
---
"baby~ come to mommy" someone spoke
May bata namang nagtatakbo papunta sa direksyon nya... Isang cute na bata na di mo aakalaing may lahi ng isang halimaw... oo halimaw... dahil sa kahindik hindik na pangyayaring dulot ng ama nito
-------flashback
Dahil 9days lang ang pagbubuntis nya! halos... matuwa sya sa araw ng kapanganakan ng anak nya... ito ay araw ng biyernes kung saan nasilayan nya ang mala anghel na bata na napaka tahimik...
Dahil doctor ang ama ni jean sya na mismo ang nagpaanak kay beed...
"napaka gandang bata!"manghang tikhim ng kanyang byinan na babae
"maaari ko po ba syang mahawakan"beed
"heto! Iha..."malugkot na binigay sakanya nito ang bata...
"ano ho ba! Ang problema" nakaramdam sya ng tension sa pagbabago ng muka ng mga ito...
Ang byenan nyang lalaki ay nagkibit balikat saka pumunta sa may terasa
Samantalang ang ginang naman ay lumapit at hinalikan sya sa ulunan...at sinambit ang mga salitang di nya mawari kung para saan... "magiging maayos din lahat!"
Imbis na makapagtanong sya... ay dahil narin sa pagod at nilamon na sya nang antok...
Sa kwentong ito kung inyong pagbabatayan ng pansin ang mga bampira ay may mga sinusunod na ali-tuntunin... katulad nalang ng pagkakaroon ng anak na babae na ipinagbabawal sa angkan nila at mas pinapahalagahan nila ang unang lalaki sa pamilya... may kasabihan sila na pag nauna ang babae kaylangang kitlin ang buhay nito sapagkat ito ang magiging sanhi ng pagkasira ng lahi ng mga bampira... at isa pa pala ang mga bampira ay di maaaring mag asawa ng kapwa bampira... pero pwede nilang gawing bampira ang mapapangasawa nila sa takdang oras at panahon.
at dahil wala namang kamuwang muwang ang isang tulad ni beed... Sakanyang paggising isang karumaldumal na pangyayari ang kamuntik ng maganap sa pagitan ng kanyang asawa at sa nahihimbing na anak... ang kanyang asawa ay may berdeng mga mata... pangil na sumisibol... at may anyong bumabalot sa awra nito... agad naman syang napatayo sa kanyang kinahihigaan di alintana ang sakit sa kanyang pagitan...
"anong gagawin mo sa aking anak"kinuha nya ito sa pinaghihigaan at inihilig sa kanyang dibdib...
"hindi maaari ang isang babae sa pamilya!"singhal ng mala demonyong nilalang sa harap nya... sa palagay nya ay hindi na to hang asawa na pinakisamahan ng halos isang buwan... yung mabait, maasikaso, at mapagmahal nyang asawa... ngayo'y parang halimaw sa paningin nya...
"pero pano mo magagawa yan sa anak natin, walang kamalay mala yang batang ito kung ano man yang ikinagagalit mo"halos maaaninag sa muka ni beed ang galit na may halong takot para sa anak...
"pag nalaman toh ng ibang bampira mas natitiyak ko sayo na madadamay ka pa! pag di ko pa sya kinitilan ng buhay ngayon..."makikita mo ang iba't-ibang emosyon sa mata nya...
"hindi mo magagawa sa anak natin yan kahit sandaling panahon lang ang nagging koneksyon ng katawan namin... nasisiguro ko sayong dala-dala nya ang dadamin ko bilang isang ina... tinanggap ko sya kahit di bukal sa loob ko ang pagkulong mo sakin dito... tapos ngayon kung kaylan minahal ko sya ng lubos saka ka magpapakatanga para kitlin ang buhay nya... ano toh lokohan..."beed di mo mababanaag ang luha sa kanyang mga mata dahil kahit minsan di pa sya nangiming umiyak sa harap ng sinumang tao... ang matatag na pagkatao nya ang nagbibigay buhay sakanya...
"magagawa ko ang lahat----para lang sayo, kahit buhay pa yan ng kapamilya ko! basta para sayo magagawa kong pumatay..." dahil dun lumapit ito sa kanya ng halos walang kisap mata, kung saan konting Segundo nalang dadaplis sa puso ng anak nya ang hawak nitong patalim...
Pero bago pa makadapo sa anak nya ng tuluyan ang patalim tumakbo na sya palabas ng bahay.. ng di alam kung san matungo... samantalang ang bata naman ay di magkamayaw sa iyak sa sakit na nadaramadahil sa daplis sa yaring muka nito...
"huwahh---wuwhhahuhaaawwaa"baby
"shhh.. baby mommy is here ok!"pag-aalo nya sa anak... lumusot sya kung saan saan... di alintana na dinudugo na sya dahil sa sobrang pagod...
Makalipas ang ilang minute ay di nya na talaga kinaya pa kaya naman... naupo sya sa isang mayabong na puno kung saan sumisilay ng bahagya ang ilaw ng buwan... niyapos nya lang ang kanyang anak na parang ayaw nya talaga mahiwalay rito... at dahil hindi nya na gaanong maigalaw ang kanyang katawan.. unti-unti na rin syang nilalamon ng antok...
"hey miss ok ka lang"bago sya lamunin ng antok isang tinig na di pamilyar ang naparinggan nya... at nawalan na sya ng malay ng tuluyan
***
Isang matipunong lalaki ang nakakita sa mag-ina di kalayuan ang bahay nito sa pinagkakalandakan nila... sa makatuwid ito ay nagpapahangin lamang ng namataang nagtakbo sa di kalayuan...
Sya si Gant Demitre ang anak ng panganay ng mag-asawang demitre...
Tumawag sya sa kanyang telepono para tumawag sa kanilang bahay upang magpasunod ng isang katiwala... agad namang tumalima ang mga ito isang matandang dalaga ang sumundo sa kanila ipinahawak nya ditto ang sanggol at sya na mismo ang nagbitbit sa babaeng nakita...
Alam nyang may buhay pa ito base sa tibok ng puso nito...pero bagamat meron pa itong buhay malapit na itong bawian dahil sa hina ng tibok na pumapaloob sa puso nito...
Kaylangan nyang magdesisyon! kundi mawawalan ng ina ang sanggol na walang kamuwang-muwang...
"patawarin mo sana ako sa gagawin kong ito..." huminga sya ng malalim saka inamoy-amoy ang leeg ng babae...
kasabay ng pagdampi nya ng labi sa leeg nito... ang pagpupumiglas ng naghihingalong babae, pilit man syang itulak nito ngunit wala na itong lakas para gawin ang ganon... sa hindi inaasahang pagkakataon ni gant ay may kakaiba syang naramdaman dito... di nya nalang yun pinansin at pinakawalan na ang babaeng wala nang mababanaag na buhay...
"sleeptight honey! Sa paggising mo masisilayan mo ang mundong walang kapantay...
Iniwan nya ang babae sa isang kwarto na walang makakapuslit... isang lihim na kwarto kung saan tahimik itong makakapag pahinga
***
"anong gagawin natin sa batang ito?"tanong sakanya ng kanyang ina na nag-aalaga sa sanggol...
"I will keep her!"walang emosyong bigkas nya...
"alam mong anak ito ng kapwa natin bampira hindi ba?"ina nya
"walang makakaalam kung di nyo babanggiitin... ang batang yan ay lalaki sa poder ko hangga't di pa nagigising ang kanyang ina" marahas na napalingon sakanya ang ina na di makapaniwala...
"huwag mong sabihin kaanib na natin ang babaeng yon!" may pag-aalala sa tinig nito na gusting tutulan ang nagawa ng anak...
"para na din toh sa bata!" dun natapos ang usapan nilang mag-ina
~time will come~
!I!I!I!I!I!I!I!I!I!I!I!I!I!I!I
A/N: i don't think kung kailan ulit makakapag-ud but i'll try my best to continue this story... GODBLESS YOU ALL!
BINABASA MO ANG
Blood Smell
VampireWARNING ⚠ storyang walang patutunguhan. ___ Isang taong kontento na sa buhay si Beed, hanggang sa natuklasan niya'ng hindi siya tulad nang ibang normal na tao katulad nang kinilala niya'ng pamilya. Hanggang saan ang kaya niya'ng is...