Ending

810 19 0
                                    

NORMAL POV.

“teka si belinda ba yan?” tanong ng lalaki sa buhat ni ell

“oo sya nga” sagot ng binate saba’y ibinaba nya sa couch ang dalaga

“anong nangyari sakanya” akmang lalapit ang lalaki

Ngunit humarang si ell ng may nanlilisik na mata at nakaangil na ngipin

“backoff caster!” sabi ng binata kay caster

“chill bro wala naman akong gagawing masama sa kanya” paliwanag ni caster

“oo nga naman ell masyado kang possessive” natatawang turan ng kanyang kapatid na nakayapos kay caster

“tsk…”

“tito dito muna si Belinda pansamantala” biglang singit naman ni mandy kung saan

“ha? Bakit naman?” takang tanong ni caster

“vampire” simpleng sagot ni ell sabay haplos sa muka ng nahihimbing na si Belinda

“ano? Teka wag mong sabihing sya ang itinakda?” nanlalaking mata na tanong ni caster

Di lingig sa kaalaman nya ang mga bampira… may mga alam sya kahit papano sa mga ito… dahil nga anak si megomi ng isang bampira… na syang nobya nya ngayon

“pst daming tanong” sabad ulit ni ell at binuhat muli si Belinda

“mandy san ko pwedeng ilapag si Belinda?”

“ay oo nga pala samahan na kita tito kakaayos ko palang ng kwarto nya”

Umalis na ang dalawa at naiwan si megumi at caster sa sala’s

“naguguluhan na talaga ako tsk” sabi ni caster

Iniwan naman sya ni megumi para pumunta sa kwarto nito

Sa kabilang banda

---kwarto para kay Belinda

“dito mo nalang sya ilapag tito” sabi ni mandy sabay turo na puting kama

“mandy maaari mo ba muna kaming iwan”  

“ha? Ahh sige tito” naguguluhan man ay tumalima naman agad ang dalaga

Pagkalabas ni mandy

“nahihirapan akong magdesisyon sa mga bagay bagay----ang makasama ka ang pinaka masayang mga sandali sa buhay ko” humalik muna sya sa noon g dalaga bago lumabas muli ng kwarto nito

MEGUMI’S POV.

Magpapahangin lang sana ako ng may maaninag ako na bulto ng tao sa may gazebo sa baba na tanaw mula dito sa balconeya…

“sino ang tinatanaw mo dyan at naniningkit ang iyong mga mata?”

“putek caster! Ginulat mo ako” napahawak ako sa puso ko ng mariin…

“tsk… malapit na akong mag-selos dahil may tinatanaw ka nang iba bukod sakin” nakapout sya di naman bagay…

“magtigil ka nga! Ang tanda-tanda mo na ngumunguso ka padin”

Hinawakan ko ang tenga nya at pinilipit

“aray----arayyyyy—megggg” wala akong pake kung masaktan pa sya

Hanggag makapasok kami sa loob ng kwarto di ko tinigilan ang tenga nya

“ mahiya ka nga minsan” binitiwan ko na sya, sya naman kanda paypay sa tenga nyang nang-iinit na sa pula…

Blood SmellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon