Blood Smell

3.8K 62 2
                                    

 PROLOGUE

         Lumaki akong alam ko sa sarili kong hindi ako normal. May marangya man akong buhay na kinagisnan, binibigay man ng mga magulang ang anumang luho'ng hilingin ko. Pero nanatili akong nakakulong... Nakakulong sa isang magandang mansyon.

    Pinalaki akong kinukubli sa mata ng mga tao. Musika at pagbabasa lang ng libro ang pinagkakaabalahan ko. Kahit ang pagtanaw sa labas nang binatana ay malapit na ipinagbabawal saakin. Ang lahat ng kortina sa mansyong ito at natatakpan nang makakapal, mabibigat at malalaking kurtina. 

                Minsan napapaisip ako kung ano ba ang mayroon sa labas ng mansyong ito. Kung bakit ako ikinukubli ng mga magulang ko...

-

Isang araw habang nagbabasa ako nang libro at nakaupo malapit sa aking kama ay napukaw ako nang kakaibang ingay mula sa bintana. Kahit kailan ay di pa ako nagtangkang sumilip doon dahil tiyak na magagalik si Mama pero sa mga sandaling ito ay may nagtutulak saaking lumapit doon. Patuloy pa din ang ingay mula doon na lalong lumalakas na animo'y hinahampas ito ng kung ano. Dahan dahan kong hinawi ang mabigat at kulay pulang kortina na nagtatakip sa malaking bintana.

Lumiwanag ang kapaligiran sa ginawa ko. Nang mga sandaling iyon ay nasilayan ko ang kakatwang anyo ng kapaligiran. Puno ito ng berdeng kulay at pag tumingin ka sa itaas ay kulay asul na nakakapagpagaan sa pakiramdam ang kulay nito.

Napagawi ang mata ko sa salamin ng bintana kung saan may lamat ito. Tatlong guhit ito na sa tatsya ko ay kasukat ng buong palad ko. Para itong inukit na parang desenyo na ng salamin. Ngunit napaantras ako ng masilayan ko ang pagtulo ng isang malapot na bagay mula doon.

"Dugo"

by:yaminmirika

Blood SmellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon