DTBB: 3rd

3.1K 77 12
                                    

Brix's POV:

"Pucha! Walang kadala-dala ang mga gunggong!" Sabi ni Vin habang pinapatunog ang mga daliri niya. Alam kong badtrip na ang isang to. Pano ba naman, nasuntok siya ni Ed nung huling laban namin.

"Ayaw parin nilang tumigil! Dinamay pa nila yung bugatti ko! T@ngina! Pano na ko makakapick-up ng mga chicks neto?! Argh! Bwisit na Dark Vista yan! Palaging naghahanap ng gulo!" Sigaw parin ni Vin. Napailing nalang si Jake.

Kanina kasi, sabay-sabay kaming pumunta sa HotSpot, isang kilalang club dito sa East. Syempre, we need our daily dose of booze. Nung pauwi na kami, nakita naming flat na lahat ng gulong ng mga kotseng dala namin. Pero mas grabe yung nangyari sa bugatti ni Vin, wala ng side mirror at may crack yung windshield. Pinuruhan talaga nila.

"Chill lang Vin." Sabi ni Jake pero halata mong naiinis narin. Siya kasi ang "peace talker" samin. Laging kalmado. Pero di mo papangaraping makitang galit yan. Dalawang beses ko palang siya nakitang nagalit, pero grabe.

"Pucha! Anong chill? Sumosobra na sila! Pati kotse ko dinamay!" Sagot naman ni Vin habang nanginginig ang mga kamao. Alam kong nag-iisip na yan ngayon ng mga paraan para makaganti kami sa Dark Vista.

Pano namin nalaman na sila ang may gawa nun? Simple lang. May iniwan silang pulang bandana na may initials na DV. Yun ang tatak nila. Badtrip nga eh, nagtaxi tuloy kami pauwi.

"Don't worry guys, gaganti tayo."

I said while grinning. Tomorrow night, they'll beg for mercy. I'll make sure of that.

_-_-_

I saw the club.

May nakapagsabi sakin na dito ko sila matatagpuan ngayon. Nagpark ako agad at bumaba na. Nakita ko namang may dalawang nagpark din sa likod ko.

Sila Vin at Jake.

Hinintay ko silang makababa tapos sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng club. Di na kami pumila, dumiretso na kami sa bouncer at pinakita ang VIP card namin. Tumango naman siya at pinapasok na kami.We have VIP cards on almost all of the bars and clubs around here. Regular customers na kasi kami.

When we got inside, the smell of smoke, booze and s*x hit us strongly. Dumiretso kami sa bartender at nag-order agad ng hard drink. Two shots lang, para makondisyon lang kami ngayong gabi.

Nang makita ko si Chad, nag-init na agad ang dugo ko. Nandun siya, nakikipaglandian sa tatlong babaeng nakapulupot sa kanya. Nakangisi pa ang g*go! Ewan ko lang kung makangisi pa siya mamaya.

Si Chad, ang leader ng Dark Vista. Marami ng atraso sakin ang hayop na yan, di ko alam kung bakit kami lagi ang target niya. Nasa gilid niya si Ed. Naiinis ako kapag nakikita ko yan, palagi kasing nakangisi. Kaya sobrang badtrip din dyan si Vin eh. Kung mag-angas daw kasi feeling gwapo, eh wala pa raw si Ed sa ingrone ni Vin sa paa.

Vin's words, not mine.

At nakatayo sa gilid habang nagsisigarilyo, si Ace. Parang si Jake lang yan, tahimik minsan. Pero palaging seryoso sa labanan. Ilang beses narin niya kong napuruhan dati sa mga laban namin.

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon