DTBB: 13th

1.9K 70 17
                                    

Brix's POV:

It's been a week since the incident happened.

At almost a week na rin akong absent dahil sa sugat ko sa tagiliran. Nagpacheck-up na rin ako sa hospital at sinamahan pa ko ni nerd pero bukod sa painkillers na prescription sakin, kailangan ko lang daw magpahinga.

"Dahan-dahan lang. Dapat kasi di ka muna pumasok eh, you should've just rest instead." Sabi sakin ni nerd habang inaalalayan ako papasok ng university. One of her arms was around my waist while mine was draped over her shoulders.

She's so close. Her hair smells like strawberries and I can feel tingles from where our skin touched.

Sh*t, I'm turning gay.

"As much as I hate school, nakakamiss din pala. At ang boring sa bahay, di ako sanay ng walang ginagawa." Reklamo ko sa kanya.

"Tss. Pasaway ka talaga."

"Ang sabihin mo, concerned ka lang talaga sakin nerd." Asar ko sa kanya. "Don't worry, I wouldn't mind if you fall for me. I'm used to it."

"Yuck, kilabutan ka nga!" She scrunched her face. I'll admit, she's cute when she does that. Kaya ang sarap niyang asarin eh.

"Aminin mo na kasi." Tinignan niya lang ako ng masama.

"Shut up." Ngumisi lang ako sa kanya.

Nung nasa steps na kami, medyo kumirot na naman yung tagiliran ko causing me to grunt in pain.

Mas hinigpitan pa ni nerd ang hawak niya sakin. "Masakit pa ba? Gusto mo bang pumunta muna sa clinic?" Puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"No, I'm fine. Tara na." Dumiretso kami sa hallway papunta sa lockers.

Nerd is wearing a skin-tight jeans and red sleeveless top. Di ko masisi ang mga lalaki sa hallway kung bakit sila napapatingin sa kanya but the thought bugs me. Ayokong tinitignan siya ng mga lalaki na parang gusto siyang kainin. Kaya naman mas hinigpitan ko ang braso ko sa balikat niya at tinitignan ko ng masama ang mga tumitingin sa kanya ng ganun.

"Oo nga pala, bigla na lang nawala yung dalawa. Kanina nasa tabi lang natin sila ah." I said referring to Vin and Jake. Kasabay kasi namin sila papunta ng school.

"Si Jake umalis agad pagkarating natin, terror daw kasi yung first subject teacher niya. Si Vin naman tumigil dun sa harap nung mga babaeng nadaanan natin kanina." Napailing na lang ako. Lokong Vin talaga yun! Ang bilis palagi basta chicks.

Nagulat ako nung biglang may humarang samin na lalaki nung malapit na kami sa lockers.

"V?" Sabi niya habang titig na titig kay nerd. F*ck, sino ba to? Istorbo!

Kumalas sakin si nerd at tumakbo papunta sa lalaki sabay yakap sa kanya. "Renz! Anong ginagawa mo dito?"  Bumitaw siya saglit sa yakap para ngitian yung lalaki.

Dating The Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon